Kung anu-anong laban ang nasaksihan ng lahat sa loob ng abandunadong gusali – nariyan ang boxing, martial arts, at pati na rin wrestling. Paano’y upang malaman ang totoong lakas namin, walang pwedeng gumamit ng kahit anong armas o kasangkapan habang nakikipaglaban. Matatapos lang ang laban kung may isang susuko o hindi makakabangon. Kami na ni Abi ang susunod na maglalaban kaya naman tumayo na kami sa isang gilid malapit sa ring. Ramdam ang mabilis na kabog ng dibdib, habang tahimik na nanunuod sa laban ay hindi ko napigilan ang pagsulyap sa kabilang bahagi ng ring kung saan nakaupo si Zavier. Akala ko ay dadaan lang siya, sisilip sa training at pagkatapos ay aalis din dahil abala siya. Ngunit pinili niyang manatili at ngayon ay seryosong nakatitig sa hawak na tablet habang kasalukuyang

