35

1018 Words
"Thank you so much, I owe you a lot," ani Jansen na nakangiti. Kasama niya sa isang coffee shop sila Yhna at Lane. Katatapos lang nilang pag-usapan ang planong surprise birthday party para kay Aimie at kasabay na din nito ang gender reveal, nasa ika- pitong buwan na ng pagbubuntis si Aimie at naisipan ni Jansen na surpresahin ito,maging siya man ay excited na ding malaman kung babae o lalaki ang kanilang magiging anak. "Sus, para ano pa at kami ang bestfriends ni Aimie, at magtatampo naman talaga kami kung hindi kami ang nilapitan mo noh!" ani Lane. "Agree, buti na nga lang at andito si Lane para sanib pwersa kami," pag sang- ayon naman ni Yhna. "Syempre naman, hindi ko pwedeng mamiss ang chance na ito, besides mapapadalas talaga ang pag- uwi ko ng Pinas ngayon, every 3 months andito ako," tugon naman ni Lane. "That's perfect, anyway mauuna na ako sa inyo ha,ang dami ng text ni Aimie,maya,maya tatawag na to at papauwiin ako," nakangiting paalam naman ni Jansen sa dalawa. "S'ya humayo ka na ulirang husband at baka umuusok na ang ilong ni Aimie sa inis mapa anak pa ng wala sa oras," ani Yhna. "By the way Lane,bakit nga pala every 3 months ka na dito sa Pinas?" baling ni Yhna kay Lane ng sila na lang dalawa ang magkausap. "Kasi Gerard has this big project in Cebu at mukang siya na ang papalit sa dad nya as CEO so hindi na siya babalik ng Germany," kaswal na tugon naman ni Lane. "That's good news, but why not settle here na para hindi ka na pabalik balik ng Milan," si Yhna. "I'd love to, kaya lang may one year contract pa kasi akong kailangan tapusin kaya wala akong choice," matamlay na tugon naman ni Lane at napabuntong hininga pa ito. "Haizt, sabagay sandali na lang naman ang one year," ani Yhna. "Yeah! anyway focus na tayo sa party ni Aimie,I'm so excited na for her," pagbabago ng topic ni Lane at pilit ng pinasigla ang usapan. "Same here!" kinikilig pang tugon ni Yhna. Dumating ang araw ng birthday/gender reveal party ni Aimie, napakaganda ng ayos ng venue,puno ng mga lobo at gayak na bear stuffed toys at balloons na kulay blue at pink, talagang siniguro ni Yhna atLane na perfect ang lahat at walang magiging aberya kahit sa kaliit- liitang detalye. " Mahal sigurado ka ba okey ang itsura ko?" ani Aimie na itsurang dismayado habang nakaharap sa salamin, katatapos lang niyang magbihis sa hotel room kung saan din gaganapin ang party. "You look perfect sweetie," tugon ni Jansen na nakalapit na dito at inakap pa ang asawa. "Sabi mo lang yan, ang pangit ko, ang taba ko pa!" nakalabi pang tugon ni Aimie. "Of course not, you're the most gorgeous, and sexiest pregnant that I've ever seen," ani Jansen sabay kintal ng halik sa labi ng asawa. Bagamat alam naman ni Aimie na iyon ang palaging isinasagot sa kanya ni Jansen ay kilig na kilig padin ito, Kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagiging malambing nito, pakiramdam nga ni Aimie ay lalo pa itong naging malambing sa kanya, bawat sandali ay pinaparamdam nito kung gaano siya kamahal. "Ahem, excuse me lovebirds, tama na muna yan at hindi pa lumalabas si baby ay mukang gusto nyo ng sundan." ani Yhna na na hindi nila napansing nakapasok na pala sa silid. "Bastos talaga nito, tara na nga," ani Aimie na kumalas na sa pagkakayakap ni Jansen. "Wow! ako talaga ang bastos eh kayo nga itong nagtutukaan na bukas ang pinto," tugon ni Yhna na nakangiti. "How can I resist my gorgeous wife," sabat naman ni Jansen. "O sya,tara na at mag start na ang party wala pa ang celebrant, mamaya nyo na ituloy yan," nanunuksong wika pa ni Yhna at nagpatiuna na itong lumabas, natatawa namang sinundan na ito ng mag- asawa. Matapos kantahan ng birthday song ay umusal ng wish si Aimie bago hipan ang kandila sa ibabaw ng napakagandang cake,kasabay nito ay umulan ng confetti na kulay asul kayat nagsigawan at palakpakan ang lahat ng bisita. Wala din namang mapagsidlan ang mag asawa lalo na si Jansen dahil sa katuparan ng hiling niyang magkaroon ng panganay na lalaki, kasabay ng confetti ay lumabas din sa malaking led scren ang "CONGRATULATIONS IT'S A BABY BOY!" na mga kataga.Isa- isa ding nagsibati sa mag asawa ang mga kamag anak at kaibigang dumalo sa kasiyahan,lahat ay nagpapahayag ng kasiyahan para sa kanilang mag- asawa. "Thank you so much girls," ani Aimie sabay akap kay Yhna at Lane, naluluha sa tuwa si Aimie dahil napag alaman niyang ang dalawa niyang best friends ang katuwang ni Jansen sa paghahanda para sa napakaganda at masayang birthday/ gender reveal party. "Sus,ikaw naman,syempre naman ikaw pa ba!" tugon ni Lane. "Grabe kayong magtago ha, ang galing nyo talaga sa mga paandar na ganito," ani Aimie, ang totoo kasi ay nalaman lang niyang may party ng dalhin siya ni Jansen sa hotel room kung saan naka ready na ang gown na susuotin niya at sa mismong hotel din na iyon magaganap ito. "Well, kami pa ba? you know naman sa ganyan kami the best," ani Lane. "You guys are the best friends anyone can wish to have, love you guys," ani Aimie. " Sya tama na ang kadramahan,we have to go, and you need to rest na din seksing buntis, for sure napagod ka," ani Yhna. Muling nagyakap ang magkakaibigan bago tuluyang naghiwahiwalay at magsiuwi. "Let's go sweetie," aya ni Jansen kay Aimie. "Bakit sa elevator ang punta natin, nasa parking area ang car diba?" nagtatakang tanong naman ni Aimie ng mapansing sa halip papalabas ng lobby ay sa direksyon ng elevator ang tinatahak nila. "We have a room upstairs remember," ani Jansen na may pilyong ngiti. " Hoy Jansen Castillo tigilan mo ako ha,hindi ko gusto ang ngiting 'yan," nakairap na wika ni Aimie. "Why? masaya lang ako kaya nakangiti," ani Jansen habang nakaalalay kay Aimie. "Kilala kita, kabisado ko ngiting yan, hindi nakakatuwa," pagsusungit pa ni Aimie. Nagkibit balikat lang si Jansen subalit hindi pa din nawawala ang pilyong ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD