Chapter15
“Good morning attorney,yung meeting nyo po ng 10am today sa Yobs restaurant,nasa table nyo na din po ang files at info ng bago nyong client,”salubong ni Jane kay Aimie. “Yobs resto?bago ba yon?”ani Aimie.
“Yes attorney,nasa table nyo po yung address,iyun po ang lugar na binigay ng client,”ani Jane na nag aalanganin pang tumugon.
“Hindi ba dapat ako ang mamili ng lugar,ikaw naman dati ang gumagawa ng reservations pag my client meeting ako?”ani Aimie na bahagya pang kumunot ang noo.
“Yes attorney,kaya lang your client insisted,mas malapit daw po sa lugar niya at medyo maidad na si Mr.Cortez at hirap daw magviaje ng malayo,pero kung gusto nyo po pwede ko naman sabihin na sa ibang lugar na lang kayo magkita,”ani Jane na bagamat alanganin ay halata namang pursigidong kumbinsihin ang dalaga.
“Hindi bali na,but next time konsultahin mo muna ako bago ka umoo sa demand ng kliyente,hindi ako ang mag aadjust,hindi lang siya ang kliyente ko at kung ayaw nila sa terms ko wala akong magagawa humanap sila ng ibang abogado,”ani Aimie at nagtungo na ito sa kanyang opisina kahit hindi pa nakakasagot ang sekretarya.
Matamang pinagmamasdan ni Aimie ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang address ng restaurant,may kalayuan ito sa opisina nila at alam niyang matraffic ang mga lugar na kailangan niyang daanan.Kinuha ni
Aimie ang cellphone at may ilang tinawagan.
“Hello sweetie,mamaya pa ako
makakabalik,may kailangan lang akong tapusin dito sa office para free na ako this whole week,”ani Jansen sa kabilang linya,usapan kasi nila na sasamahan ang dalaga sa lahat ng lakad nito.
“Its okey,huwag mong iwanan ang mga obligasyon mo,I'll be fine,may security naman ako,”tugon naman ni Aimie.
“I know but I promise you na hindi kita iiwanan by the way saan ang lakad mo ngayun?lalabas ka ba ng office?”tanong ni Jansen.
“Yes may isa akong meeting then balik nako ng office,don’t worry I'll be fine,okey,”ani Aimie.
“Take care sweetie,see you later,I love you,”ani Jansen.
“I love you too,”tugon naman ni Aimie at tinapos na ang tawag.Tiningnan ni Aimie ang oras,napangiti ito,may sapat pa siyang oras upang isagawa ang kanina pa niya pinagiisipang hakbang,malakas ang pakiramdam niya na ngayun na ang tamang pagkakataon upang malaman niya ang katotohanan tungkol sa mga bagay na ilang araw ng bumabagabag sa kanya.
“Jane kailangan kong pumunta sa café may imimeet lang ako sandali,diretso na ako sa
10am meeting,”paalam ni Aimie sa sekretarya.
“Sige po attorney,mag iingat kayo,”tugon naman ni Jane,hindi naman nakaligtas kay Aimie ang kakaibang ngiti nito,para bang ngiting nagtagumpay.Ilang araw ng inoobserbahan ni Aimie ang kilos ng sakretarya niya at may pakiramdam siyang may itinatago ito at tila ba matama nitong inoobserbahan lahat ng kilos niya at ang mga pabagobagong schedule at lugar ng mga meeting niya na nakakapagtaka.Bagamat may pagdududa ay hindi nagpahalata si Aimie,ngayon ay determinado na si Aimie na magkaroon ng kasagutan ang kanyang mga pagtataka.
“Nagkakamali ka Jane kung inaakala mong mapapaikot ako,nagkamali ka ng tinalo,”ani Aimie sa sarili.
Dahil wala pa si Jansen ay sumakay muna si Aimie sa service ng police security niya subalit hindi sa café nagpunta kundi sa condo ng dalaga,sinabi niya sa mga security na maghintay na lamang sa sasakyan dahil may kukuhanin lang naman siyang dokumento na naiwanan,nagpaiwan naman ang mga ito.
Pagpasok sa condo unit ay agad naman nagpalit ng damit ang dalaga,sinukbit ang baril sa bewang bago pinatungan ng leather jacket ang suot na polo,isinuot na ng dalaga ang helmet para hindi mapansin ng mga security ang paglabas niya,diretso ang dalaga sa parking sa basement ng building at lumulan sa kanyang motorsiklo,pinaharurot niya ito patungo sa Yobs restauarant.Agad naman nakarating sa lugar ang dalaga,tiningnan ang oras sa bisig at nangiti siya,mas maaga siya ng isang oras,tamang tama sa kanyang plano.
Pumasok ng restaurant si Aimie at pumuwesto sa pangdalawahang lamesa sa bandang sulok na natatanaw ang lahat ng dumadating,tanaw din nya ang VIP room kung saan sila magkikita ng kliyente,nakashades ang dalaga at nakasumbrero kayat hindi agad ito makikilala,umorder siya ng kape ng lumapit ang isang waiter.Kalahating oras bago ang kanyang meeting ay may nagsipasok ng ilang kalalakihan,mukang bodyguard ang mga ito base sa tindig at kasootan,kasunod ng apat na lalaki ay isang medyo may edad na,sa bihis at tindig ay halatang mayaman ito at maotoridad,pumasok ito sa VIP room subalit pagkapasok pa lamang nito sa restaurant ay nakilala agad ito ni Aimie,hinding hindi niya malilimutan ang hitsura nito dahil madalas itong dumalo sa paglilitis noon sa kaso ni Sapno,ang matandang lalaki ay ang ama ni Claire.Tama nga ang kutob ni Aimie,ngayun ay siguradong may kinalaman ito sa mga nangyayaring pagtatangka sa kanyang buhay.Parang gustong maiyak ni Aimie,hindi niya akalaing nakipagsabwatan ang sekretarya niyang si Jane dito,isang taon na din namang nagtatrabaho sa kanya ang dalaga,efficient mabait at mapagkakatiwalaan naman ito kaya walang maisip ang dalaga na maaaring maging dahilan upang ipagkanulo siya nito,napailing na lamang ang dalaga.Panaka naka ay sumusulyap
si Aimie sa nakapinid na pinto ng VIP room,noobserbahan din niya ang ikinikilos ng mga bodyguard ng ama ni Claire,kailangan niyang maging alerto.
Makalipas ang isang oras ay lumabas ang ama ni Claire sa Vip room,may kausap ito sa cellphone at halatang galit na galit ito.
“You failed me again Jane,huling pagkakataon na itong binigay ko sayo para patunayan ang sarili mo pero palpak ka na naman,”nadinig ni Aimie na pahayag ng ama ni Claire sa kausap nito sa kabilang linya.Nagyuko naman ng ulo si Aimie dahil baka makilala siya nito,itinaas niya ang dalang folder na kunwaring nagbabasa ng files,hinintay niyang makalabas ng restaurant ang mga ito at ng natanaw niyang umalis na ang sasakyan nito ay dalidaling tumalilis ang dalaga sa VIP room at may kinuhang maliit na bagay na nakadikit sa dingding.Pagkakuha sa pakay ay dalidali na ding lumabas ng restaurant si Aimie at pinaharurot ang motor.
“Hindi naman mapakali si Jansen,pabalik balik ito sa opisina at napapailing pa,tumawag ang mga security ni Aimie at sinabing napuslitan sila ng dalaga,nagtaka na kasi ang mga ito ng halos isang oras na ay hindi pa din lumalabas ng gusali ng condo ang dalaga,agad naman pumunta si Jansen sa condo ng dalaga at napag alamang wala na nga ito sa loob,ng tingnan nila sa cctv ng building ay napag alaman nilang sa parking area sa basement ng building ito dumaan at umalis lulan ng motorsiklo.Ilang ulit ng dinadial ni Jansen ang numero ng telepono ni Aimie subalit hindi ito sumasagot hanggang sa hindi na ito matawagan,marahil ay nalowbat na kaya naman lalong nag alala ang binata,Samot saring senaryo ang pumapasok sa isip ni Jansen na posibleng nangyari sa dalaga,pilit niya itong winawaksi subalit hindi niya maiwasan.
Sumapit na ang gabi ay wala pa ding Aimie na lumilitaw at hindi pa din matawagan ang telepono nito,pumunta naman sa opisina ng dalaga si Jansen kasama ang mga pulis na nagbabantay dito subalit maging sekretarya nito ay wala din na ikinapagtaka naman ni Jansen.Habang lumilipas ang oras ay patuloy nilulukob ng takot at kaba si Jansen,hindi niya kakayanin kapag may masamang nangyari sa kanyang kasintahan.
Maging ang mga kaibigan naman ni Aimie ay nag aalala na din,kasama na nila si Jansen at ilang pulis maging ang kanilang hepe na naghihintay sa condo unit ni Aimie.
“Jansen pwede ba maupo ka nga muna,nahihilo na kami sayo,”sita ni Lane kay Jansen.
“How can I relax,gabi na wala pa din si Aimie,ni hindi matawagan,nagpunta na ang mga pulis sa address na nakita sa office table nya pero wala na siya doon,ano ng nangyayari kay
Aimie,nasaan na siya,”nag aalalang pahayag ni Jansen.
“Nag aalala din naman kami kay Aimie pero kilala namin sya Jansen,she will not do something stupid,”ani Lane na pilit ding itinatago ang takot.
“Ginagalugad na ng kapulisan ang area ng restaurant maging mga lugar sa paligid nito at mga karatig bayan,huwag po kayong mag alala Mr.Cristobal,ginagawa namin ang lahat para makita si attorney Saavedra,”pahayag naman ng hepe ng pulisya.
“Paano kung nakidnap na si Aimie ng mga gustong pumatay sa kanya,paano kung dinala sya sa malayong lugar,and worst…”pinutol na ni Lane ang sasabihin pa ni Yhna.
“Yhns tumigil ka nga,hindi ka nakakatulong,lalo lang kaming natatakot sa sinasabi mo,matapang at matalino si Aimie,alam kong walang mangyayaring masama sa kanya,”ani Lane.
“Do you think we should call her parents?”suhestiyon naman ni Yhna. “Huwag muna Yhns,alam mo naman may sakit sa puso si tito baka atakihin pa yon lagot tayo kay Aimie,”sagot naman ni Lane.
Nagulat ang lahat ng biglang pumasok ang isang pulis.
“Mr Cristobal nakatanggap kami ng report,natagpuan na si attorney Saavedra,”anang pulis.
“Nasaan si Aimie?ligtas na ba sya,”tanong naman ni Jansen.
Nasa ospital po si attorney sa may Rodriguez Rizal,”tugon naman ng pulis.
“Oh my God!”shock na nasambit ng dalawang kaibigan ni Aimie,wala silang inaksayang panahon at agad nagtungo sa ospital kung saan dinala si Aimie,ilang oras din ang viaje papunta dito,mabuti na lamang at wala ng gaanong traffic.
Habang nagmamaneho ay panay ang tulo ng luha ni Jansen,”Wait for me sweetie,don’t leave me please,God huwag mong kukunin ang mahal ko,”usal ni Jansen sa sarili.
Panay naman ang hagulhol nila Lane at Yhna,umuusal din sila ng dasal na sana naman ay hindi grabe ang pinsala ni Aimie at malampasan nito ang insidente.Ayon sa pulis ay tumilapon sa motor si Aimie at nahulog ito sa bangin,ayon sa mga nakasaksi ay hinahabol ito ng isang sasakyan at pinauulanan ng bala kayat nawalan ng kontrol sa motorsiklo at tumilapon sa bangin,maigi na lamang at may mga byaherong nakasaksi sa pangyayari kaya agad namang nasaklolohan ang dalaga at naisugod sa ospital,nakatakas naman ang mga salarin at kasalukuyan pa ding tinutugis ng mga otoridad.
Chapter 16
“Doc ako yung fiancee ni attorney
Saavedra,”ani Jansen sa doktor,nagbilin kasi ito na sabihan agad siya kapag may dumating ng kamag anak ang dalaga.
“Yes,about the patient,though nagawa na namin ang mga paunang lunas but we have to transfer her in a bigger hospital,kulang ang mga pasilidad dito para sa operasyong kailangan niya,”pahayag ng doktor.
“Gawin natin ang dapat gawin,”ani Jansen.
“Kailangan maitransfer siya sa lalong madaling panahon,we have coordinated the hospital in Manila,kayo na lamang ang aming hinihintay to sign some documents,”anang doktor.
“Sige ho,ako na lang ang pipirma doc,wala naman siyang ibang malapit na kamag anak dito,nasa abroad lahat,”ani Jansen at pinirmahan na ang ilang dokumento.
“By the way since you’re the fiancee I think you should know something,”anang doktor.
“Ano yun doc,”ani Jansen,mataman naman siyang pinagmasdan ng doktor bago nagsalita.
“Im sorry to tell na hindi namin nailigtas ang dinadala ni attorney Saavedra,”malungkot na pahayag ng doktor.
“What?you mean she was pregnant?”shock na tugon ni Jansen.
“Shes 3weeks pregnant,but Im so sorry,sobrang lakas ng pagkakatilapon niya sa motor na naging sanhi ng pagkalaglag ng bata,”anang doktor.Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jansen,pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas,bakit hindi sinabi ni Aimie na buntis siya,magkaka anak na pala kame wala akong kamalay malay,at ngayon ay wala na ito,namatay ang anak namen,”anang isip ni Jansen,hindi nito napigilan ang pagbalong ng luha.Doble ang sakit na kanyang nararamdaman,napahamak si Aimie at wala pang katiyakan kung makakaligtas,at pati ang kanilang magiging anak ay nadamay,walang kasing sakit ang nararamdaman ni Jansen.
Nailipat sa ospital sa Maynila si Aimie,nairaos ang operasyon nito subalit hindi pa din nagkakamalay,matindi ang pinsala ng ulo nito dahil sa pagkakatilapon sa bangin,ayon sa doktor ay wala pa ding katiyakan kung kailan ito magkakamalay,at kung magising man ito ay doon pa lamang malalaman ang iba pang komplikasyon ng pinsalang tinamo nito.
“Hi tita,this is Jansen,Aimie's boyfriend,”pakilala ni Lane sa ina ni Aimie,ipinaalam nila sa mga magulang ng dalaga ang nangyari at agad namang nagsiuwi ng Pilipinas ang mga magulang at kapatid ni Aimie.Agad namang tumayo si Jansen at lumapit sa ina ni Aimie
“Im sorry mam,nagkulang ako,hindi ko naprotektahan si Aimie,”nahihiyang pahayag naman ni Jansen.
“Its not your fault iho,I know my daughter,shes tough,too tough kaya akala niya kaya niyang lahat,”anang naluluhang ginang habang hinahaplos ang buhok ng wala pa ring malay na anak,my mga benda pa din ito at mga tubong nakakabit.
“There is something else you should know,”ani Jansen na nakayuko,bakas ang sakit at lungkot sa gwapo nitong mukha,”she lost our baby,she didn’t tell me she was pregnant,siguro hindi niya pa din alam,”malungkot at naluluha pa ding pahayag ni Jansen.
“Napatiim bagang naman ang ama ni Aimie samantalang ang ginang ay lalo ng hindi napigilan ang paghagulhol sa labis na lungkot at awa sa sinapit ng anak.
“When we heard na may kasintahan na ang anak ko sobra kaming natuwa,finally may makakasama na siya at mangangalaga sa
kanya,kilala namin siya,hindi siya mabilis magtiwala,masyadong matigas ang damdamin ng batang iyan,”pahayag naman ng ama ni aimie na nakatunghay sa dalaga habang hinahagod ang likod ng umiiyak na kabiyak.
“My Aimie,gising na anak ko,nandito na kami ni dad,”anang ginang na patuloy na mahigpit na nakahawak sa kamay ng dalaga.
“Patawarin nyo po ako,hindi sapat ang naging pag iingat ko sa kanya,”ani Jansen na nakayuko ang ulo at hindi makatingin ng diretso sa magulang ni Aimie.
“Alam naming hindi mo kasalanan iho,katulad namin ay hangad mo ang kaligtasan ni Aimie,alam namin nasasaktan ka din sa nangyari lalo pat nawala din ang magiging anak ninyo,”anang ama ni Aimie at tinapik pa nito sa balikat ang binata.
“Ang mabuti pa siguro iho ay umuwi ka muna at magpahinga,ilang araw ka na ding walang tulog at pahinga,kami na muna ang bahala kay Aimie,”anang ina ni Aimie.
“Hindi ko ho maaaring iwan si Aimie,baka bigla siyang magising,gusto ko pong andito ako sa tabi niya,”ani Jansen na kay Aimie nakatingin.
“Kailangan mo ding magpahinga Jansen,baka ikaw naman ang magkasakit,”ani Lane.
“Dito lang ako,”tanging tugon ni
Jansen,napailing na lamang ang mga ito.Alam ng ama ni Aimie na mabuting tao si Jansen at nakikita niya dito na labis ang pagmamahal nito sa kanyang anak.
Pumasok ang isang nurse at may iniabot itong supot kay Jansen.
“Sir ito nga po pala yung mga gamit na nakuha namin sa bulsa ng jacket ni attorney nung dalhin siya dito,tinurn over po yan nung ospital na unang pinagdalhan sa kanya,”anang nurse sabay abot kay Jansen.
“Sige maraming salamat,”tugon nito.Agad naman binuklat ni Jansen ang laman nito,wallet,relos,cellphone ng dalaga at isang maliit na tila recorder.
Agad itinawag ni Jansen sa imbestigador na may hawak ng kaso ni Aimie ang tungkol sa recorder,kinuha naman nila ito at dinala sa headquarters upang suriin.
Basi sa imbestigasyon ay napagalaman na ang ama ni Claire ang may kinalaman sa pamamaril na naging sanhi ng aksidente ni Aimie,nalaman din na kasabwat nito ang sekretarya ni Aimie na si Jane.Agad namang nasampahan ng kaso ang mga ito at nadakip ng mga otoridad.Laking pasalamat ni Jansen at ng mga magulang ni Aimie dahil sa wakas ay matatahimik na din ang buhay nito at wala ng magtatangka sa buhay ng dalaga,isa na lamang talaga ang kulang,ang magising si Aimie.
Isang linggo na ang nakalipas,wala na ang mga tubo at life support subalit hindi pa din nagigising ang dalaga,ayon sa mga doktor ay dulot ito ng matinding pinsala sa ulo ng dalaga,hindi din masabi ng mga ito kung kailan talaga ito magigising.
“Sweetie,gising ka na please,nakakulong na ang mga nagtangka sa buhay mo,diba yun naman ang gusto mo,kaya gumising ka na,magsisimula tayong muli,”bulong ni Jansen habang pinipisil at hinahalikan ang kamay ng dalaga,subalit tulad ng mga nagdaang araw ay wala pa din itong reaksyon.Sa nakalipas na isang linggo ay hindi umalis sa tabi ng dalaga si Jansen,pati trabaho nito ay doon na din ginagawa sa mismong silid ng dalaga sa ospital,halos hindi ito natutulog sa pagbabantay sa dalaga kahit anong pilit ng mga magulang ni Aimie.
“Jansen halika iho kumain ka muna eto may mga dala kaming pagkain,”anang ina ni Aimie na kadarating lang.
“Salamat po tita,huwag nyo na po ako intindihing dalhan ng pagkain dito pwede naman po akong bumili sa labas para hindi na kayo maaabalang magluto para sa akin,”nahihiyang pahayag ni Jansen.
“Wala iyon iho,mahal ka ng anak ko at parang anak na din kita,maliit na bagay lang ito para sa nakikita kong pag aalala at pagmamahal mo kay Aimie,”malumanay na tugon naman ng ginang na nakangiti,tinugon din naman ito ng ngiti ni Jansen.
“Salamat po,”ani Jansen.
“Ang totoo ay inaalala ka nga namin,baka napapabayaan mo na pati ang kompanya mo,hindi ka umaalis sa tabi ni Aimie,”wika pa ng ginang.
“Hindi naman po,ayoko lang pong umalis sa tabi ni Aimie,gusto kong pagmulat ng mata niya andito ako sa tabi niya,”tugon naman ni Jansen.
“Nakikita kong maswerte ang anak ko sayo,sana nga lang ay magising na siya upang makapagsimula kayong muli ng matahimik na buhay,”naluluha namang pahayag ng ina ni Aimie sabay baling sa dalaga at hinimas ang buhok nito.
“Iyan din po ang ipinagdadasal ko,sana magising na si Aimie,”ani Jansen.
Dala marahil ng pagod at puyat ay nakatulog sa sopa si Jansen,hinayaan naman ito ng mga magulang ni Aimie upang makapagpahinga.
“Anak sana gumising ka na,lahat kami ay naghihintay sayo,gusto naming makita kang muli na masigla at masaya,”anang ginang sa mahinang tinig habang hawak ang kamay ni Aimie
“At hindi lang kami ng mommy mo ang naghihintay sayo,nandito din si Jansen,hindi ka iniiwanan,”anang ama ni Aimie na bagamat nakangiti ay bakas pa din ang kalungkutan.
“Maswerte ka sa kanya anak,mahal na mahal ka niya,”dagdag pa ng ama ni Aimie.
“My Aimie,gising ka na anak ko,”umiiyak ng bulong ng ina ni Aimie.
Isang linggo na naman ang lumipas at hindi pa din nagigising ang dalaga,awang awa si Jansen habang pinagmamasdan ang pinakamamahal niyang si Aimie,maputla na ito at nabawasan na din ang timbang nito,pinupunasan ni Jansen ang dalaga,gusto niya kasing siya ang personal na naglilinis at nagpapalit ng damit ng dalaga,hindi niya ito ipinagkakatiwala sa mga nurse.
“Alam mo ba sweetie nakahanap nako ng magandang lupa para pagtayuan ng magiging bahay natin,duon tayo titira pag kinasal na tayo,pero syempre hindi ko pa inuumpisahan ang constraction kasi gusto ko ikaw mamimili ng design ng bahay,”ani Jansen sa dalaga,madalas talaga niyang kausapin ito kahit walang malay dahil sabi ng doktor ay nadidinig siya nito kahit walang malay.
“Saka alam mo ba ang bait bait ng parents mo,sabi nga ng daddy mo siya ang gagawa ng
plano ng bahay natin,architect pala siya,”masigla pang pahayag ng binata.
“Kaya gising ka na sweetie,ang dami pa nating dapat gawin,may plano na nga ako kung paano magpopropose sayo,pero syempre secret lang yun,hindi ko sasabihin para surprise,”wika pa ng binata.
“Gising ka na sweetie,balik ka na saken,mahal na mahal kita,”anang binata na napalitan na ng lungkot ang mga ngiti at hindi na din napigilang mapaluha nito.
Nakatulog na si Jansen sa pagkakaupo sa tabi ng kama ni Aimie kaya napadukmo na ito,nagulat ang binata ng maramdaman niyang gumagalaw ang kamay ni Aimie na hawak hawak niya,nagtaas ng tingin ang binata at nakita niyang dahan dahang nagmulat ng mata si Aimie.
“Sweetie!thank God gising kana,”ani Jansen at tumayo na ito at hinalikan sa noo ang dalaga.
“Water,”anang dalaga sa paos na tinig.
“Wait sweetie,tatawagin ko lang ang doktor ha,para matingnan ka kaagad,kukuha din ako ng water,”masiglang sabi ni Jansen at muling hinalikan ang noo ni Aimie bago ito naglakad palabas ng silid.