'Well, you're in your 39th week so anytime pwede ka ng manganak, but in your case hindi ka pwedeng mag labor so we have no choice but to do ceazarian section, labor pains will trigger your heart condition," anang doctor kay Aimie. Pinisil naman ni Jansen ang kamay nito na hawak niya upang ipadana na wala siyang dapat ikatakot.
"I understand doc, kailan natin pwedeng schedule?" tanong ni Aimie.
"Anytime, mas mainam na huwag na nating hintayin na maglabor ka, you're in full term so pwede ka ng mamili ng date," tugon ng doctor.
" Ikaw sweetie, are you ready?" tanong ni Jansen habang hawak pa din ang kamay ni Aimie.
"Of course, I'm too excited to see our baby," nakangiting tugon naman ni Aimie.
"Just tell me the date and I will prepare everything," anang doctor.
Nagpaalam na sng mag asawang Jansen at Aimie, napagkasunduan nilang schedule na aa lalong madaling panahon ang ceazarian surgery ni Aimie, mahirap na dahil baka abutin pa ng paglelabor ito ay magiging delikado para sa kanilang mag- ina. Naabisuhan na din ni Jansen ang mga magulang ni Aimie maging ang dalawang matalik nitong kaibigan, magtatampo ang mga ito kapag hindi niya sinabihan , maging ang mga magulang ni Jansen na nasa ibang bansa ay agad nag book ng flight pauwi ng Pilipinas, tulad bg mga magulang ni Aimie ay sabik na din ang mga ito na makita ang kanilang unang apo. Napakaswerte ng kanilang magiging anak dahil sa napakaraming nananabik sa 0aglabas nito sa mundo, higit sa lahat ay pinakasabik ang mag- asawang Aimie at Jansen.
Hindi mapakali sa labas ng operating room si Jansen, kulang ang kasabihang napudpod na ang sapatos nito sa kapapabalik- balik, ang sabi ng doct9r ay isang oras lamang ang operasyon subalit halos 0ara kay Jansen ay tila taon na ang lumilipas dahil sa 0aglainip at pananabik nito.
"Jansen pwede ba,nahihilo na kami sa'yo, maupo ka nga muna," saway ni Yhna l.
"Ganyan talaga ang mga lalaki kapag nanganganak ang mga asawa, hindi mapakali," sagot ni Lane.
Hindi na nakasagot si Yhna ng bumukas ang pinto at lumabas ang doctor para tawagin si Jansen.
" Doc kamista ang mag- ina ko?" tanong ni Jansen sa doctor.
" Your wife is fine, still sedated but she will wake up in awhile," tugon ng dictor.
"How about my son, can I see him?" nasasabic na tanong ni Jansen.
"I'm sorry, your son has a very weak heart kaya kailangan muna siyang incubator at lagyan ng life support 0ara tulungang makahinga ng ni4mal," anang doctor.
"What? paano nangyari yun doc? magiging maayos din ba ang kalagauan nua?" nag aalalqng tanong ni Jansen.
"It's too early to tell,but we will do everything to make him survive," anang doctor sabay tapik sa balikat ni Jansen. Daig pa niya ang binagsakan ng langit,ang kasiyahan at pananqbik niyang makita ang anak ay napalitan ng labis na pangamba. Agad naman lumapit ang ina ni Aimie kay Jansen at niyakap ito bilang pag alo bagamat hindi nito mapigilan ang pagdaloy ng luha.
"Mahal..." paos na tawag ni Aimie kay Jansen ng magising ito,nailipat na ito sa private room at hinihintay na lamang magising, nasa silid din at naghihintay ang kanyang mga magulang at dalawang kaibigan.
"Sweetie, kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Jansen habang hinihimas ang buhok ni Aimie.
"Yes please," tugon naman ni Aimie. " nasaan na nga pala si baby?" tanong nito matapos uminom ng tubig.
"He's in the nursery, magpahinga ka muna at kapag kaya mo ng bumangon ay pupuntahan agad natin sya," tugon ni Jansen na pilit pinipigilan anb mapaiyak. Mataman tiningnan ni Aimie ang muka ng asawa at mababakas ang pagtataka dito. Sa pagkakaalam niya ayang baby ang dapat dalhin sa kanya at hindi siya ang kailangan pumunta sa nursery, alam niyang may mali.
"May nangyari ba sa anak natin Jansen?" tanong ni Aimie, hindi agad sumagot ang asawa kaya binalingan ni Aimie ang mga magulang na kasalukuyan ding nasa silid.
"Anak magpahinga kana muna,kailangan mong makabawi ng lakas," anang ama ni Aimie.
"Meeon kayong hindi sinasabi sa akin, nasaan ang anak ko!" mataas ang boses na tanong ni Aimie.
"Sweetie, kailangan lang maincubate ni baby for a few days kaya wala sya dito sa room mo, kaya magpahinga ka muna at magpalakas," ani Jansen sabay halik sa noo ni Aimie.
"Gusto ko ng makita ang anak ko, dalhin nyo ako sa kanya," halos hysterical na si Aimie.
"Sweetie hindi kapa maaaring magkikilos,baka bumuka ang tahi mo, don't worry makikita mo din sya," ani Jansen habang nakaakap sa asawa na patuloy pa din sa pag iyak. aMabuti na lamang at dumating ang doctor ni Aimie, agad itong tinurukan ng pampakalma dahil makakasama dito ang paghihisterya.Unti- unti naman bumigat ang talukap ng mata ni aimie hanggang sa gupuin na ito ng antok dahil sa tinurok na gamot.
Awang- awang pinagmamasdan ni Jansen ang kanyang asawa, naitanong tuloy sa sarili ni Jansen kung may nagawa ba siyang hindi tama,kung mayroon ba siyang naagtabyadong kapwa, bakit kung kailan natupad na ang pangarap nila ni Aimie ay panibagong pagsubok na naman, bakit hindi pa malubos ang kanilang kasiyahan, bakit kailangan anak pa nila ang magkaroon ng karamdaman sa napakamurang edad nito.
Patuloy ang pagpatak ng luha ni Aimie habang pinagmamasdan ang nakakaawang kalagayan ng kanyang anak, may tubong nakasuksok sa bibig nito at ilong habang nasa loob ng incubator. Parang pinipiga ang puso ni Aimie, napakamura pa ng katawan ng kanyang anak para danasin ang ganito, napakasakit sa pakiramdam na nakikita nga niya ang kanyang anak subalit hindi naman niya mayakap ito, sabik na sabik na siyang makarga ito at ipadama kung gaano niya ito kamahal subalit wala naman siyang magawa kundi ang pagmasdan lamang ito.
"Halika na Aimie, ibabalik na kita sa room mo para makapagpahinga,kailangan mo ding magpagaling," ani Jansen sa kanyang asawa.
"Sandali na lang mahal, gusto ko pang bantayan si Jacob," ani Aimie, Jacob ang ipinangalan nila sa kanilang anak.
"Sweetie kanina ka pa nakaupo dito, kaipangan mo ng magpahinga, paano mo maaalagaan si Jacob kung hindi pa magaling ang sugat mo," ani Jansen na nakahawak na sa likod ng inuupuang 2heelchair ni Aimie. Wala naman itong nagawa kundi ang tumango, muli nilang simulyapan ang anak bago tuluyang lisanin ang nursery.