Mabilis na sinuyod ng mga mata ko ang paligid ng bahay. Bawat hakbang ko’y puno ng pag-aalinlangan pero naglakas-loob akong magpatuloy. Kaunting hakbang pa papasok ay narating ko ang sala kung saan naabutan ko ang dalawa. Hinigit ko ang hininga ko nang makita sila – nakatayo at magkaharap pero hindi nagsasalita. Pinagmasdan ko ang seryosong ekspresyon ng mukha ni Zavier at nang bubuksan na sana niya ang bibig, natigilan siya nang magawi sa direksyon ko ang tingin. Nangilid ang luha ko dahil matagal kong hinintay ang sandaling ‘to. Noong nagpaalam kasi siya sa ‘kin, may parte sa loob kong iniisip na baka ‘di na siya bumalik. Lalo’t hindi ko alam kung anong pinunta niya sa Europe. Akmang magsasalita na ‘ko nang marinig si Andeng, “Ate…” Napatingin ako sa babaeng nagpapanggap na kapatid ko

