Nagising ako sa mabangong amoy ng sinangag. Nang imulat ko ang mga mata, nakakita ako ng tray sa bedside table ko. Napangiti ako dahil umagahan ito na pang Pinoy – may isda, kamatis, longganisa, at syempre sinangag! Sinamahan pa ito ng tsokolateng inumin. Tuloy ay masakit man ang katawan, agad kumulo ang tyan ko. Pinakiramdaman ko sandali ang sarili bago sinubukang bumangon. Mabuti at hindi naman ako gaanong nahirapan. Pagkaupo ko, maingat kong kinuha ang tray ng pagkain. Inilapag ko muna sa lamesa ang mainit na inumin at nagsimulang kumain. Dahil unang kagat pa lang ay nasarapan na ‘ko, hindi ko namalayan nang mabilis kong nasimot ang laman ng plato. Ang sarap tuloy sa pakiramdam nang maubos ko maging ang tsokolate. Nasa bahay pa rin ako ni Zavier. Hindi ko alam kung hanggang kailan p

