19&20

565 Words
Chapter 19 “This is really good iho,magaling ka palang magluto,”anang ama ni Aimie habang kumakain sila ng pananghalian. “Hindi naman po tito,namiss nyo lang po siguro ang filipino food,”nahihiyang tugon naman ni Jansen. “No this one is the best kare-kare iho,ang swerte ng anak ko,buti na lang magaling kang magluto,because Aimie hates the kitchen,:nangingiting tugon naman ng ginang. “Mom!”pinandilatan naman ni Aimie ang ina at nagkatawanan sila. “By the way iha,I have to tell you something,actually I really don’t want to do this,”seryosong pahayag naman ng ama ni Aimie. “What is it dad?”tanong naman ni Aimie. “My general manager called me,may nangyari kasing hindi maganda sa company naten sa states I have to deal with it personaly,”anang ama ni Aimie. “Its okey dad,I'll be fine here with mom,”tugon naman ni Aimie. “But I also need your mom there,so I suggest you come with us,”seryosong pahayag ng ama ni Aimie,ikinaalerto naman ito ni Jansen,umuusal ng dasal ang binata na sana ay magpaiwan na lamang si Aimie,alam niyang wala siyang karapatang pigilan ang dalaga na sumama sa mga magulang nito. “I don’t think it’s a good idea dad,”ani Aimie na ikinasaya naman ni Jansen,gusto niyang mapasigaw sa tuwa ngunit pinigilan niya ang sarili. “Pero anak ayaw naman namin na maiwan kang mag isa dito,dangan nga lamang at hindi maaaring maipagpaliban ang pagbalik namin sa Amerika,”sagot naman ng ina ni Aimie. “Mom kung aalis ako para ko na ring iniwan ang mga alaalang pilit kong gustong balikan,hindi makakatulong sa akin kung lalayo ako,”paliwanag naman ni Aimie at mukang nakumbinsi naman nito ang mga magulang. “But who will take care of you,hindi naman pwedeng iwan ka na lang namin sa mga katulong,”tugon muli ng ginang. “If you will trust me with your daughter mam,I can asure you na pangangalagaan ko siya hanggang sa makabalik kayo,”tugon naman ni Jansen at sabay sabay namang napabaling ang tingin ng lahat dito,lalo na si Aimie na nandilat pa ang mga mata. “What do you mean?alangan namang dito ka tumira kasama ko?besides I can take care of myself,don’t worry about me mom,dad,”baling naman ni Aimie sa mga magulang. “I agree with Jansen,”seryosong tugon naman ng ama ni Aimie. “But dad!”tanggi naman ng dalaga. “Jansen will take care of you or you come with us!”matigas na tugon ng ama ng dalaga,wala namang nagawa ito kundi ang yumuko at panggigilan na lamang ang pagkain sa kanyang plato,tinutusoktusok nito ang gulay na para bang ito ang kaaway. “Iha don’t be upset,kung meron man kaming mapagkakatiwalaan na pag iwanan sa iyo si Jansen iyon,besides mapapanatag ang kalooban namin na aalagaan ka niyang mabuti,”paliwanag naman ng ginang. “Excuse me,magpapahinga na muna ako,”ani Aimie at tumayo na ito at nagtungo sa kanyang silid,wala namang nagawa ang tatlong naiwan kundi sundan na lamang ito ng tingin. “Pagpasensyahan mo na ang anak namin iho,”naiiling na baling naman ng ama ni Aimie sa binata. “I understand tito,hindi pa kasi niya ako maalala kaya hindi siya kumportableng kasama ako,it will take time but Im willing to wait,”nakangiting pahayag ng binata. “Salamat iho,pero okey lang ba talaga sa iyo,baka makaabala kami sa trabaho mo,”anang ginang. “No problem tita,I can work from home,besides hindi rin naman ako mapapalagay kung maiiwan mag isa si Aimie dito,hindi naman natin siya pwedeng pilitin sa ayaw niya lalo na sa sitwasyon niya ngayon.”ani Jansen. “Salamat Jansen,but don’t worry siguro 2-3 weeks makakabalik din kami kaagad,”pahayag ng ama ni Aimie. “Its okey tito,by the way I need to get some documents from my office and some personal things then I’ll comeback tonight,magpapaalam lang ako kay Aimie,”ani Jansen at tumayo na ito para magtungo sa silid ng dalaga. “Aimie,”tawag ni Jansen sabay katok ng marahan sa pinto ng silid ni Aimie,ng hindi sumagot ang dalaga ay pinihit ni Jansen ang doorknob,mabuti na lamang at hindi nakalock ito,nasa veranda ng silid ang dalaga at nakatanaw ito sa hardin. “Sweetie are you upset,”ani Jansen at yumakap ito sa nakatalikod na dalaga,napapigsi naman ito at nagulat sa ginawa ng binata. “Don’t touch me,”palis nito sa kamay ni Jansen. “Im sorry,uuwi muna ako ng Manila to get some important things,bukas na pala flight ng parents mo,I'll be back tonight,”ani Jansen at kinantalan ng halik sa noo ang dalaga,hindi na niya hinintay na sumagot ito at naglakad na palayo.Gusto itong habulin ni Aimie at magsorry sa ginawi niya subalit pinigilan niya ang sarili..Nagalit ata ang mokong,bulong sa isip ni Aimie,at bigla niyang naalala na nabanggit ni Jansen na mokong nga pala ang endearment niya dito,napangiti ang dalaga. Sumapit ang gabi ay tila naman inip na inip ang pakiramdam ni Aimie,ang sabi kasi ni Jansen ay babalik siya pero hatinggabi na ay wala pa ito ng biglang tumunog ang cellphone ng dalaga. “Sweetie,Im sorry,hindi pa ako makaalis ng opisina,I need to finish some important things,but I'll be there early para nariyan nako bago umalis sila tito,”ani Jansen na halata ang pagkapagod sa tinig. “Its okey,take your time,importante ang company mo,hindi naman pwedeng basta mo iyan iwanan,”tugon naman ni Aimie. “Your more important sweetie,”tugon naman ni Jansen na pinalambing pa ang tinig kaya ikinangiti naman ito ni Aimie,nakaramdam siya ng kilig. “Whatever,sige na baka marami ka pang gagawin,tapusin mo na mga trabaho mo,”tugon naman ni Aimie na nagsungitsungitan pa. “I miss you sweetie,I love you,”tugon naman ni Jansen bago tapusin ang tawag.Nangingiti naman si Aimie at nahiga na ito,buti naman hindi na niya kailangan hintayin ang pagdating ni Jansen,bakit nya nga ba hinihintay ang pagdating nito,tanong ni Aimie sa sarili,pero ipinikit na lamang niya ang mga mata. “Ingat po kayo,tito,tita,”paalam ni Jansen sa mag asawa bago lumulan ang mga ito sa sasakyang maghahatid sa airport. “Mag iingat din kayo dito,ikaw na muna ang bahala kay Aimie,”bilin naman ng ginang. “Don’t worry tita ako po ang bahala,pagbabalik ninyo marunong ng magluto ang anak ninyo,”tugon naman ni Jansen sabay tingin kay Aimie ng nakangiti,namewang naman ang dalaga at pinangdilatan ito. “Sana nga iho,by the way Jansen magpahinga ka muna,hindi ka pa natutulog napakaaga mong bimiyahe paparito gayung pagod ka sa trabaho,”wika naman ng ama ni Aimie.tumango naman ang binata at isinara na ang pinto ng sasakyan. “Bye mom,dad,”paalam naman ni Aimie sa mga magulang at tinanaw na lamang ang papalayong sasakyan. “At ikaw naman po,pumasok ka na sa guest room at matulog,mamaya niyan magkasakit ka pa sa puyat at pagod,”nakapamewang naman na baling ni Aimie sa binata. “Sarap naman concern na sakin ang mahal ko,”nakangiti namang tugon nito. “Sira,ayoko lang mag alaga ng may sakit noh!”tugon naman ng dalaga at tumalikod na ito papasok sa sariling silid,nàpapailing naman habang nakangiti si Jansen.Pinagpapasalamat ng binata na mas magkakaroon siya ng pagkakataon ngayon na maipaalala kay Aimie ang kanilang pagmamahalan,ang mga araw na masaya nilang pinagsaluhan,lalot magkakasarilinan sila,Muli niyang ipapadama ang labis na pagmamahal sa dalaga ng maalala na siya ng puso nito. Agad namang nakatulog ang binata paglapat ng likod nito sa kama dala ng pagod at puyat,hapon na ng maalimpungatan ito dahil sa pagdampi ng malamig na hanging probinsya na nagmumula sa bukas na bintana,tiningnan nito ang oras at napabalikwas ng makitang alas 6 na pala ng hapon,maghapon pala siyang nakatulog,kamusta na kaya si Aimie,dalidaling nagtungo sa banyo ang binata para magshower at pagkatapos magbihis ay lumabas na ito ng silid para hanapin ang dalaga. Natanaw niya itong nagbabasa ng libro sa salas kayat agad niya itong nilapitan at panakaw na ginawaran ng halik sa ulo dahil nakatalikod ito sa kanya,nagulat naman ang dalaga at agad napabaling sa kanyang likuran. “My God Jansen ano ba!”angil naman ng dalaga na nakasimangot. “Sorry,”nakangiti namang tugon nito at umupo na sa tabi ng dalaga. “Gusto mo na bang kumain?maghapon kang tulog,for sure gutom ka na,”ani Aimie at inilapag na ang hawak na libro sa mesita. “Medyo gutom na nga ako,tara kainin na kita,”ani Jansen na hinawakan ang kamay ng dalaga “What?”tugon naman nito na agad pinamulahan ng pisngi. “I mean kain na tayo,tara sabayan mo na ako,iinom ka pa ng gamot,”nangingiti namang tugon ni Jansen at hinila na ang kamay ng dalaga para tumayo. “Ikaw nga mokong tigil tigilan mo ako ng mga ganyang banat mo ha,dika makakalusot sa akin,”ani Aimie at pinalis ang kamay ng binata at nagpatiuna na itong naglakad patungo sa kusina. “Joke lang,”tugon naman ng binata na napakamot sa ulo at sinundan na paglalakad si Aimie. Matapos maghapunan ay inaya naman ni Jansen si Aimie na magpahangin sa hardin. “Ang sarap talaga dito sa probinsya,sariwa ang hangin,”pahayag ni Jansen habang inaalalayan ang dalaga na maupo sa garden set. “Yes,kaya nga gustong gusto kong nagbabakasyon dito,pero syempre mas gusto ko pa din ang buhay ko sa lungsod,andun ang career ko,”anang dalaga na napabuntong hininga pa at biglang lumungkot ang ekspresyon. “Namimiss mo na ba ang Manila?”tanong naman ni Jansen. “Oo,pero sa ngayon hindi ko pa alam kung anong babalikan ko doon,kung may babalikan pa ako,at babalik pa ang alaala ko,”malungkot na pahayag ng dalaga at pumatak na ang luha nito. “Hey sweetie don’t cry,”ani Jansen na lumapit na dito at pinunasan ang luha ni Aimie. “Ang hirap kasi ng ganito,wala akong maalala,ni hindi ko alam kung anong naging buhay ko noon,hindi ko maalala kung may nakaaway ba ako,o kung naging maganda ba yung career ko,ang pakiramdam ko ngayon wala akong kwenta dahil wala akong maalala,”lumuluhang pahayag ni Aimie na hindi na napigilan ang emosyon. “Shsh…stop crying sweetie,makakaalala ka din,nandito lang ako para tulungan ka,ipapaalala ko sayo lahat,”malumanay na pahayag ni Jansen habang akap ang dalaga at hinihimas ang buhok nito. “Buti pa pumasok na tayo sa loob ng makapagpahinga ka okey,”ani Jansen at inalalayan ng pumasok sa kabahayan si Aimie. “Thank you,”ani Aimie ng kumutan siya ni Jansen. “I love you,”tugon ni Jansen at kinintalan ng halik sa noo ang dalaga,tumayo na ito at lumabas ng silid upang hayaan itong magpahinga. Chapter 20 Abala si Jansen sa pagbabasa ng ilang dokumento ng makadinig ng malakas na sigaw at panaghoy buhat sa silid ni Aimie,dalidaling tumayo ang binata at tumakbo patungo sa silid ng dalaga,nakita niyang umiiyak at sumisigaw ito . “Aimie,sweetie wake up,”ani Jansen na niyuyugyog ang balikat ng dalaga ng mapansin niyang binabangungut pala ito.Agad namang nagmulat ang dalaga na puno ng luha ang mukha,napatitig ito kay Jansen at agad na umakap. “Napaginipan ko na naman yung aksidente at maraming dugo,”ani Aimie habang umiiyak at nakasubsob ang muka sa dibdib ni Jansen,. “Its okey sweetie,its just a bad dream,tapos na yon,nakaligtas ka na,”ani Jansen habang hinihimas ang likod ng dalaga. “Hindi ako nakakaramdam ng takot,pero bakit ganon sobrang lungkot?at yung napakaraming dugo running through my legs,nalulungkot ako ng sobra tuwing makikita ko sa panaginip,”ani Aimie na hindi mapugto ang pagluha.Hindi naman agad nakasagot ang binata at napabuntong hininga ito. “Nalungkot din ako sa nangyare sweetie,sobrang lungkot,”tugon naman ni Jansen na bahagyang inilayo ang mukha ng dalaga upang matingnan ito ng diretso sa mga mata. “Sobrang bigat sa puso tuwing makikita ko yung napakaraming dugo,walang katumbas na lungkot,may nangyari ba na hindi ninyo sinasabi sa akin?”tanong ni Aimie na sinalubong ang titig ng binata. “There is…there is something you should know,”buntong hiningang pahayag ni Jansen,nagdadalawang isip pa din kung sasabihin na ba kay Aimie,subalit naisip niyang karapatan nitong malaman. “Ano yon Jansen,please tell me,”samo naman ng dalaga. “Ahm,you see,we were together before the accident happened,and we bot didn’t know that I got you…”halos hindi maibuka ni Jansen ang bibig para ituloy ang sasabihin,bakas sa muka niya na labis itong nasasaktn. “And whatJansen,”hindi naman makapaghintay na tanong ni Aimie. “And I got you pregnant pero nakunan ka dahil sa aksidente,”malungkot na pahayag ng binata na halos pabulong na,halatang pinipigilan nito ang maiyak. “Aaah,noooo,”sigaw ni Aimie at bigla siyang nakaramdam ng matinding kirot sa ulo bago tuluyang nagdilim ang paningin ng dalaga. Pag mulat ng mga mata ni Aimie ay muli siyang napapikit dahil sa liwanag ng paligid,inilibot niya ang paningin at napagtanto ng dalaga na nasa loob siya ng silid sa isang ospital.pagbaba ng tingin ni Aimie ay nakita niya si Jansen na nakatulog na sa pagkakadukmo sa upuan sa gilid ng kaniyang kama. “Jansen,”banayad na tawag ni Aimie habang tinatapik ang balikat ng binata. “Sweetie,anong nararamdaman mo?may masakit ba sayo?I’ll call the doctor,”ani Jansn agad itong tumayo ngunit pnigilan siya ni Aimie. “Dito ka lang please,huwag mo kong iwan,”ani Amie sabay hawak sa braso ng binata. “Are you sure walang masakit sayo?”tanong naman ni Jansen at inakap ang dalaga. “Just stay beside me please,”ani Aimie at lalo naman humigpit ang yakap nito. “Don’t worry sweetie,kahit anong mangyre hinding hindi kita iiwan,”ani Jansen habang kinikintalan ng halik ang buhok ng dalaga. “Im sorry,”ani Aimie na unti unti na namang pumapatak ang luha. “Sorry for what sweetie?”nagtatakang tanong naman ni Jansen. “For loosing our baby,”ani Aimie,inangat namn ni Jansen ang mukha ng dalaga àt hinawakan ang magkabilng pingi nito. “Hindi mo kasalanan,hindi naman natin alam,hindi naman natin ginusto,”ani Jansen na nakatitig sa mukha ng dalaga. “Sana nakinig ako sayo,”ani Aimie. “Shh,huwag mo ng sisihin ang sarili mo,importante nakaligtas ka na at ngbalik na ang alaala mo,”puno ng pagmamahal na pahayag ni Jansen at siniil nito ng halik ang dalaga na tinugon naman nito. “I love you,”ani Aimie. “Ilove you more,”tugon naman ni Jansen at mahigpit silang nagyakap. Matapos suriin ng doktor ay pinayagan na din nitong makalabas ng ospital ang dalaga,hiniling ni Aimie kay Jansen na sa condo muna nito magtuloy. “Are you okey sweetie?”tanong ni Jansen kay Aimie. “Im fine,”tugon naman nito. “Magpahinga ka na muna sa kwarto mo,magpeprepare ako ng dinner,”ani Jansen at iginiya ang dalaga papasok ng silid nito. “Thank you,”ani Aimie at hinagkan ang pisngi ni Jansen. “I will always take care of you sweetie,”tugon naman ni Jansen. Papasok na sana si Jansen sa silid ng dalaga upang ayain itong maghapunan subalit natigilan ang binata ng madinig niya ang impit na pagtangis nito,parang kinukurot ang puso ng binata,labis pa ring dinaramdam ng dalaga ang pagkawala ng magiging anak nila,pinigilan ni Jansen ang mapaluha din at humugot ito ng malalim na buntong hininga bago nagpasyang buksan ang pinto,higit kailanman ay ngayon siya kailangan ni Aimie kayat kahit nasasaktan ay kailangan niyang magpakatatag.Lumapit siya kay Aimie at inakap ito ng mahigpit,walang maapuhap na salita ang binata para mapalubag ang loob ng dalaga.Isinubsob naman ni Aimie ang mukha sa dibdib ng binata,hindi na kailangan ng mga salita,para sa kanila ay sapat ng kasama nila ang isat isa para mapaglabanan ang sakit at lungkot na dulot ng mga pangyayari. “Sorry,hindi ko mapigilan ang lungkot,”ani Aimie na bumitaw sa pagkakayakap. “Its okey sweetie,nalulungkot din ako,I feel the same pain,but we can do this together,”tugon naman ni Jansen. “I know,thank you kasi hindi ka sumusuko,hindi mo ako iniwan,”tugon naman ni Aimie. “Hinding hindi mangyayari yon,kahit anong mangyare andito lang ako para mahalin ka,”malambing na tugon naman ni Jansen. “And I promise na susuklian ko ang pagmamahal mo,hindi nako magiging stubborn,masungit at manhid,”nakangiting tugon naman ni Aimie na itinaas pa ang dalawang kamay at tumingala. “Thank you Lord!”nakangiting sabi nito. “Ah ganon,teka binabawi ko na,”biro naman ni Aimie.,bigla naman sumeryoso ang mukha ng binata at hinawakan sa baba si Aimie upang magtapat ang kanilang paningin. “Kahit ikaw pa ang pinakamasungit,manhid at matigas na tao,it doesn’t matter to me,I love you as you are attorney dragon,”malambing na sabi ni Jansen. “Talaga?”tanong ni Aimie. “Yes my sweetie,kaya halika na my highness,dinner is ready,”nakangiting aya ni Jansen at hinila palabas ng silid ang natatawang si Aimie. Nagpasya ang dalawa na hindi na bumalik sa probinsya,naaawa na din naman si Aimie kay Jansen at nag aalala na baka napapabayaan na nito ang trabaho,hindi naman ito papayag na iwanan siyang mag isa sa probinsya. “Sweetie is there something wrong?”tanong ni Jansen ng mapansing kanina pa tahimik ang dalaga tila malalim ang iniisip. “Naisip ko lang na maghanap ng ibang bahay,parang ayoko na dito sa condo ko,lagi ko kasing naaalala ang mga bad memories ko dito,”ani Aimie sabay baling ng tingin sa binata. “Bakit hindi ka na lang sa bahay ko tumira,”tugon naman ni Jansen. “Your place?”tugon ni Aimie. “Yes,baka lang naman gusto mo,since technically we live together,why not move in to my place?”kaswal na tugon naman ni Jansen. “Uhm,pag iisipan ko,”tugon naman ni Aimie na ibinaling na ang atensyon sa binabasang libro. “Ayaw mo?”sertosong tanong naman ni Jansen. “Hindi naman sa ayaw,kaya lang…”pinutol naman ni Jansen ang sasabihin nito. “Kaya lang hindi mo gusto?”ani Jansen na seryosong tinuon ang atensyon sa laptop. “Hindi naman kaya lang ang layo kasi diba,pag bumalik na ako sa office it will took me 1hr drive to go to work,”paliwanag naman ni Aimie. “Really,pero mula dito sa condo mo 45 minutes bago ka makarating sa office,”ani Jansen na padabog na isinara ang laptop bago lumingon kay Aimie.Natigilan naman ang dalaga.Ou nga naman samantalang si Jansen ay inaabot ng mahigit isang oras mula sa condo unit nya patungo sa opisina nito. “Okey fine,ayokong tumira sa bahay mo,happy?”ani Aimie. “Yeah right,I got it clear Aimie,baka nga ayaw mo na din akong kasama sa bahay,sana sinabi mo na lang ng diretso kesa nagpaligoy ligoy ka pa,attorney,”sarkastikong tugon ni Jansen sabay tayo,kinuha nito ang mga gamit at padabog na umalis. Natigilan naman ang naiwang si Aimie. “Anong nangyare,ito na ba yung ending namen,sa simpleng bagay lang iniwan na nya ako,ganun na lang yon?”ani Aimie sa sarili.”Am I back to my oldself?”muling tanong ni Aimie sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD