Prologue
"BABY DAMULAG?" Patanong pang sambit ko nang makita ang mukha ng lalaking magiging Boss ko.
'Totoo ba 'to?'
Nang lumapit akong maigi upang tignan ang mukha nito dahil baka nagkakamali ako. Hindi nagbago ang mukha nito.
"I'm sorry..." garalgal at hindi ko mapigilang sambit at pinaglaruan ang daliri ko sa kamay habang umiiyak.
Ito na naman. Ito na naman ang luha ko.
Hanggang ngayon ay masakit parin pala.
"Sige, aalis na ako." sabi ko pa bago pa nito mabuka ang bibig at pagsalitaan ako ng masama.
Kung alam ko lang na siya ang magiging Boss ko. Sana hindi na ako nag apply ng trabaho rito.
Nangako akong hindi na magpapakita pa pagkatapos ko itong saktan. Pero ano 'tong ginagawa ko?!
Pinunasan ko ang luha.
Hindi ko pa man nahahawakan ang doorknob ng pinigilan ako ng isang kamay sa braso ko.
"Do I know you? Did I do something bad at you? Have we met before?" Sunod sunod niyang tanong at ang tingin sa akin ay nagtataka.
Nagtaka rin ako at napatingin dito.
"Miss Lopez, right? Sorry, but I don't get why are you saying sorry that's why I'm asking you if I know you or did I do something bad at you." ulit nito.
Gone the baby damulag na may po sa akin at Mommy kung ako'y tawagin.
Umaarte ba ito? Umaarte na parang hindi ako kilala dahil sa ginawa ko noon?
T*ngna! Baket pa aalis narin ako rito pagkatapos kong malaman siya ang Boss. Hindi na nito kailangan umarte!
Kung uutuin ako nito hindi ngayon ang panahon dahil kailangan kong kumita ng pera.
"Miss Lopez?
Habang tinitigan ko ng ilang minuto ang mukha ng lalaki at kung paano ito magsalita.
"Sino ka? Your whole name?" tanong ko.
Kase walang halong biro. Hindi ganto umarte si baby damulag.
Ang nakikita ko ngayon ay isang guwapong lalaki na nagtataka sa akin.
Bagaman nagtataka parin. Sinagot nito ang tanong ko.
"Khairro Blake Dorriente Scott. How about you?"
Kung ganon siya nga!
Siya si baby damulag!
Pero ano't hindi nito ako kilala or maalala?
Naiiyak ulit ako sa kaalamang nagkita ulit kami kahit hindi na dapat at kaalamang hindi nito ako kilala.
"Veronica Lopez." sagot ko rin rito.
"Why the hell your name is so f*cking familiar. Sa tatlo kong tanong, pwede bang sagutin mo ang isa." pahayag niya na kinakaba ko.
"A..ano.."
"F*ck...forget it. Makakaalis ka na."
"Pero hindi pa tapos ang interview mo sa akin kahit na secretary mo na ko." mahinang sabi ko.
"I thought you don't want to be my secretary anymore. What's with the sudden change?"
Déjàvu
"Because I'm still your secretary?" sagot kong hindi sigurado.
"Right, you can start tommorow. Pwede kang magpahinga ngayon. You need it now since your work will be done late starting tommorow."
"Sige po, Sir. Salamat."
Tumalikod na ko at napahawak sa dibdib nang nasa labas na ng office.
Tumulo ulit ang luha ko.
Kung ano man ang nangyari kung bakit hindi ako nito maalala kasalanan ko siguro yon. Sa simula't sapol hanggang ngayon ako lagi ang may kasalanan kung bakit ito nasasaktan na dapat hindi na nito nararanasan dahil sa mga nangyari sa kaniya.
Kasalanan ko.
Pero kung ibabalik man ang panahon na 'yon. Hindi ko parin babaguhin.
Iiwan at iiwanan ko parin ito.
Sa isang rason at dahil din wala akong panama sa mga taong naging bahagi sa kaniya bago pa ko dumating.