Chapter13
Dalawang araw na buhat ng huli kaming magkita ni Jansen,wala man lang text o tawag,walang flowers,walang food,s**t!ani Aimie sa sarili,kasalanan mo Aimie,nasaktan yung tao,umasa,nagmahal tapos sasagutin mo ng hindi ka pa sure kung gusto mo siyang pakasalan,tanga mo Aimie!patuloy na pinapagalitan ni Aimie ang sarili.
Nababaliw na naman ako,pinagaggalitan ko na naman ang sarili ko,napapailing na usal ni Aimie sa sarili.
“Attorney may delivery may dumating pong package,”ani Jane.
Naexcite naman si Aimie,umasang galing kay Jansen ito..
“Kanino galing,”ani Aimie na tiningnan ang box isang puting kahon na hindi naman kalakihan,me lasong itim ito at maliit na sobreng ķasing itim din ng ribbon.
“Wala pong sender attorney eh,inabot lang ng delivery boy,”tugon naman ni Jane at inabot ang kahon sa dalaga.
“Sige salamat,”ani Aimie at lumabas na si Jane pagkaabot ng kahon.
Nagtatataka naman itong binuksan ni Aimie,napasigaw ang dalaga ng pagkabukas ng kahon ay naglabasan ang mga ipis at may umagos pang dugo dito,naihagis ito ni Aimie habamg sumisigaw.Napatakbo naman si Jane papasok sa opisina ni Aimie at nagulat ng makitang may dugo ang ibabaw ng lamesa ni Aimie.
“Oh my God!”napatakip din sa bibig na nasambiit ni Jane.Agad namang nakabawi mula sa pagkatakot si Aimie at kinuha ang itim na sobre,binuksan niya ito at binasa ang note.
“Its not over Saavedra,"anang mensahe na kalakip ng kahon.
“Sory attorney,inabot lang kasi yan ng delivery boy,”anang nahihintakutan pa din na si Jane.
“Pakitawag ng janitor please,pagbalik ko malinis na office ko,”ani Aimie na naniningkit ang mata sa galit.Dinampot nito ang bag at lumabas na ng opisina,nahihintakutan pa din ang naiwang si Jane.
Malalim na nag iisip si Aimie habang nasa loob ito ng sasakyan at nakasandal lamang sa driver seat,napabuntong hininga ito ng malalim bago inistart ang makina,nagmaneho itong papalayo sa gusali ng opisina,buti na lang at alanganing oras kaya walang traffic.
Halos isang oras ng nagmamaneho ang dalaga,walang tiyak na pupuntahan,nais lamang niya ay makalayo,patingin tingin si Aimie sa paligid habang nagmamaneho hanggang sa matanawan niyaang isang tila parke sa tabi ng highway,itinabi nito ang sasakyan sa gilid at himinto,napabuntong hininga na lamang ang dalaga.
“Ano bang buhay ang meron ako,akala ko okey na ako,noong muntik na akong mamatay natakot ako,natakot akong basta na lang mawala sa mundo pero lahat ng iyon nawala ng dumating sa buhay ko si Jansen,nakaramdam ako ng security,peace of mind at natuto akong maging masaya,pero sinayang ko lang,akala ko okey lang,sanay na naman akong mag isa,kahit malungkot,kaya nga ba ayokong magmahal dahil baka masanay lang ako tapos biglang mawawala.Tapos ngayon may banta na naman sa buhay ko kung kailan wala na si Jansen,wala ng mag aalala at poprotekta saken,ang malas ko naman,”mahabang litanya ni Aimie sa sarili habang pumapatak ang luha.
Paulit ulit hinataw ni Aimie ang manibela at sumigaw siya ng todong todo,isinigaw niya lahat ng hinanakit nya sa sarili,kasalanan nya naman kasi kung bakit ganito ang buhay niya.
Kung sabagay ano pa nga ba ang dapat niyang ikatakot sa mga nagbabanta sa buhay niya,mapahamak man siya ay wala namang ibang madadamay.Hindi na namalayan ni Aimie kung gaano siya katagal na umiiyak,wala na halos pumapatak na luha sa kanyang mga mata.
Muling huminga ng malalim ang dalaga at nagmaneho na ulit ito pabalik ng opisina.
“Attorney okey ka lang ba,”nag aalala namang salubong ni Jane kay Aimie.
“Of course,”nakataas naman ang kilay na sagot ni Aimie.
“May isa na lang po kayong meeting today,gusto mo ba icancel ko muna?”nag aalanganing pahayag ni Jane na kasunod ni Aimie pagpasok ng opisina.
“Why?,”tanong ni Aimie.
“Baka po kasi..”pinutol na ni Aimie ang sasabihin ng sekretarya ng sumenyas ito na lumabas na ng kanyang silid,naupo ng tuwid si Aimie sa swivel chair at binuksan ang laptop na parang walang nangyari.
“Yari na naman ako nito,de numero na naman,beastmode na naman si attorney,balik na naman sa dati.”bulong ni Jàne sa sarili ng makalabas ito ng opisina ni Aimie.
Para namang walang nangyari ng nagdaang araw,balik na naman sa dating routine si Aimie,laging subsob sa trabaho at hatinggabi kung umuwi,kung minsan ay hindi na nga niya naaalala kung paano natapos ang maghapon,kahit pagod ay hindi na niya nararamdaman,pakiramdam ni Aimie ay manhid na ang buo niyang pagkatao,pisikal at emosyonal.Lumipas na ang apat na araw at wala pa ring Jansen na nagparamdam,kung sabagay ay hindi naman na din umaasa si Aimie na magpapakita pa ito sa kanya,batid ng dalaga na nasaktan niya ito at marahil ay napagod na din itong umasa.
Papalabas na sana ng isang restaurant si Aimie dahil katatapos lang ng meeting nito,nasa bungad pa lamang ng pinto ang dalaga ng biglang makadinig ng napakalakas na pagsabog,nagkagulo ang mga tao at kanya kanyang takbuhan,ng makabawi sa pagkagulat si Aimie ay nilingon niya ang pinagmulan ng pagsabog,natigilan ang dalaga ng makita niyang nilalamon na ng apoy ang nakaparada niyang sasakyan,nasapo ni Aimie ang dibdib at tila nawalan siya ng lakas,sumagi sa isip ng dalaga na mabuti na lamang at dumaan pa siya sa powder room ng restaurant para magretouch ng make up dahil kung hindi marahil ay kasama na siyang sumabog ng kaniyang
sasakyan.Napapailing at sapo ang bibig ni Aimie at unti unti siyang napaatras,mabuti na lamang at may malapit na upuan sa kanya at napaupo siya dito,nahihintakutang tinanaw na lamang niya ang nasusunog na sasakyan,ilang sandali pa ay dumating ang mga rumesponding pulis at bumbero,bumuntong hininga ng malalim si Aimie at hinamig ang lakas,unti unti itong naglakad papalabas ng restaurant at pinara ang dumadaang taxi,nagpasya muna siyang umuwi at mag isip kung ano ang dapat niyang gawin sa pangyayari.
“Hello Aims?nasaan ka?anong nangyari sayo?are you okey?”sunod sunod na tanong ni Lane sa kabilang linya.
“”Im good,safe and sound,”ani Aimie habang nakasalampak ito sa sopa.
“Thank God,nasaan ka ngayon?nakita ko sa news sumabog car mo,”nag aalala namang tugon ni Lane.
“Don’t worry I'm fine,”maigsing tugon ni Aimie,sa totoo lang ay balak muna niyang patayin ang cellphone,ayaw muna niyang makipag usap kahit kanino,gusto niyang mag isip.
“Nasaan ka?pupuntahan kita,”ani Lane.
“No,delikado,paalis na din ako ng bahay,”tugon ni Aimie.
“Mag iingat ka Aims ha,call me anytime,”wala naman nagawang tugon ni Lane.
Ilang saglit lang ay muling tumunog ang cellphone ni Aimie,nakita niyang si Yhna ito kaya napilitan siyang sagutin,alam niyang nag aalala din ito.
“Aims my God,how are you?”naghihisterya namang agad na pahayag nito,napabuntong hininga naman si Aimie. “Im good Yhns,relax,”ani Aimie.
“Relax?its all over the news,akala ko kung ano ng nangyari sayo!”nag aalala namang tugon ni Yhna.
“I guess Im lucky enough “maigsing tugon naman ni Aimie.
“Hay nako,aatakihin ako sa puso sa mga nangyayari sayo,tapos kanina pa ako tawag ng tawag busy ang line mo,”ani Yhna.
“I was talking to Lane,nauna lang pumasok call nya,”tugon ni Aimie.
“Aims magbakasyon ka muna kaya,sunod ka muna sa family mo abroad,”ani Yhna.
“I cant do that,hindi ako duwag na basta na lamang sila tatakbuhan,kung talagang matapang sila harapin nila ako,”matapang na pahayag ng dalaga.
“Pero hindi nga sila patas lumaban,paano kung matyempuhan ka,jusko,gusto mo na ba talagang mamatay,”halos pasigaw naman na wika ni Yhna.
“Sabi ko naman sa inyo lagi,pag oras ko na wala akong magagawa,kahit saan ako magpunta aabutan ako ni kamatayan,”tugon naman ni Aimie.
“I cant believe you Aims,walang sinasanto mga halang ang kaluluwang kriminal,inuunahan na nga nila si kamatayan,”ani Yhna.
“Magkita kita na lang kami sa finals,”ani Aimie sa kaibigan at tumawa pa ito ng nakakaloko.
“Aims seryoso,natatakot na kami for you,”ani Yhna.
“I know,and thank you,don’t worry,okey,”ani Aimie.
“Aims mag iingat ka lagi,anjan lang sila sa paligid mo,”ani Yhna.
“Thanks,got to go,kailangan ko pang pumunta sa presinto,bye Yhns,”paalam ni Aimie.
Ang totoo ay balak lang magbalik ni Aimie sa opisina,hindi siya maaaring magpakita ng takot,kung sino man ang naghahangad ng kamatayan niya ay sisiguruhin niyang mananagot sa batas.
Chapter14
"Attorney!”gulat na bati ni Jane kay Aimie.
“Para kang nakakita ng multo ah,may problema ba?”asik ni Aimie sa sekretarya niya na tila naman napahiya.
“Sorry,akala ko lang..”pinutol ni Aimie ang sasabihin at tiningnan ng diretso ang sekretarya niya.
“Akala mo ba patay nako?”nakakalokong pahayag ni Aimie na matamang tinitingnan si Jane.
“Hindi naman po sa ganon attorney,nag alala lang ako,”anang sekretarya na hindi naman magawang salubungin ang tingin ni Aimie.
Napapailing na lang na nagtungo na lang sa loob ng opisina nya si Aimie.
Matamang nag iisip ang dalaga dahil sa napapansin niyang kakaibang ikinikilos ng sekretarya niya,ng mga nagdaang araw ay nahuhuli pa niya itong laging may kausap sa telepono at tuwing mapapansin siya ay umiiwas ito ng tingin at tinatapos ang usapan,may sumagi bigla sa isip ng dalaga,huwag naman sana,ngunit kung sakaling tama ang hinala niya ay hindi niya ito mapapalampas.
“Attorney call po sa line 1,police station daw po,”ani Jane na pumutol sa pagmumuni ni Aimie,hindi niya napansing nasa harapan na pala niya ito,sumenyas lang siya na maaari na itong lumabas.
Samantala hindi naman mapakali sa kanyang hotel room si Jansen,nakita niya ang balita tungkol sa pagsabog ng sasakyan ni Aimie,ilang araw din niyang tinikis ang dalaga,hindi siya nagparamdam sa dalaga buhat ng lumipad patungong Cebu,natuloy pa ang pakikipag tie up ng real estate company nito sa isang malaki din kumpanya sa Cebu kayat napilitan mag stay ang binata.Agad tinawagan ni Jansn si Aimie subalit hindi niya macontact ito,pakiramdam ni Jansen ay hindi na siya makahinga sa pag aalala,tinawagan niya ang mga kaibigan ni Aimie subalit hindi rin macontact ang mga ito,nagpasya ang binata na lumipad na pabalik ng Maynila,subalit sa kamalasan ay cancel lahat ng flight dahil sa bagyo sa bisayas.
Napasabunot sa sarili si Jansen,napakamalas naman kung kailan kailangan at nagmamadali saka walang flight,bawat oras na nagdadaan na hindi niya makapiling at masiguradong ligtas si Aimie ay para siyang pinapatay ng pag aalala.Muling dinampot ni Jansen ang cellphone,hindi na siya
makakapaghintay,kailangan makabalik siya ng Maynila sa kahit anong paraan.
Pagod na pagod ang pakiramdam ni Aimie ng makauwi ito ng bahay,inilapag nito ang dalang helmet sa mesita at pasalampak na naupo,parang napakaraming naganap ng buong maghapon,muntik na siyang makalawit ni kamatayan,isinandal ni Aimie ang ulo sa sopa at bahagyang napapikit ng makarinig ng sunod sunod na katok.
“Sino na naman ba ito,kung makakatok,diba marunong gumamit ng doorbell,”bulong ni Aimie sa sarili at napabuntong hininga pa ito ng tumayo.
Sinugod agad ng yakap ni Jansen ang dalaga ng magbukas ito ng pinto,sobrang higpit ng yakap nito na para bang takot na takot na makakawala ang dalaga.
“Bitawan mo nga ako,ano ba!”sigaw naman ni Aimie na pilit inaalis ang pagkakayakap ng binata.Lalo naman humigpit ang pagkakayakap ni Jansen habang nakasiksik pa ang muka nito sa leeg ng dalaga.
“Im so scared sweetie,akala ko mawawala ka na saken,”ani Jansen na nakasiksik pa din ang mukha sa leeg ni Aimie,naramdaman ng dalaga na namasa ang leeg niya at umalog pa ang katawan nito.
“Jansen are you crying?”anang dalaga na napahawak na din sa balikat ni Jansen.bahagya namang umangat ang ulo ng binata at tinitigan si Aimie,bumitaw ito sa pagkakaakap sa dalaga at hinawakan ang mga pisngi nito.
“I love you so much,mamamatay ako kung napahamak ka,”ani Jansen.Para namang tinutunaw ang puso ni Aimie ng mapagmasdan ito,may mga luha sa mata at bakas ang takot at pag aalala.Hindi na hinintay ni Jansen na sumagot ang dalaga at siniil na lang ng halik ang dalaga,punong puno ng pagmamahal ang halik nito na tumagos naman sa puso ng dalaga kayat tinugon niya ang halik nito.
Kapwa habol ang hininga ng magbitaw ang labi nilang dalawa at muli silang nagyakap ng mahigpit.
Kapwa nakaupo ang dalawa,nakasandal si Aimie sa dibdib ni Jansen at akap naman siya ng binata.
“Im so sorry sweetie,hindi kita dapat basta iniwanan at tinikis ng ilang araw,”ani Jansen.
“Im sorry too,hindi kita dapat
ipinagtatabuyan,siguro nga hindi pa lang talaga ako handa but one thing is for sure,I don’t want to loose you,”ani Aimie.
“I understand,hindi naman kita talaga dapat madaliin,you know those four days were the worse days of my life,hindi ko nga alam kung paano natapos ang conference at merging ng company ko,”malamlam na pahayag ni Jansen.
“Talaga?pero natiis mo ko ng four days,”ani Aimie na bahagyang tumingala sa binata.
“Kung alam mo lang kung gaano kahirap ang tiisin ka,its like killing me,”tugon naman ni
Jansen na pinalamlam pa ang mga mata,bakas naman ang lungkot na pinagdaanan nito.
“Me too,sobrang lungkot,matagal akong nasanay ng mag isa pero ng makilala kita parang may kulang na nung bigla kang mawala,parang hindi na ako babalik sa dating normal kong buhay,lalo na nung sunod sunod ang pagbabanta sa buhay ko,naiisip ko,natuto akong makaramdam ng takot na mawala dahil ayokong maiwan ka,”ani Aimie na titig na titog sa mata ni Jansen.
“Walang masamang mangyayari sayo hanggat nandito ako,promise,”ani Jansen at ginawaran ng halik ang dalaga,muli naramdaman ni Aimie
ang calmness at security sa piling ni
Jansen,pinalis niya sa isip yung takot na hindi para sa sarili kundi para sa mahal niyang si Jansen,takot na baka madamay ito at gamitin ng mga kalaban bilang kahinaan niya.
“May hihilingin ako sayo sweetie,sana pag isipan mong mabuti,”seryosong pahayag nj Jansen.
“What?”tanong ni Aimie.
“Palagay ko kasi hindi na safe ang lugar na ito para sayo,bakit hindi ka muna lumipat for security reason,alam na ng nga taong gustong manakit sayo kung saan ka nakatira,makakabuti siguro na sa ibang lugar ka na muna.”seryosong pahayag ni Janssen.
“Actually pinagiisipan ko na talaga ang bagay na yan,may mga kailangan lang muna akong asikasuhin na ilang bagay,plano ko din magbakasyon muna,”paliwanag naman ni Aimie.
“Bakit kailangan mo pang ipagpaliban ng ilang araw,kailangan mo ng umalis dito sa lalong madaling panahon,its not safe,”tugon naman ni Jansen.
“May ilang trabaho akong kailangan tapusin,isa pa hindi naman maaaring basta ko na lamang iwanan ang lahat,kailangan ko silang harapin at panagutin sa batas,”tugon naman ni Aimie na biglang tumapang na naman ang ekspresyon.
“Sweetie,ako ang natatakot para sayo,ipaubaya mo na lang ang lahat sa mga otoridad,”ani Jansen.
“Kailangan matapos ang kasamaan nila sa lalong madaling panahon,hindi pwedeng mabuhay ako sa takot at magtago,”ani Aimie.
“But sweetie…”pinutol naman ni Aimie ang sasabihin ni Jansen.
“One week,give me one week to put things in the right places,and promise,magbabakasyon ako at pagbalik ko lilipat na ako ng bahay,”ani Aimie na pinalambing naman ang tinig.Napabuntong hininga naman si Jansen.
“Ang hirap talaga ng masyadong matapang ang girlfriend,okey fine attorney dragon,pero sasamahan kita lagi,babantayan kita to make sure you will be safe,”ani Jansen habang ginagawaran ng maliliit na halik ang mukha ng dalaga.
“You don’t have to do that,,paano ang company mo,saka may mga police escort naman na naka asign for my security,”nakangiti namang tugon ni Aimie.
“Basta,hindi ako matatahimik kung mawawala ka sa paningin ko,besides I have people na mapagkakatiwalaan ko to run my company,pero ikaw,hindi pupwedeng ipagkatiwala ko lang sa iba,”ani Jansen.Para namang dinuduyan sa kaligayahan si Aimie.Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ni Jansen sa kanya.Sa isip ni Aimie ay sigurado na siya na mahal na niya ang binata at hindi na niya kailangan mag alinlangan pa,sisiguraduhin niyang matatapos ang lahat ng aberya sa kanyang buhay upang mabuhay sila ng mapayapa ng kanyang minamahal,at kapag inaya siya muli nito na magpakasal ay hindi na siya magdadalawang isip pa.