6&7

2562 Words
Chapter 6 “Jane pakicancel meeting ko after lunch,may kailangan akong puntahan,”sabi ni Aimie sa sekretarya nya bago ito pumasok ng sariling opisina. “Sige po attorney,yung files po ng bago nyong case nasa table nyo na,”tugon naman ni Jane. “Okey,coffee na lang please,thank you,”ani Aimie habang naglalakad papalapit sa desk niya kasunod naman si Jane. Nanglalata si Aimie,tanghali na siya nakapasok sa opisina dahil sa isang tawag na nakapanglumo sa dalaga… “Attorney,this is Claire,can we talk?”,anang nasa kabilang linya,nagtataka naman si Aimie kung bakit gusto siyang makausap nito. “What can I do for you,actually Im on my way to my office we can meet there,”tugon naman ni Aimie. “I cant go to your office,baka may makakita sa akin attorney,I'll just text you the address,if your available after lunch today,”ani Claire. “Okey,text me the place,I'll see you there,”tugon naman ni Aimie na nagtataka,bakit gusto siyang kitain ni Claire,siya ang kolehiyalang nabuntis ng kliyente niyang si Mr Sapno na kinasuhan ng r**e ng magulang ng babae. Medyo tago ang maliit na café na pagtatagpuan ni Aimie at Claire,mukang ilan lang ang nakakaalam at bihira ang mga nagpupunta dito,natanaw na ni Aimie si Claire sa pinakasulok ng café,kung hindi nga nito sinabi sa text kung ano ang isusuot nya marahil ay hindi niya ito makilala,nakabandana pa kasi ito at shades kaya hindi kita ang mukha,sa isip ni Aimie ano naman kaya ang dahilan ng babaing ito at kailangan pang patagong makipagkita sa kanya,sabagay anak ito ng kalaban niya. “Hi,Claire?”bati ni Aimie sa dalaga na sinisigurong tama ang nilapitan niya. “Sit down attorney,pasensya na,I just thought this is a safer place for us to talk,”ani Claire. “Actually I was having a second thought of seeing you,but I guest my intuition might be right,makakatulong ito sa case ng kliyente ko,”paliwanag ni Aimie sa kaharap. “Hindi ko na kaya attorney,alam kong ikaw na lang ang makakatulong sa akin,sa amin ni Carlo,”halos naluluhang pahayag ni Claire. “Anong ibig mong sabihin,”nagtataka ko namang tanong. “Tulungan mo akong makausap si Carlo,kailangan naming magkita at lumayo,hindi ko kayang pigilan ang dad ko,matalo man kami sa kaso at makalaya si Carlo,ipapapatay din siya ng daddy ko,hindi siya papayag na mapunta ako sa kanya,kawawa naman ang magiging anak namin,hindi man lang masisilayan ang kanyang ama,”lumuluha ng pahayag ni Claire. Natigilan ako,ano ba itong pinasok ko,simulat sapol ayokong magkaroon ng personal attachment sa mga kliyente ko,ginagawa ko ang lahat para maipanalo ang bawat kasong hinahawakan ko.Pero bakit parang pakiramdam ko me obligasyon akong tulungan sila Claire at Carlo,in the name of love?duh,I myself don’t believe in love. “Im sorry Claire,ang obligasyon ko lang ay maipanalo ang kaso ni Mr.Sapno,your personal lives are none of my concerns,”walang emosyon kong pahayag kay Claire. “Wala na akong ibang malalapitan attorney,alam kong ikaw lang ang makakatulong sa amin,parang awa mo na,”pagmamakaawa ni Claire,hilam na hilam na ito sa luha. “I can win our case,pero hanggang doon na lang ang kaya kong gawin,ang issues ng relasyon ninyo is none of my concerns,”pagtatapos ko ng usapan at naglakad na ako palabas ng café. “Attorney may naghihintay po sa loob ng office nyo,sinabihan ko naman po na hindi ako sure kung anong oras kayo makakabalik from meeting,pero maghihintay daw po sya,”anang sekretarya ni Aimie “Its okey,pwede ka ng umuwi,thank you,”sabi ni Aimie sa sekretarya nya,tapos na ang office hours ng makabalik ang dalaga sa opisina. “Hi!”bati ni Jansen kay Aimie ng pumasok ito sa pinto. “I thought I made myself clear,ano pa bang kailangan mo?”nakasimangot na tugon ni Aimie,padabog itong naupo sa swivel chair at ipinikit ang mata pagkasandal. “I just want to say sorry..”pinutol ni Aimie ang sasabihin pa ng binata. “You know what Jansen,I came from a long meeting,stress,tired,exhausted,pwede huwag ka ng dumagdag?tantanan mo na lang ako okey?just disappear,”madiing pahayag ni Aimie,siniguro ng dalaga na walang makikitang emosyon ang binata sa kanya,pero ang totoo hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang lapitan ito at yakapin,parang pakiramdam niya kailangan niya ng masasandalan,ng isang tao na hahagod sa likod niya at magsasabing,”everything will be fine,im just here to support you all the way,” yung tipong ganon,yung kahit alam niyang wala namang maitutulong sa mga problema nya pero handang makinig para gumaan ang pakiramdam niya. Malungkot na tumalikod si Jansen,bagsak ang balikat nitong lumabas ng opisina ni Aimie.Naiwan namang nakatulala si Aimie,naramdaman nya na lang na pumapatak na pala ang mga luha sa pisngi niya.Ngayun lang may nagparamdam ng importansya sa kanya,oo at nariyan nga ang dalawa niyang best friends pero iba si Jansen,parang siya lang ang makakapagbigay ng comfort na hinahanap ng puso niya,ng kapanatagan na may isang tao na andiyan lang para sa kanya,pero pinairal na naman niya ang tigas ng puso.Ayaw ni Aimie ng may makakakita ng kahinaan niya,at may ibang tao na madadamay sa bigat ng mga dinadala niya, ”Kaya ko pang mag isa,”bulong ni Aimie sa sarili habang pinapahiran ng palad ang mga luha. Nasa ganoong pag iisip ang dalaga ng tumunog ang kanyang cellphone. “Hello,attorney,nadinig ko si daddy kausap ang mga tauhan nya,may gagawin sila kay Carlo,tulungan mo siya attorney,”ani Claire sa kabilang linya,halata sa tinig nito ang takot. “Walang mangyayaring masama kay Carlo,huminahon ka,hindi siya maaaring saktan sa loob ng bilangguan,makakasuhan ang mga authorities na nandoon,”pagkalma naman ni Aimie sa kausap. “Maraming galamay si daddy,palalabasin nilang nagkaroon ng riot sa loob at nadamay si Carlo,iyan ang nadinig ko sa usapan nila,”takot na takot ang tinig ni Claire. “Hindi ako makakapangako kung may magagawa ako,but I'll try if I can do something,kumalma ka at makakasama sa dinadala mo ang mag alala,”tugon ko kay Claire at tinapos ko na ang tawag. Lulan ng kanyang sasakyan ay matamang nagiisip si Aimie,nakokonsensya siyang baliwalain ang sinabi ni Claire,posible talagang mapahamak si Carlo kapag hindi siya kumilos at hindi niya maaatim na basta na lamang tumahimik at hindi umaksyon,napabuntong hininga ng malakas ang dalaga at pinaharutot ang sasakyan,dumaan muna ito sa isang botika bago dumiretso sa presinto kung saan nakapiit si Mr.Sapno. “Good evening sir,may kailangan lang ako sa kliyente ko,”ani Amie sa desk officer. “Attorney Saavedra,ikaw pala,gabi na attorney ah,tapos na visiting hours natin,”nagpapaunawang tugon naman ng desk officer. “Sir importante lang,hindi na makakapaghintay,last minute briefing lang sa client ko,maaga hearing namin bukas,balato mo na sakin to,hahatulan na kliyente ko bukas,”pangungumbinsi naman ni Aimie sa pulis at sinundan pa ito ng napakatamis na ngiti. Napakamot naman sa batok ang pulis. “Sige attorney pero saglit lang ha,saka hindi ko na pwedeng ilabas si Sapno,sa may selda na lang kayo mag usap,”tugon naman ng desk officer na nakangiti din kay Amie. “Men,”sa isip isip ni Amie at napa roll eye pa ito.Naglakad na si Aimie patungo sa selda ni Carlo,nagtataka naman ang binatang propesor ng lumapit ito kay Aimie.Nagpalingalinga ang dalaga at sinuri ng tingin ang paligid bago kinausap ang binata. “O Carlo,ready ka na ba para bukas?relax ka lang ha,at huwag kang mag alala dahil nasa panig natin ang katotohanan,”anang dalaga. “Malaki ang tiwala ko sayo attorney,at nananalig ako sa Diyos,malaki ang pasasalamat ko sayo attorney,”nakangiting pahayag ng binata. “Alam ko naman na wala kang kasalanan,oh paano? see you tomorrow,”paalam ng dalaga sabay abot ng kamay sa binata,matapos silang magshake hands ay tumalikod na ang dalaga at naglakad papalayo ng selda. “Sir thank you,bawi ako sayo pagbalik ko dito,”anang dalaga na inabot pa ang kamay ng desk officer. “Wala yon attorney beautiful,malakas ka sakin,”tugon naman ng pulis sabay kindat,nginitian lang ito ng dalaga at sumaludo pa bago naglakad palabas ng presinto. Nang makapasok ng sasakyan ay napapailing na lang ang dalaga,kinuha nito ang alcohol sa bag at binuhusan ang kamay. “Ewww,amoy kamay ng manyak,tsk"napapailing na bulong sa sarili ng dalaga at nagmaneho na ito,subalit hindi naman lumayo ang dalaga,ipinarada lamang ang sasakyan sa di kalayuan at tanaw pa din ang bungad ng presinto subalit bahagyang nakakubli.Makalipas ang ilang minuto ay napansin na ni Aimie ang paparating na ambulansya,mabilis na lumabas ang mga sakay niyong medics papasok ng presinto at ng muling lumabas ang mga ito ay may nakahiga na sa stretcher,ng mabilis na umusad ang ambulansya ay sinundan ito ni Aimie,alam naman niyang sa pinakamalapit na ospital ang diretso nito,halos kasunod lamang si Aimie ng dumating ang ambulansya sa ospital,agad nilapatan ng pang unang lunas ang sakay nito,buhat sa di kalayuan ay nakakubling nagmamasid lamang si Aimie,kailangan niyang magmasid ng masigurado ang kaligtasan ni mr Sapno. Kinabukasan ay maagang naghanda si Aimie,handang handa na siya at excited sa pagdalo sa huling araw ng pagdinig sa kaso ni Carlo Sapno,babasahan na ito ng hatol,kumpiyansa naman si Aimie na nasa panig nila ang batas,bagamat bahagyang kinakabahan pa din ang dalaga,hindi sa magiging hatol ngunit sa kaligtasan ng kanyang kliyente,hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapoprotektahan niya ito.Nagdesisyon ng umalis ng bahay ang dalaga,dalawang oras pa bago ang hearing,makakadaan pa siya sa opisina,lagi naman siyang ganoon, sa tuwing araw ng paglabas ng hatol ng judge sa mga kasong hawak nya ay hindi siya mapakali,para siyang sinisilihan at ikamamatay nya ang pagdaan ng mga oras kung maghihintay lamang siya ng walang ginagawa. Hindi pa man nakakalayo sa gusali ng tinitirhang condo ang sasakyan ni Aimie ay biglang may sumulpot na motor sa gilid nito,pinaputukan ng nakaangkas ang sasakyan ni Amiie,bagamat nagulat ay agad naman nakayuko ang dalaga,matapos ang ilang putok ay humarurot na ang riding in tandem palayo sa sasakyan ng dalaga,nawalan ng kontrol si Aimie sa manibela dahil nadaplisan ng bala ang balikat nito,nagpaikot ikot ang sasakyan at sumalpok ito sa barrier ng kalsada,. “s**t,s**t,”anang dalagang napapangiwi habang hinahampas ang manibela.Sa di kalayuan ay nakita naman ng mga guwardya ng gusali ang pangyayari at agad dinaluhan ng mga ito si Aimie.Agad binuksan ni Aimie ang pinto ng sasakyan at lumabas itong nakahawak ang isang kamay sa balikat. “Attorney dalhin na namin kayo sa clinic,”anang isang guard ng makalapit ito,mabuti na lamang at may malapit na clinic.Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng doctor at nurse si Aimie. “Mabuti na lang at daplis lang ang tama mo attorney Saavedra,but we need to brace your neck,waia namang broken bones pero kailangan ng support due to shock,for a few days lang naman,but I suggest you take a rest,”anang doctor kay Amie habang ikinakabit ang neck brace nito. “Thanks doc,can I go now?I have an important hearing in 30 minutes,”ani Aimie na nagmamadali ng tumayo. “Attorney yung sasakyan nyo po nakuha na ng tow truck,sunod na lang po kayo sa police station for the report,”anang pulis na rumesponde sa nangyaring insidente. “After na lang ng hearing ko sir,I really need to hurry,”tugon naman ni Amie. “Sige po attorney,by the way we can drop you,wala kang gagamiting sasakyan,”mabait na tugon naman ng pulis. “That will be great,thank you officer,”tugon naman ng dalaga,wala naman siyang pagpipilian,pasalamat nalang ang dalaga at nag offer na ito,mas mapapadali ang pagpunta niya sa korte. Nagulat ang ama ni Claire ng makitang pumasok ng courtroom si attorney Saavedra,ang pagkakaalam niya ay napuruhan ito ng kanyang mga tauhan,sa isip ng medyo may edad ng negosyante ay may sa pusa ata ang abogadong ito.Nabulilyaso na nga ang tangka nilang pagliligpit kay Sapno dahil naisugod ito sa ospital na kanyang ipinagtataka kung paanong biglang bumula ang bibig nito ng gabing pinlano nila itong iligpit,at ngayon namang ang abogado nito ang kanyang pinagbalingan ay nakaligtas din ito. “Huwag mo nang planuhin ulit na iligpit ako,nagsasayang ka lang ng panahon,nagulat ka bang buhay pa ako?”matapang na pahayag ng dalaga bagamat mahina ang tinig nito ay kalakip naman ang tapang at galit ng madaanan nito ang ama ni Claire. “Hindi ko alam ang sinasabi mo attorney,mukang masyadong malawak ang iyong imahinasyon,kung sabagay ay magaling magtahi ng kasinungalingan ang mga katulad mong matinik na abogado,”nakangiti pa na tila nakakalokong tugon ng matanda. “We’ll see kung makakangiti ka pa din mamaya Mr,Santillan,”nakangiting tugon naman ni Aimie na kahit naka brace ang leeg ay kita pa din ang tapang at determinasyon. “Maraming salamat attorney,hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang mga naitulong mo sa akin,”ani Carlo na naluluha pa sa kaligayahan dahil napawalang sala ito at ngayon ay malaya na. “Trabaho ko yon,alam ko namang wala kang kasalanan kaya naipanalo natin,”nakangiting tugon naman ni Aimie,bagamat nangingiwi na ito ay pinilit pa ding ngumiti,medyo nawawala na ang bisa ng pain reliver at nararamdaman na niya ang kirot sa sugat sa kanyang balikat.Tila nahalata naman ito ni Carlo at nagaalala itong inalalayan ang dalaga. “Are you okey attorney?siguro kailangan ibalik kita sa ospital,baka you need some more test,”ani Carlo na bakas ang pag aalala. “I'll be fine,umuwi ka na muna at naghihintay na ang mga magulang mo sayo,hindi na sila nakapunta dito dahil nag aalala ang iyong ama na hindi kayanin ng iyong ina ang tensyon at atakihin pa,don’t worry susunduin ako ng kaibigan ko dito,parating na sya,”pagtataboy naman ni Amie sa binata. “Are you sure,samahan na lang kita habang hinihintay mo sya,”pamimilit naman ni Carlo na inalalayan pa ang dalaga papalabas ng gusali. “Its okey,malapit na sya,sige na at excited na ang parents mo na makita kang muli,”ani Amie na nakapamewang pa at pinilit magmukang maayos ang pakiramdam. “Sige attorney,pero babawi ako sayo,magkita tayo sa week end,at maraming salamat ulit,”ani Carlo,sabik na din itong makauwi sa tahanan ng kanyang mga magulang,halos ilang buwan din siya sa piitan at hindi nakapiling ang mga ito. Agad namang pinara ni Aimie ang dumaang taxi at nagpahatid ito sa pinakamalapit na ospital,tumitindi na ang kirot ng kanyang sugat at nagdudugo na din ito,bakas na sa manggas ng kanyang blazer ang dugo,ilang oras din kasi tumagal ang kanilang hearing at binaliwala niya ang payo ng doktor na magpahinga,kumikirot na din ang kanyang balakang at tuhod,marahil ay nabugbog din ito kanina,ngayun nararamdaman ng dalaga ang pagkirot ng sugat at sakit ng buo niyang katawan. Napapailing si Aimie habang nakahiga sa emergency room,sa isip ng dalaga ay mahirap din pala ang mag isa. “For the meantime iaadmit ka na lang muna namin while waiting for your xray and ct scan,hopefully wala namang head injury but of course we need to make sure,”anang doktor kay Aimie. “Sige doc,”tugon naman ni Aimie,inalalayan naman siya ng isang nurse na makaupo sa wheelchair at inihatid na sa isang private room. “Mam nasa nurse station lang po ako,if you need anything tawagin nyo lang po ako,”anang nurse bago iwanan si Aimie dahil nakahiga na ito sa hospital bed sa isang private room. “Pakiabot na lang yung bag ko,thank you,”ani Aimie na nakangiti sa nurse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD