"Hindi totoo 'yan! hindi patay ang anak ko! buhayin nyo sya! buhayin nyo sya!" palahaw ni Aimie habang akap akap ito ni Jansen, matapos ang halos isang buwang pakikipaglaban ay bumigay na din ang murang katawan nito, maging si Jansen ay hindi makapaniwala,parang gumuho ang mundo nilang mag asawa, buong akala nila ay lumalakas na ang puso nito, ilang araw na nga nila itong nakakarga dahil nakakahinga na ito ng walang oxygen, umasa silang ilang araw na lamang ay maiuuwi na nila ito, maging ang mga doctor ay nabigla din ng makita na lamang itong nangingitim,sinubukang irevive subalut hindi na din sila nagtagumpay.Matapos magpapalahaw ng iyak ay nawalan ng malay si Aimie, hindi na nito kinaya ang emosyon at nanikip bigla ang dibdib nito, hindi naman agad nakahuma si Jansen ng makitang unti unt

