Chapter 54 (Part 1)

2487 Words

Ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko pagdilat. Binukas-sara ko pa ang mga ito ng ilang beses bago naging malinaw kung nasaan ako. Nandito ako sa kwarto ko, rito sa bahay ni Zavier. Mukhang dinala niya ako rito kagabi nang magdilim ang paningin ko dahil sa kalasingan. Ang huling natatandaan ko, pinapakiusapan ko si Zavier na tulungan akong iligtas ang kapatid ko sa kamay ni Pietro. Sobra-sobra ang pag-iyak ko kaya naman niyakap niya ako… Napapikit ako ng mariin nang may imaheng rumehistro sa isip ko. Hindi ako sigurado kung imahinasyon ko lang ba ito o totoong nangyari. Paano’y hinalikan ko si Zavier noong nasa sofa kami! At hindi ko lang siya basta hinalikan dahil sinakyan ko rin siya! Nag-init ang buong mukha ko nang maalala kung paano ko pinigilan ang paghawak ni Zavier sa akin… ku

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD