Episode 1: The Handsome Gay
Stella's POV
I noticed a man sitting on the side of the road. There was a wound on the side of his lip and he was obviously suffering from the pain. Parang siya yung nakita kong pinagtutulongan ng mga tambay kanina sa kanto. Schoolmate ko ata. Parehas kasi kami ng school uniform.
Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa loob ng convenience store. Bumili lang ako ng midnight snack ko.
"385 po lahat, ma'am."
Babayaran ko sana nang mapansin ko sa labas ang lalaki kanina na napasapo sa noo niya. Bakit ba pakiramdam ko dapat ko siyang tulungan? I closed my eyes and bought medicine for his wound.
"Miss, pakisama ito." ani ko.
I went out while chewing my strawberry gum.
"Oh gamutin mo sugat mo."
He turned to me and wondered what I was doing. He just stared at me. Alam ko hindi kami magkakilala pero kinakain ako ng konsensya ko, okay?
"Bilis na. Nangangalay ako." Reklamo ko.
Para naman siyang natauhan at walang imik na kinuha ang paper bag sa kamay ko. I was about to leave but I saw that he was just staring at the paper bag and he had no intention of treating himself.
"Aghhh! Hindi iyan kusang gagalaw at gagamutin ka, okay?! Akin na nga. Ako nalang ang gagamot sayo."
I took the medications inside the paper bag and stood beside him. He was amazed at what I was doing and backed away a little.
"Huwag kang maarte. Ilapit mo iyang mukha mo sakin. Mabilis lang ito."
Ano pa bang ineexpect ko? Hindi niya sinunod ang sinabi ko kaya hinila ko ang baba niya at mabilis na ginamot ito. Medyo napangiwi naman siya sa pagdampi ko sa sugat niya.
"Oh! Tapos na."
Inayos ko na ang pinaggamitan ko at tatayo na sana nang bigla niyang hilain ang braso ko kaya napabalik ako sa pag-upo sa tabi niya.
"What's your name?" usal niya.
"Uyyy interesado ka na agad sakin? Ikaw ha."
Hinawi ko ang buhok sa likod ng tenga ko. Binitawan naman niya agad ang braso ko.
"Nevermind then."
"Ito naman. Stella is my name." nakangiti kong pakilala.
"My name is Sebastian but you can call me Sevi for short." Ngumiti siya. "T-thank you sa pagtulong mo."
Iniwas niya ang tingin sakin at nahihirapan pa siyang banggitin ang salitang 'thank you'.
"Bakit ka ba naiilang sa akin? Nagagandahan ka sa akin?" biro ko.
He turned to me for a moment and stared into my eyes.
"Yeah, maganda ka..."
My smile slowly faded. I was almost deafened by the force of my chest pounding. But my world seemed to collapse when he added it.
"Pero mas maganda ako kaysa sayo..."
Ano? Bakla siya!?
"Bakit ganyan ang reaksyon mo?"
I blinked my eyes multiple times. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Bakla ka?" Paninigurado ko.
"Yeah, kakasabi ko lang kanina na mas maganda ako hindi ba? I mean it. I truly am gifted with a handsome s***h beautiful face."
"Pero... bakit? As in why?!" I was confused.
Natawa naman siya sakin.
"I don't really know the exact reason. Basta nagulat na lang ako na kahit anong pilit kong magkagusto sa isang babae ay hindi ko magawa."
Sayang siya. As in type ko pa naman. Apart from his angelic face. He looked like a mysterious guy earlier when I approached him. Parang gusto kong halungkatin ang buong pagkatao niya. He caught my attention.
"Pero yun nga, alam ng lahat sa school na bakla ako."
"Anong lahat? Hindi ko alam! We have the same school uniform so we are schoolmates. Why don't I even know you? Bakit di man lang kita kilala o namukhaan man lang?"
Umayos siya ng upo at binaling ang tingin niya sa harapan.
"Talaga? Hindi nga rin kita kilala. Sa bagay, malawak ang school natin. But I thought all my schoolmates really knew because they were spreading it. Sayang daw kaguwapuhan ko. Bakit pa daw naging bakla ako? Sayang lahi ko. Why the heck does that concerned them? Ano bang pake nila if I choose to be who I am today."
Kanina lang halos dumistansya siya sa akin at naiilang. But right now, why do I feel like he's opening up to a stranger like me?
"Stop staring at me, you're creeping me out." He complained.
I laughed and like him I also turned my gaze to the front.
"Bakit ka ba nakipagsuntukan kanina?" Tanong ko sa kanya.
"You mean, binugbog nila ako?"
"Ha?"
"Ayokong lumaban dahil mas lalo lang nila akong hindi titigilan. I just let them be."
"You just let them beat you?! Dapat nagsumbong ka!" Tila galit kong saad.
Nilingon ko siya at pagak lang siyang natawa sa sinabi ko.
"It's no use. Lahat ng tao sa paligid namin. Tingin nila sa katulad namin ay salot sa lipunan."
Pain is visible in his eyes and I also seem to feel pain in my chest.
At first, akala ko pinagtritripan niya lang ako at nagpapanggap lang siya na bakla siya. But the way he sounded like that, it seemed like I was also hurt by what he said.
"Off topic. Why aren't you wearing women's clothes?" tanong ko sa kaniya.
"I don't like it. Even if I don't wear that, I'm confident enough that guys would fall for me. Ako pa ba."
Nakakainis naman. Hindi ako makakontra.
"Hindi ka salot sa lipunan, Sevi. People like them who are abusive are the real plague on society. Don't worry because next time I will defend you from them."
"Huwag na dahil madadamay ka pa. Why would you even do that?"
"Because I'm your future girlfriend."
Nakangisi kong sabi. He turned to me and seemed disgusted with what I said. He immediately stood up and shook his clothes.
"I'm not interested. Boyfriend kailangan ko at hindi girlfriend."
Tinarayan niya ako gamit ang kilay niya. I also stood up and stretched out my hand.
"Hoy! Huwag kang magsalita ng patapos. You'll fall for me, Sevi. Not now, but soon."
Tinataas baba ko ang mga kilay ko sa kanya. Napailing na lang siya.
"Hindi ako maiinlove sayo, Stella kahit pa-"
Hinila ko ang kwelyo niya palapit sakin.
"Kahit gawin ko ito?"
Our lips were only a few feet away from each other. He quickly removed my hand from his collar.
"Aray!"
Pinitik niya ang noo ko.
"Oo. It has no effect on me and I'm sick of what you're doing. Thank you for treating my wound but stop fantasizing about me."
He turned his back on me and started walking away.
"Kahit ako manligaw sayo?" ani ko.
"Oo."
"Kahit lumuhod ako dito ngayon?"
"Oo."
"Mahal mo ko?" Nakangisi kong saad.
"O- what?!" ani niya.
"Okay!" Napaharap siya sakin kaya ngumiti ako ng malapad.
I turned around and happily walked in the other direction.
"La la la la~"
"Hey! I didn't say anything!" he shouted which made me smile even more.