17&18

3026 Words
Chapter17 “Here is your water sweetie,papunta na doktor mo,”ani Jansen na hindi pa din nawawala ang pagkakangiti,walang pagsidlan ng kasiyahan ang binata dahil sa wakas ay nagising na din ang dalaga pagkatapos ng halos tatlong linggong coma nito. “Thank you,are you my private nurse?,”walang emosyon namang pahayag ng dalaga na nakatingin lang kay Jansen,napatda naman ang binata at parang binuhusan ng malamig na tubig. “No sweetie,its me Jansen,your…”naputol naman ang sasabihin ng binata ng pumasok ang doktor at nurse. “Hi attorney,buti naman nagising ka na,let me check your vitals if everything is normal,”anang doktor. “What happen to me,bakit ako nandito,where are my parents?”sunod sunod naman na tanong ng dalaga na halatang nagtataka. “Well your vitals are normal except the obvious,wala ka bang natatandaan sa mga nangyari sayo iha?”tanong naman ng doktor matapos suriin ang dalaga. “Doc bakit hindi nya ako kilala?bakit wala syang matandaan,don’t tell me….oh God!”ani Jansen na napatakip ang kamay sa mukha. “Mukang nagkaroon siya ng temporary amnesia,nangyayari talaga yan kapag nagsuffer sa matinding head injury,pero pansamantala lang naman,”paliwanag ng doktor,halos maiyak si Jansen sa nadinig,buong akala niya ay magbabalik na sa normal ang lahat kapag nagising na si Aimie subalit panibagong pagsubok na naman ang dumating. “Anong ibig ninyong sabihin doc,ano bang nangyari sa akin,at nasaan ang mga magulang ko?bakit sila natatandaan ko?”halos naluluha na din ang dalaga at naguguluhan. “Well you had an accident,nabangga ang sinasakyan mong motorsiklo at tumilapon ka sa bangin kaya napinsala ang iyong ulo,buti na lamang at nakaligtas ka sa tindi ng aksidente,”tugon naman ng doktor. “I want to see my parents,”umiiyak ng pahayag ni Aimie. “Calm down sweetie,natawagan ko na sila on the way na,magpahinga ka na lang muna,”ani Jansen na hinawakan ang balikat ng dalaga at inalalayan ito upang muling mahiga. “Bitawan mo nga ako,hindi naman kita kilala,huwag mo akong hawakan,”ani Aimie at pinalis ang mga kamay ni Jansen,napatiim bagang na lang ang binata at lumayo na ito upang kumalma ang dalaga. Nakatulog na si Aimie ng dumating ang mga magulang nito,kinailangan kasing turukan ng pampakalma dahil sa paghihisterya nito. “Jansen what happened?akala ko nagising na siya?”tanong ng ina ni Aimie. “Tinurukan muna sya ng pampakalma tita kaya nakatulog,naghihisterya kasi kanina pagkagising,shes…she is looking for you,”malungkot na tugon naman ni Jansen. “What do you mean histerycal?”anang ama ni Aimie. “It seems that she is seffering from temporary amnesia,hindi nya ako kilala at kayo ang hinahanap niya pagkagising kanina,”paliwanag ni Jansen na halatang lalong nalungkot dahil sa nangyari kay Aimie. “Oh my God,”sambit ng ina ni Aimie na napatutop sa dibdib,napapailing naman ang ama ni Aimie. Umidlip muna si Jansen sa sopa habang nakabantay naman ang mga magulang ni Aimie sa dalaga. “Mom!”tawag ni Aimie ng magising ito. “Aimie anak,kamusta ang pakiramdam mo?may masakit ba sayo?”sunod sunod na tanong ng ginang sa dalaga,nagising na muli ito “Ano bang nangyari sa akin mom,bakit wala akong matandaan,hindi ko maalala kung bakit nandito ako,”ani Aimie. “Naaksidente ka iha,you were in a coma for almost 3 weeks,”malungkot na pahayag naman ng ama ni Aimie. “Nalilito ako dad,paano akong naaksidente sa motor?the last thing I remember I joined my dream firm,hanggang dun lang,”ani Aimie na naguguluhan at naluluha. “That was 3years ago iha,”malungkot na tugon ng ama ni Aimie. “My God,it means nawala sa memory ko ang tatlong taon sa buhay ko?”mahinang nasambit ng dalaga habang lumuluha. “Sabi naman ng doktor temporary lang lahat anak,tutulungan ka naming mabalik ang lahat ng alaala mo,”anang ina ni Aimie. “Hindi ko alam mom,wala akong maisip,gusto kong maalala lahat,”ani Aimie. “Don’t rush iha,don’t worry andito lang kami sa tabi mo,your friends are on their way,Jansen is here too,ayun siya nakatulog,”anang ina ni Aimie sabay turo kay Jansen na natutulog sa sopa,kahit natutulog ay bakas ang pagod at kalungkutan dito. “Sino siya mom?”nagtatakang tanong naman ni Aimie. “He's your boyfriend,since day one hindi siya umalis sa tabi mo,siya ang personal na nagaasikaso sayo,”pahayag ng ina ni Aimie. “What?may boyfriend ako?kilala nyo ba sya?”nagtatakang tanong ni Aimie,ang pagkaka alam nya ay manhater sya at walang panahon sa mga lalaki. “He is a good man anak,nakita namin kung gaano ka niya kamahal,actualy you…,”siniko naman ng ina ni Aimie si mr Saavedra,Naisip ng ginang na masyado pang kumplikado ang sitwasyon ng dalaga para malaman nito kaagad ang isa pang masakit na pangyayari na idinulot ng aksidente. “Actualy naikwento mo na siya sa amin bago ka pa maaksidente,”salo naman ng ginang sa naudlot na sasabihin ng asawa. “Strange,”anang dalaga na sa natutulog na si Jansen pa din nakatingin. “Your mom is right iha,ngayun nga lang ata nkatulog yan,kahit anong pilit namin hindi talaga umuuwi,nakabantay sayo,”segunda naman ng ama ni Aimie. Nakatitig lamang si Aimie sa natutulog na si Jansen,pilit kinakapa ang sarili kung ano ang nararamdaman niya sa binata pero napapailing lang ang dalaga dahil wala talaga siyang maalala. “Maaalala mo din siya anak,your heart will recognize soon,”malumanay na pahayag ng ginang habang pinipisil ang kamay ng anak. Nagising naman si Jansen sa pagkakaingay ng mga kaibigan ni Aimie,dumating na pala ang mga ito,mukang napahimbing ang tulog niya. “Hi Jansen,halika sumabay ka ng mag dinner sa amin,”aya naman ni Yhna ng makitang tumayo ang binata. “Thank you,napahaba ata ang tulog ko,how are you sweetie?kamusta pakiramdam mo?”nakangiting tanong naman nito pagkallapit kay Aimie. “Im good,thank you,”walang emosyon namang tugon ni Aimie,nag aalanganin pa din itong makipag usap sa binata,maraming naikwento ang mga kaibigan niya tungkol dito subalit nahihiya ang dalaga dahil hindi niya ito maalala. “Good,kumain kang mabuti para lumakas ka kaagad,”ani Jansen na nakangiti,tila nag aalanganin din ito dahil naalala niya na hindi pa nga pala siya nakikilala ng dalaga. “Naku kumain ka na din Jansen,sila tita ay umuwi na muna,kami na muna ang magbabantay kay Aimie,”ani Lane na ang tinutukoy ay ang mga magulang ni Aimie. “Its okey,andito naman ako,baka may mga work pa kayo bukas mapupuyat kayo,”tugon naman ni Jansen. “Naku wag kang mag alala,matagal din namin hinintay magising si Aimie,at napakarami naming ikukwento sa kanya ng maalala na nya lahat lalo na ikaw,”tugon naman ni Lane. “Okey naman yon kaya lang kailangan din magpahinga ni Aimie,hindi pa sya pwedeng magpuyat,”tugon naman ni Jansen. “Ayun oh,you see Aimie,mas strict pa itong boyfrind mo kesa sa nurses dito,”ani Yhna na tila tinutukso si Aimie.Napapailing naman si Aimie at walang emosyon.Ikinalungkot naman ni Jansen ang nadinig,lahat nakikilala ni Aimie maliban sa kanya. “Huwag natin madaliin si Aimie,it will take time and Im willing to wait,basta hayaan mo lang akong alagaan ka Aimie please,time will come na makikilala din ako ng puso mo kahit hindi mo maalala ang pangalan ko,”malamlam na pahayag ni Jansen na sa dalaga pa din nakatingin,nagkibit lang naman ng balikat ang dalaga,hindi naman niya alam kung ano ang isasagot niya kay Jansen,estranghero pa din ang tingin niya dito. “Haaaaytrue love nga naman oh,kung sabagay napaamo mo nga itong si Aimie,for sure maiinlove pa din siya sayo ng paulit ulit,”naiiling naman na pahayag ni Lane. Makalipas ang ilang araw ay pinayagan ng makalabas ng ospital si Aimie,nagpasya ang dalaga na doon muna tumuloy sa bahay ng kanyang mga magulang sa ancestral house nila sa probinsya,nais sana ni Jansen na sa condo na lamang niya umuwi si Aimie para maalagaan niya ay iginalang niya ang pasya nito.Ayaw ni Aimie na umuwi sa condo niya dahil ayon sa dalaga ay malayo ito at mas makakatulong siguro sa pagbabalik ng alaala niya ang manatili sa tahanan kung saan siya nagkaisip. “Babalik na muna ako sa Manila sweetie,aasikasuhin ko muna ang company ko,but I'll visit you every weekend,”ani Jansen ng magkasarilinan sila ng dalaga sa balkonahe. “Sure,baka napapabayaan mo na ang work mo dahil sa akin,”tugon naman ng dalaga. “Kung pwede nga lang na dumito na muna ako sa tabi mo,”malambing na pahayag ni Jansen at hinawakan pa nito ang kamay ng dalaga. “You don’t have to,hindi mo naman ako responsibilidad,anyway maraming salamat sa pag aalaga mo sakin sa hospital,”walang emosyon namang tugon ni Aimie. “May responsibilidad ako sayo,tungkulin kong alagaan ka bilang boyfriend mo,at mahal na mahal kita kaya hinding hindi kita iiwanan,”pahayag naman ni Jansen na hinalikan pa ang likod ng palad ni Aimie,agad naman binawi ng dalaga ang kamay niya. “Hindi ko alam kung anong maisasagot ko sayo,wala talaga akong maalala,”anang dalaga. “I will wait till your heart recognize me Aimie,”tugon naman ni Jansen. “Ikaw ang bahala,basta sa ngayon huwag mo munang asahan na maibabalik ko sayo ang sinasabi mong pagmamahal,”ani Aimie. “Its okey,hindi kita mamadaliin,”ani Jansen at lumulan na ito sa sasakyan upang bumalik sa Maynila,mahigit dalawang oras din ang biyahe nito buhat sa probinsya nila Aimie. Chapter 18 Mabigat ang kalooban ni Jansen habang nagdadrive ito pabalik ng Maynila,alam niyang mahihirapan siyag muling makuha ang kalooban ni Aimie lalo pa at malayo ito ngayun sa kanya,kung kakayanin nga lamang ay araw araw niya itong pupuntahan,nais na din niyang magbalik ang alalala nito ng maipagpatuloy nila ang pagsisimula ng kanilang pamilya,napabuntong hininga ang binata sa isiping ito,bigla niyag naalala ang pagkawala ng dapat sana ay unang anak nila ni Aimie,hindi pa din niya nasasabi sa dalaga ang tungkol dito,gusto sana niyang makarecover muna ng husto ang kasintahan at maihanda ang kalooban nito,sa kasalukuyang sitwasyon ng dalaga ay hindi niya alam kung paano nito matatanggap ang pangyayari kayat nabuo na ang pasya ni Jansen,kailangan lamang niyang isaayos lahat ng naiwang trabaho sa kumpanya habang nagbabantay siya kay Aimie sa ospital,kapag maayos na ang lahat ay pansamantala muna niyang ipapaubaya ang pamamahala nito sa isang kaibigang pinagkakatiwalaan at magbabakasyon muna siya,sasamahan muna niya si Aimie sa probinsya at pagsisikapang unti-unting maibalik ang alaala nito tungkol sa kanilang dalawa. Samantala habang nagpapahinga naman si Aimie ay nakatulog ito subalit dinalaw ng isang masamang panaginip,lulan siya ng motor at tinutugis ng di kilalang mga lalaki at bigla siyang tumilapon,nakita niyang umaagos ang napakaraming dugo sa pagitan ng kanyang mga hita,nakaramdam siya ng matinding kirot at napasigaw ang dalaga. “Aimie,anak wake up,”yugyog ng ina ni Aimie na ikinagising naman ng dalaga,luhaan ito na napasapo sa kanyang mukha. “I saw it mom,my accident,”ani Aimie habang patuloy sa pag iyak. “Uminom ka muna ng tubig anak,”anang ginang sabay abot ng isang basong tubig sa dalaga. “Bakit ganon mom,sa panaginip ko hindi ako nasugatan,pero napakaraming dugo ang umaagos sa hita ko,”nagtataka namang tanong ni Aimie sa ina. “Something happened to you because of the accident,but I think si Jansen ang dapat magsabi sayo ng bagay na yon,kailangan ninyo itong pag usapan,”tugon naman ng ginang na may awa ang tingin sa anak,wala siyang lakas ng loob na sabihin ang bagay na iyon sa anak. “Ano yun mom,I need to know,”ani Aimie. “You're not ready to know it yet,kailangan mo munang makarecover at magpalakas emotionaly,”anang ginang. “Mom kailangan kong malaman,sobrang bigat ng dibdib ko,may nararamdaman akong lungkot na hindi ko maipaliwanag kung saan nagmumula,”naluluha pa ding pahayag ng dalaga. “Magpahinga ka na muna anak,go back to sleep,we'll talk about it tomorrow,okey,”anang ginang na hinalikan si Aimie sa noo at inalalayan itong mahiga bago lumabas ng silid. Hindi naman mapilit ni Aimie ang sarili na makatulog muli,hindi siya dalawin ng antok at pabilingbiling sa kama,nakakaramdam siya ng sobrang lungkot at biglang pumasok sa isipan niya si Jansen,nararamdaman niya ang kagustuhan na muling makasama ito,pakiramdam niya ay magkakaroon lamang ng katahimikan ang kalooban niya sa piling nito,biglang sumagi sa isip ng dalaga na marahil nga ay mahal niya ito subalit hindi niya maalala ang mga araw na sila ay magkasama. Kinuha ng dalaga ang cellphone at dinial ang numero ni Jansen. “Hello sweetie is there something wrong?its 2am,”tugon naman agad ni Jansen sa kabilang linya,naalimpungatan ito sa tunog ng cellphone at agad nag alala ng makita ang pangalan ni Aimie na tumatawag. “I don’t know what to say,I just felt so sad and dialed your number,”tugon naman ni Aimie,napangiti naman ang binata,ikinatuwa naman niya na siya ang naalalang tawagan ng dalaga and he thinks it’s a good sign. “Do you want me to come?”tanong naman ng binata. “No!,you don’t have to,I'll be fine,pasensya na sa pangiistorbo ko,go back to sleep,”agad namang tugon ng dalaga. “Hindi ka naman istorbo,actualy gustong gusto kitang tawagan just to hear your voice kaya lang ayokong makaabala sa pamamahinga mo,”malambing naman na tugon ni Jansen. “Anyway,wala naman akong sasabihin,hindi ko nga alam kung bakit tinawagan kita,”nahihiyang sagot naman ni Aimie bagamat sa totoo lang ay nakaramdam siya ng calmness ng madinig ang boses ng binata. “I miss you sweetie,I always wanted to be beside you,”malambing naman na tugon ng binata. “Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko,hindi ko alam ang isasagot,”malamig na tugon ng dalaga. “Its okey sweetie,don’t rush,just remember that I love you so much,”ani Jansen na lalong pinalambing ang tinig,para namang hinaplos ang puso ng dalaga. “Okey bye,”ani Aimie at pinutol na ang kanilang usapan,muling nahiga ang dalaga at nakatulog.Sa kabilang banda naman ay ganun din si Jansen,nakaramdam siya ng kaligayahan,umaasa siyang hindi magtatagal ay maaalala din siya ng dalaga,sa ngayon ay masaya na siya sa simpleng pagtawag lang na ginawa nito,nagkaroon siya ng malaking pag asa. Kinabukasan ay nagpasya si Jansen na bisitahin agad si Aimie,bagamat ang naunang plano niya ay sa weekend pa ito dadalawin subalit hindi na niya mapigilan ang sarili sa pananabik na makita ito,pakiramdam niya ay katumbas na ng ilang taon ang tatlong araw na hindi niya nasisilayan ang pinakamamahal niyang si Aimie. “Good morning sweetie,”bati ni Jansen sa dalaga na halatang bagong gising,lumapit siya dito at niyakap ang dalaga sabay halik sa noo nito. “You’re here!ang aga mo naman,diba may trabaho ka pa?”gulilat naman ang dalaga upang pagtakpan ang pagkahiya nito,bagamat kinikilig siya ay nahihiya naman siya na nakaakap ito sa kanya gayong hindi naman niya maalala kung sino ito. “I cant wait to see you sweetie,I miss you so bad,”tugon naman ni Jansen na nakatitig sa mukha ng dalaga.Namula naman ang pisngi ni Aimie at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman,tila kinukuryente siya sa pagkakalapat nila ng binata,pinamulahan ng pisngi ito. “Breakfast tayo,”ani Aimie na kumalas sa pagkakayakap ni Jansen,nais niyang ikubli ang mukha dahil alam niyang pinamulahan siya. “Dinalhan kita ng favorite mong breakfast from your favorite café,”ani Jansen sabay taas ng hawak na supot. “Nag abala ka pa,Barsers Café?”ani Aimie ng mabasa ang label sa paper bag na dala ni Jansen. “Yes,favorite mo to,malapit lang kasi ang café na to sa office nyo,”tugon naman ni Jansen na umaasang makatulong ito upang kahit papaano ay may maalala ang dalaga. “Really?sayang pati yan hindi ko maalala,”malungkot na pahayag ng dalaga sabay buntong hininga. “Its okey sweetie,diba pinangako ko naman sayo na tutulungan kitang makaalala,”ani Jansen na inilalagay na sa breakfast table ang dalang pagkain,nasa may garden sila at langhap ang sariwang hangin ng probinsya. “Sweetie talaga,”ani Aimie na ikinangiti naman ni Jansen. “I know you hate endearments,but I cant call you any other name than sweetie,”nakangiting tugon naman ni Jansen sabay abot ng kape kay Aimie. “Double espresso?ang pait nyan,”ani Aimie na inilapag lang ang kape pagkaabot ng binata. “The way you always wanted,”ani Jansen. “I want it sweet,”ani Aimie base sa natatandaan nya,matamis siyang magtimpla ng kape,black coffee with sugar. “I don’t remember,anyway,anong tawag ko sayo?”tanong naman ni Aimie,gusto din naman niyang maalala ang tungkol sa kanila ng binata. “Mokong!”agad namang tugon ni Jansen na bahagyang natawa. “Talaga,bagay sayo,”ani Aimie na natawa na din.Sa di kalayuan naman ay nakangiti ang mga magulang ni Aimie habang tinatanaw na masayang nag aalmusal ang dalawa sa hardin. “Salamat sa Diyos at hindi pa din tinatalikuran ni Jansen si Aimie,”anang ina ng dalaga. “He is a good man,maswerte ang anak natin sa kanya dahil tunay ang kanyang pagmamahal,”sagot naman ng ama ni Aimie na pinisil ang balikat ng asawa. “Ang sarap ng breakfast,thank you,”ani Aimie kay Jansen na nakangiti,sa isip ng dalaga ay marahil malaki ang maitutulong ni Jansen sa pagbabalik ng kanyang alaala at nararamdaman niyang kumportable at masaya siyang kasama ito. “Masaya ako na nagustuhan mo,”nakangiting tugon naman ni Jansen.”Alam ko na,ipagluluto kita ng lunch,”dugtong pa ng binata na ikinagulat naman ng dalaga. “Nagluluto ka?”tanong nito. “Minsan,kapag nandun ako sa condo mo ipinagluluto kita,madalas kasi take outs ang kinakain mo,”tugon naman ni Jansen na nakangiti sa dalaga. “Oh really,that sounds good,so madalas ka sa condo ko?”tanong ng dalaga. “Uhm,yes,specially before the accident,I used to stay with you,kasi gusto kong binabantayan ka at inaalagaan,”kaswal na tugon ni Jansen. Biglang sumagi sa isipan ng dalaga na kung nagistay sa condo niya si Jansen,tabi ba silang natutulog?agad pinamulahan ng mukha ang dalaga sa isiping iyon na nahalata naman ng binata. “If you want to ask if we slept together,well yes,do you want to hear more?”nanunuksong wika ng binata na nakangiti. Nagtakip naman ng mukha si Aimie na sunod sunod na napailing. “Come on,lets see kung anong pwede kong iprepare for our lunch,”aya naman ni Jansen sa dalaga at hinatak na nito ang kamay ni Aimie upang pumasok sa kabahayan habang hindi pa din nawawala ang ngiti nito. “O tapos na pala kayong magbreakfast,”bati ng ina ni Aimie ng masalubong nila ito patungo sa kusina. “Hi po tita,iinvade ko sana ang kitchen nyo para magprepare ng lunch,”ani Jansen. “Sure iho,go ahead,”tugon naman ng ginang at ngumiti ito sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD