8,9&10

4469 Words
Chapter8 “Buti naman naisipan mo kaming tawagan,wala kaming kamalay malay na muntik ka na palang mamatay,”galit na bungad ni Lane pagkapasok nito sa silid ni Aimie. “Oh my God Aims,what happened to you?”naiiyak naman si Yhna ng makalapit kay Amie at agad na niyakap ito. “Ouch,Yhna yung sugat ko,ano ka ba?ikaw ata ang papatay saken,”nangingiwi namang tugon ni Aimie. “Talagang kami ang papatay sayo dahil napakatigas ng ulo mo,sinabi na namin sayo tanggihan mo si Sapno,or kumuha ka ng driver/bodyguard para naman me magpoprotekta sayo,”pagalit pa ding pahayag ni Lane bagamat may kalakip na pag aalala ito. “Lane is right,look at yourself Aimie,nakabenda,may neckbrace,abay mabuti na lang hindi ka napuruhan,kundi ano,batch reunion kami sa burol mo?”pagalit na ding pahayag ni Yhna na nakaupo na sa gilid ng kama ni Aimie. “Relax guys,kung alam ko lang na sesermunan nyo ako hindi ko na kayo tinawagan,nakakatampo kayo ha,”ani Aimie na lumabi pa. “Naku Aims tigilan mo kami sa drama mo ha,nag aalala lang kami sayo,lagi kang mag isa,tulad niyan muntik ka ng mamatay,wala kami sa tabi mo para saklolohan ka,”paliwanag ni Yhna. “I know that,kaya nga…”hindi na naituloy ni Aimie ang sasabihin ng may biglang kumatok. Pinagbuksan naman ito ni Lane at bumungad ang dalawang pulis. “Good afternoon attorney,kukunan ka lang sana namin ng statement para maifile na ang report ng insidente kanina,”anang isang pulis. “Sure,tuloy kayo,”tugon ni Aimie. Umupo naman sa sofa sila Lane at Yhna at nakinig sa usapan ni Aimie at ng mga pulis,napapailing na lamang ang mga ito dahil naiisip nila ang hirap na pinagdaanan ni Aimie sa nangyari. “By the way guys favor naman,pakuha ng gamit sa condo,anjan ang susi sa bag ko,please,kahit tomorrow morning nyo na lang dalhin dito ,”ani Aimie sa mga kaibigan,nakaalis na ang mga pulis na nag imbestiga sa insidente. “Sure,bali dadaan na kami ngayun sa comdo mo to get your things tapos bukas ng umaga ko idadaan dito bago ako pumasok sa shop,”ani Lane at kinuha na nito ang susi sa bag ni Aimie. “Thanks guys,you may go,dont worry matutulog na ko,gabi na din,pagod na kayo from work huwag na kayong magpuyat,”ani Aimie sa mga kaibigan. “I can stay,para naman may magbantay sayo magdamag,”ani Yhna. “No,you don’t have to guys,I'll be fine,matutulog na lang naman ako,saka me iniwan namang 2 pulis jan sa labas for my protection,”tanggi naman ng dalaga. “Are you sure?paano kung may kailangan ka?ok lang naman I can stay,pwede naman ako mag halfday sa office bukas.”ani Yhna. “Naku hindi na,malakas naman ako,saka marami namang nurse,sige na iwan nyo na ako dito,”nakangiti pang pahayag ni Aimie sa mga kaibigan,totoo naman ang sinabi ng dalaga,wala naman ng masakit sa katawan niya,isa pa ay may mga obligasyon din ang mga kaibigan niya. Kinaumagahan ay maagang nagising si Aimie,ayon sa kanyang doktor ay wala naman siyang natamong malalang pinsala at maaari na siyang makauwi,pinayuhan lamang siya nito na magpahinga ng ilang araw dahil sa leeg na nakabrace pa at benda sa balikat dahil hindi pa din naghihilom ang sugat at posibleng bumuka muli ang tahi nito.Tinapos ni Aimie ang pagkain ng almusal na dinala ng nurse,hinihintay na lamang niya ang mga damit niyang pamalit na dadalhin ni Lane upang makauwi na siya. “Come in,”tugon ni Aimie ng may kumatok sa pinto,marahil ay si Lane na ito. “Hi sweetie,how are you,my God look at you,”nag aalalang bungad ni Jansen at agad itong lumapit sa kanya at sinipat ang brace niya sa leeg at benda sa balikat,nagulat naman ang dalaga dahil hindi naman niya inaasahan ang pagdating ni Jansen. “Anong ginagawa mo dito?paano mo nalamang andito ako?”nagtatakang tanong ng dalaga,bagamat sa sarili niya ay nakakaramdam naman siya ng kasiyahan sa pagdating ng binata. “I saw the news,actually sinilip na kita dito last night but I saw you sleeping so I just let you rest,”paliwanag naman ng binata,bakas ang pag aalala nito para sa dalaga. “You don’t have to,pauwi naman na ako,I'm just waiting for Lane,”matabang na tugon ng dalaga,pilit niyang itinatago ang emosyon,hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganun ang nararamdaman niya,parang gusto niyang yumakap at isandig ang sarili sa dibdib ng binata dahil pakiramdam niya doon siya makakatagpo ng kapanatagan. “Oh speaking of Lane,I saw her outside and she gave me this,”nakangiting tugon ng binata sabay taas ng hawak na bag,ngayun lang naman napansin ni Aimie ang bitbit na bag ng binata,dangan kasi at sa mukha agad nito siya nagtuon ng pansin,ang gwapo naman kasi talaga,s**t,bulong sa sarili ni Aimie. “Si Lane talaga inabala ka pa,you mean kanina ka pa sa labas?”nagtataka namang tanong ni Aimie kay Jansen. “Ahm,actually last night,lumabas lang ako to buy coffee and breakfast,”nakangiti namang tugon ng binata at napakamot pa ito sa batok. Napaisip naman ang dalaga,ibig sabihin nakabantay si Jansen sa kanya magdamag habang natutulog siya,napapangiti naman ang dalaga sa naiisip. “Thank you,”anang dalaga at inabot na ang bag na hawak ng binata,kailangan na niyang magshower ng makauwi na siya ng condo,ayaw din naman niyang magtagal sa ospital,pakiramdam niya ay lalo siyang magkakasakit. Hindi naman natanggihan ni Aimie ng ihatid siya ni Jansen hanggang sa kanyang bahay,isinakay siya sa kotse nito at kasunod naman nila ang sasakyan ng dalawang pulis na nakatalagang magbantay sa segurudad ng dalaga. “Sir salamat po sa inyong pagbabantay,maaari na po kayong bumalik sa presinto,ako na po ang bahala sa sarili ko,”ani Aimie sa dalawang pulis ng makarating na sa gusali ng tinutuluyang condo. “Naku attorney bilin ni chief huwag namin kayong iiwanan delikado pa daw po ang sitwasyon ninyo hanggat wala pang lead sa nga suspect na nanambang sa inyo,”pahayag ng isang pulis na medyo may katabaan. “Tama sila Aimie,delikado pa,let them stay habang hindi pa nahuhuli kung sino ang gumawa nun sayo,”ani Jamsen na nakaalalay sa braso ng dalaga. Napailing naman si Aimie na wala ng nagawa ng igiya siya ni Jansen papasok ng elevator at sumunod din sa kanila ang mga pulis.Pagkapasok sa unit ni Aimie ay ibinaba ni Jansen ang mga bitbit nitong gamit ni Aimie at inalalayan ang dalaga maupo sa sofa. “Pahinga ka muna sweetie,I will prepare lunch,”malambing na pahayag ni Jansen. Bago pa makatugon ang dalaga ay tumalima na papuntang kusina si Jansen,napapailing na lang si Aimie,kung wala lang brace ang keeg ko at benda sa balikat hindi ako makakapayag na ginagawa akong inutil ng mokong na ito,bulong sa isip ni Aimie “Come sweetie,lunch is ready,”nakangiting tawag ni Jansen,hindi agad napansin ni Aimie na nakabalik na ito,masyadong okupado ng malalim na pag iisip ang dalaga. “Not bad,actually this is good,”anang dalaga habang nginunguya ang pagkain. “My heart is melting,”nakangiti namang tugon ni Jansen habang nakatitig sa muka ng dalaga,gustong gusto talaga ni Jansen na pinagmamasdan ang muka ng dalaga,lalo na ķung nakangiti ito,sobra talaga siyang attracted dito,kahit mataray at sa totoo lang ay intimidating ang dalaga,kung sabagay sino ang hindi maiintimidate sa malakas na personalidad ng dalaga,ang totoo ay nabasa na niya ang mga articles tungkol dito sa ilang pahayagan at magazine,fierce,dragon lady kung ilarawan ito sa mga balita. “Yes?”,nakataas naman ang kilay na tanong ni Aimie ng mapansing titig na titig si Jansen sa kanya,awkward, “Oh,ah,Im sorry,hindi ko lang talaga mapigilan titigan ang mukha mo,you're so beautiful,”nakangiting tugon ni Jansen na hindi pa din inaalis ang pagkakatitig sa dalaga. “I'm full,I'll just take my meds then magpapahinga,you may go,baka nakakaabala na ako ng husto sayo,”ani Aimie at bigla itong tumayo upang kumuha ng gamot,kung bakit naman sumabit ang isa niyang paa sa paa ng kinauupuan ni Jansen,nawalan naman ng balanse ang dalaga at tuluyang bumagsak,subalit bago lumapat ang katawan niya ay agad naman siyang nasalo ni Jansen at imbis na sa sahig ay sa dibdib ng binata lumapat ang muka ng dalaga. Naramdaman ni Aimie ang matigas na dibdib ng binata at nalanghap ang pabango nito,napapikit na lamang ang dalaga. “Are you okey sweetie?nahihilo ka ba,”nagaalala namang tanong ni Jansen na napaakap sa dalaga kayat nalanghap niya ang mabangong amoy ng buhok nito,napatingala naman si Aimie ng magsalita ang binata,hindi agad ito nakasagot bagkos ay napatitig na lamang sa mukha nito at nagtama ang kanilang paningin. Hindi napigilan ni Jansen ang sarili ng mapadako ang tingin nito sa labi ni Aimie,dahandahan niya itong ginawaran ng magaang na halik na unti unti namang naging madiin,hindi na kayang pigilan ng binata ang sarili.Napakalambot ng labi ni Aimie,parang ulap,pati paa niya pakiramdam ni Jansen nakatapak sa ulap. Para naman biglang nagising ang dalaga at tila nagulat at biglang itinulak si Jansen. “What the…”pinutol naman agad ni Jansen ang sasabihin ng dalaga. “I'm sorry Aimie,I mean…Im not sorry because I like it,Im sorry for doing it to you,”anang binata na tangkang hahawakan muli ang balikat ng dalaga. “Get out of my house,”mababang tinig ngunit madiing pahayag ng dalaga na matalim ang tingin sa binata. Napasabunot naman ng madiin sa sariling buhok si Jansen,nagsisisi sa kanyang kapangahasan. “Look sweetie Im…”pinutol ni Aimie ang sasabihin ng binata at ikinumpas nito ang kamay sa direksyon ng pinto. “Please,”nakataas ang kilay na sabi ni Aimie sa binata,napilitan naman umalis si Jansen kahit mabigat ang mga paa nito,sising sisi ito sa kanyang nagawa Chapter9 Naiwang malungkot si Aimie,nakahiga ito sa sofa at nakatunghay sa kisame. Aimies POV Tama bang ipinagtabuyan ko si Jansen?Tama lang naman na hindi ko siya papasukin sa buhay ko,mahirap magtiwala at masaktan,pero sa isang bahagi ng utak ko ay nanghihinayang naman ako,ngayun ko lang naramdaman ang ganito,bakit kapag kasama ko siya pakiramdam ko ligtas ako,komportable,payapa…siya na ba ang tamang tao para sa akin?tanong ni Aimie sa sarili.Pero mukang huli na ang lahat ipinagtabuyan ko na sya,sino ba namang lalaki ang magtityaga sa tulad kong masyadong kumplikado ang buhay,hindi marunong magmahal. Tumayo si Aimie at pumunta sa mini bar para kumuha ng wine,tinungga ang alak pero hindi nasiyahan,gustong makalimot kesa malungkot,ibinalik nito ang bote ng wine at pinalitan ng rum. “Maglalasing na lang ako,para mamanhid at dina makaramdam ng sakit,bakit nga ba ako nasasaktan,huh,bakit ba ako manghihinayang sa relasyong hindi pa naman nabubuo,isa pa hindi ko naman mahal si Jansen,bulong sa sarili ni Aimie. “Helo Jane,pakidala na lang dito sa condo yung mga files na kailangan ko and pakitawagan yung talyer na pinagdalhan ng sasakyan ko,pakisabi madaliin na,that’s all thank you,”ani Aimie sa kabilang linya,mabigat ang katawan niya ng magising ng umagang iyon,marahil ay dahil sa alak na nainom niya ng nagdaang gabi,naubos ba naman ang isang bote.Tinanggal ni Aimie ang neckbrace at pumasok na ito sa banyo para magshower,para pagdating ng sekretarya niya ay pwede na siyang mag umpisang magtrabaho.Balak sana niyang pumasok na sa opisina ngunit pinili na lang muna niyang manatili sa bahay. “Good morning attorney,Bali yung client meeting mo this afternoon namove ko na po for tomorrow,then posponed naman yung hearing ng 10am today,bali next week na lang matutuloy,then ito po yung files ng Cordova case,at yung isa pang bago,”nakangiti namang pahayag ni Jane. “Okey thank you,anyway papasok nako bukas,siguro huwag ka na din muna bumalik sa office,pwede ka ng umuwi,”tugon naman ni Aimie sa masipag niyang sekretarya. “Talaga attorney,baka kailangan nyo ng tulong ko dito,”ani Jane na sinsero naman ang pag aalala. “It's okey,I'll be fine,medyo hirap pa lang ako igalaw shoulder ko,konting rest na lang naman to,”nakangiting tugon naman ni Aimie. “Alam ko na attorney,ipagpeprepare na lang kita ng lunch,ako bahala wag ka ng tumanggi,”masiglang tugon naman ni Jane na naglakad na papuntang kusina.Nakangiting napapailing naman si Aimie,sweet naman at mabait ang sekretarya nya kahit madalas nyang singhalin. “Thanks Jane,”ani Aimie na nakangiti,sinuklian naman ito ng kindat ni Jane. Natapos naman ang maghapon ko ng maayos,kaaalis lang ng sekretarya kong si Jane,kahit papaano ay naging masaya at productive naman ang aking maghapon,nakakatuwang isipin na sa kabila ng kasungitan ko ay mahal ako ng sekretarya ko. Pero katulad ng mga nagdaang araw,naiwan na naman akong mag isa,ewan ba kung bakit sumasagi na naman sa isip ko si Jansen,maghapong hindi nagparamdam,mukang tuluyan ng sumuko,kasalanan ko naman talaga,may bahagi ng puso kong hinahanap hanap ang pangungulit niya…may bahagi na nga ba siya sa puso ko? Hay nako Aimie,magtigil ka nga at kasalanan mo naman,nasa harapan mo na ang lalaking mahal mo ipinagtabuyan mo pa,bulong ng isang bahagi ng utak ko.Teka,mahal ko na nga ba sya? Napapailing na tanong ko sa sarili,inakap ko na lang ang unan sa tabi ko at madiing ipinikit ang mga mata. Chapter10 “Aims daanan kita sa condo?papasok ka na ba today?”tanong ni Lane sa kabilang linya. “No need nasa office nako,”tugon naman ni Aimie. “Nagtaxi ka?dipa naman ayos car mo,saka baka dika pa makapagdrive,sinong naghatid sayo?”tanong naman ni Lane. “Lane nadaplisan lang ako,dipa ako baldado,nagmotor ako,”napapailing naman na tugon ni Aimie sa kabilang linya. “God Aims,nagmotor ka na,may benda ka pa sa balikat at may brace leeg mo,masokista ka talaga,”bulyaw naman ni Lane. “Inalis ko na yung brace,naiinitan ako,saka Im feeling good,don’t worry okey nako,”napabuntong hininga namang tugon ni Aimie. “Hay nako matigas talaga ulo mo,”ani Lane. “Kaya ko na don’t worry,thanks anyway,”nakangiti ng tugon ni Aimie bagamat hindi naman siya nakikita ng kausap sa kabilang linya. “Hay nako,bahala ka na nga,basta mag iingat ka palagi ha,yung security mo huwag mong iniiwanan,”tugon naman ni Lane,nakikinikinita na ni Aimie na napapailing ito. “Nakakasunod naman sila,haha!cge bye,thanks again,”pagtatapos ni Aimie ng usapan at ibinalik muli sa bulsa ng coat ang cellphone. Natanaw ni Jansen ang paparating na motor,black ducatti big bike,napa wow ang binata na nakatanaw sa labas ng isang café.Nagulat ito ng magtanggal ng helmet ang sakay,babae pala,sexy ng dating nito sa formal suit na beige,nakatalikod ito kayat hindi pa niya nakikita ang mukha ngunit pamilyar sa kanya ang pigura nito,napanganga ang binata ng humarap ito at naglakad papasok ng café,si Aimie,kaya pala pamilyar. Hay,ang astig talaga ni Aimie sa loob loob ng binata,kaya lalo akong naiinlove sa kanya,sinubukan kong iwasan ang isipin siya pero hindi ko naman magawa. Pagpasok ni Aimie ay hinanap ng tingin niya kung nasaan banda ang kliyenteng kameeting,pormal itong naglakad palapit dito ng matanawan sa bandang kaliwa ng café,ngunit hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga ang isang binatang tila nakatulala sa kanya at bahagya pang nakabuka ang bibig nito,si Jansen,sa loob loob ni Aimie ano kayang ginagawa ng lalaking ito dito,hindi nagparamdam ng nakaraang araw tapos ngayon narito at nakatulala sa kanya.Nilagpasan ni Aimie ang binata na parang hindi kakilala,nilapitan ni Aimie ang kameeting niyang kliyente at hindi man lang tinapunan ng tingin si Jansen bagamat nararamdaman niyang nakatitig pa din ito sa kanya. Itinuon ni Aimie ang pansin sa kausap subalit sa isang sulok ng kanyang paningin ay tanaw nya na dumating na ang kausap ni Jansen,seksing babae at mukang sosyal,siguro may dinedate na ang mokong,sa isip ni Aimie.Hmp,paki ko ba,. Natapos ng maayos ang meeting ni Aimie kayat nagmadali na siyang lumabas ng café,wala na si Jansen sa table nito,diretso si Aimie sa nakaparadang motor,inaayos niya ang helmet ng magulat siya sa paglapit ng binata. “Hi sweetie,”nakangiting bati nito kay Aimie. Ang kapal talaga ng mukha ng mokong nato,matapos makipag date sa iba me gana pang makatawag ng sweetie,sweetie mo muka mo,sa isip ni Aimie at tuluyan ng isinuot ang helmet. “You look fine,hindi na ba masakit sugat mo?”nag aalala namang anang binata. “I have to go,bye,”tugon ni Aimie at papaandarin na sana nito ang motorsiklo subalit hinawakan ni Jansen ang manibela kaya napigilan ang dalaga. “Can we talk Aimie?”tanong nito “Abòut what?nagmamadali ako,my hearing pako,”anang dalaga at pinalis nito ang kamay ng binata saka pinaharutot papalayo ang motorsiklo,napapailing na lang na naiwan ang binata. Hindi kita susukuan Aimie,maghapon kitang sinubukang iwasan pero hindi ko kaya,gagawin ko ang lahat mapaamo ka lang Aimie,ikaw lang ang babaing nakikita kong makakasama ko habang buhay,bulong ni Jansen sa sarili. “Jane yung files ko para sa hearing mamaya?”bungad ni Aimie sa sekretarya niya ng makarating sa opisina. “Nasa table mo na attorney,pati yung data na pinasearch nyo kanina naka attached na din sa files,”tugon naman ni Jane. “Thank you,may one hour pa naman ako,wala munang istorbo ha,pag may dumating Im not available,”tugon naman ni Aimie,sumunod naman si Jane sa dalaga upang ipagtimpla ito ng kape,kabisado na nya ang boss nya,kailangan nito ng last minute preparation bago maghearing at bawal na bawal istorbohin. “Sige Jane,uwi ka na,”ani Aimie sa sekretarya nya,balak nyang tapusin muna ang mga files na kailangan niya kinabukasan bago umuwi,sanay na naman siya ng ganoon,pag uwi ay matutulog na lang. “Sige attorney,mauna na ako,”tugon naman ni Jane at lumabas na ito ng opisina,naiwan namang nakatulala ang dalaga,nakataas ang paa sa lamesa at pinaiikot ang ballpen sa mga daliri. Natapos na naman ang buong maghapon,kamusta kaya si Jansen,biglang sumagi sa isip ng dalaga. Bakit nga ba palaging sumasagi sa isip ko ang mokong na yun,ani Aimie sa sarili,pagod lang ito,lilipas din,concentrate Aimie… Isang linggo ang lumipas,regular ang pagpapadala ng bulaklak,pagkain at ibat ibang klaseng regalo mula kay Jansen ngunit hindi ito nagpapakita sa dalaga,nagtataka naman si Aimie dahil sa totoo lang ay nasasabik din naman siyang makita ito,bakit nga ba kahit hindi niya nakikita ay ginugulo pa din nito ang kanyang isipan,iyon naman ang gusto niya ang tigilan siya ng binata ngunit bakit parang may kulang sa kanya,kahit pilitin niyang ibuhos lahat ng atensyon sa trabaho.Sa ngayon ay nakakaramdam ng pagkapagal ng katawan ang dalaga,parang gusto na niyang sumuko sa pagkabagot sa araw araw niyang routine,maagang pumapasok sa opisina,meetings,hearings,uuwi ng hating gabi para matulog,kung minsan ay napakadamot pa ng antok sa kanya,hanggang kailan kaya siya tatagal.Kung tutuusin ay dati na naman ganoon ang kanyang buhay subalit mula ng dumating sa buhay niya si Jansen tila nagbago na ang lahat,bakit nga ba?hindi maaari ang ganito,litanya ni Aimie sa sarili habang nakasandal ang ulo sa swivel chair at nakataas ang dalawang paa sa lamesa. Hindi ako makapagconcentrate sa trabaho,this is not good,I need a break,I need to escape for a while,ani Aimie sa sarili na napapabuntong hininga.Tinawag ni Aimie ang sekretaryang si Jane,buo na ang pasya ng dalaga,kailangan muna niyang magpahinga pansamantala. “Yes attorney?may kailangan po kayo,”ani Jane na nakapasok na pala sa opisina. “Yes,cancel all my schedules for a week,”ani Aimie,nabigla naman si Jane,totoo ba ito,ayaw magtrabaho ng boss niya ng isang linggo,milagro!ani Jane sa sarili. “Sige po attorney,actually you only have a few meetings schedule for this week,hearings naman next week pa,”tugon naman ni Jane,bagamat nagtataka ay natutuwa naman ito,alam niya na kailangan talagang magpahinga ng amo,this past few days ay madalas itong matamlay at tulala,di kaya inlove na ang boss niya sa isip ni Jane. “Good,at kapag may naghanap sa akin,tell them Im out of town,thank you,”ani Aimie at naghanda na itong umuwi. “At anong plano mo Aims?nagbuburo ka pala dito sa bahay hindi mo man lang kami sinasabihan,kundi pa ako napadaan sa office mo hindi ko malalaman na nag out of town kuno ka,”nakapameywang pang litanya ni Lane sa kaibigan. “I just want to rest,ayaw mo ba yun nagpapahinga ako?”tugon naman ni Aimie na muling sumalampak sa sopa. “Really?nagpapahinga lang pero ni hindi matawagan,buti na lang kilala kita,alam kong nagmumukmok ka lang sa bahay,”ani Lane na sumalampak na din. “I just felt exhausted,gusto ko lang itry na walang ginagawa at iniisip for a while,actually naiinip na nga ako,hindi naman ako sanay,plano ko na nga magback to work,”tugon ni Aimie. “Exhausted?you?kilala kita Aims,yung totoo,alam kong something is wrong,”malumanay namang tugon ni Lane. “Wala ah,gusto ko lang talaga magpahinga for a while,”nakangiting tugon ni Aimie na hindi naman umabot sa mata. “Hirap mo talagang paaminin attorney Aimie Saavedra,tsk!”napapailing naman na tugon ni Lane sa kaibigan. “Wala naman akong aaminin,anyway si Yhna?”pagbabago ng usapan ni Aimie. “Actually magkikita talaga kami dito,at wala kang magagawa kundi magready,we are going out,”ani Lane sabay hila sa braso ni Aimie. “Oh no!ayokong lumabas,dito na lang tayo sa bahay,”tinatamad naman tugon ni Aimie habang hinihila ni Lane papasok ng kwarto,minsan talaga parang mga bata ang mga ito. “Hindi,ilang araw ka na bang nakapajamas,magbihis ka at lalabas tayo,”ani Lane na hinatak pang pababa ang pajama ni Aimie,muli naman niya itong hinatak pataas. “Anong kaguluhan to!”nakapameywang naman bungad ni Yhna na hindi nila napansing dumating na pala. “Yhns common,kaladkarin natin si attorney pajama at bihisan,ayaw na naman lumabas!”tugon naman ni Lane na ayaw bitawan si Aimie. Pinagtulungan ng dalawa si Aimie,subalit pagpasok sa banyo ay hinatak ni Aimie ang shower at binasa ang mga kaibigan,gumanti naman ang mga ito,para silang mga paslit na naglalaro,makalipas ang ilang sandali ay nakasalampak na sa tiles ang mga ito at sapo ang mga tiyan na naghahalakhakan. “My God ang saya nito,”ani Aimie na hinihingal pa din sa katatawa. “Yeah right,its been a long time since we saw you loughing to your nerves,”tugon naman ni Yhna na bakas pa din ang kasiyahan. “Paano naman kasi nakalimutan na niyang si Aimie ang salitang play,wala naman masama sa magpakasaya paminsan minsa,”litanya naman ni Lane. “At nagsermon na po sya,”tugon naman ni Aimie sabay tawa. Nagpasya ang magkakaibigan na sa bahay na lang ni Aimie magstay,nagluto si Aimie ng dinner at pagkatapos ay nanood sila ng movie sa sala habang nagiinuman. “Akala mo ba Aimie nakaligtas ka na,alam namin na may ibang dahilan why you suddenly took a break,come on speak up,”seryosong sabi ni Lane na tiningnan ng diretso si Aimie. “Wala,pagod lang talaga,”malungkot na tugon naman ni Aimie. “Aims,kinder pa lang tayo magkakasama na,kilala ka namin mula ulo hanggang paa,pati dulo ng buhok mo!”ani Yhna. Hindi naman nakaimik si Aimie,humilig na lang ito sa balikat ni Lane at hindi na napigilang mapaluha. “Ang lungkot ko,hindi ko alam kung bakit,”tugon naman ni Aimie. “Malungkot o broken?”tanong naman ni Yhna. “Broken?lasing na ata tayo guys,”natatawa naman tugon ni Aimie. “Hindi nababaliw ka na Aimie,tingnan mo nga iiyak tatawa ka,”tugon naman ni Lane,nakasalampak ang tatlo sa sahig at nakasandal sa sopa. “Matagal na tayong mga baliw diba?bakit ngaun ako na lang?”nakapameywang naman na baling ni Aimie. “Because you're madly inlove at ayaw mong aminin,indenial ka pa kaya mas malala ang kabaliwan mo,”tugon naman ni Lane. “Huh!ako inlove?kanino?ipakilala nyo saken at pakakasalan ko na,”tugon ni Aimie sabay tawa ngunit hindi naman mababanaagan ng saya. “We know you like Jansen pero pinipigilan mo lang,”seryosong tugon ni Yhna. “Whaaaat???saan galing yon?”kuwari naman nagtatakang tanong ni Aimie. “Ay nako Aims,huwag mo ng labanan,look at you?hindi naman ikaw yan,ni hindi ka nga makaconcentrate sa trabaho kaya ka nagbreak diba?”mataray na sagot ni Lane. “Seryoso kami Aimie ha,its about time na bigyan mo ng chance ang sarili mo at si Jansen,huwag mong sayangin,mahal ka nung tao,”malungkot na pahayag ni Yhna. “Too late,naitaboy ko na sya,hindi ko na kasalanan kung sumuko na sya,”ani Aimie na nagyuko ng ulo. “I don’t think so,”nakangiti namang tugon ni Yhna. “Anong ibig mong sabihin?”nagtataka namang tanong ni Aimie. “Ay nako Aimie,ang alam ko matalino ka,me kabobohan ka ding taglay eh,”mataray na tugon ni Lane sabay batok kay Aimie. “Aray ko naman,makabobo may batok pa,ididimanda kita,”biro ni Aimie. “Sarap mo talagang kutusan eh no!”ani Yhna. “Kung talagang suko na yung tao anong ibig sabihin ng flowers everyday at gifts na nakatambak sa office mo,at dun sa lobby sa baba,sabi nga ng receptionist eh bilin mo daw kasi irecieve na lang nila lahat ng deliveries mo dahil nag out of town ka,”mahabang litanya ni Lane. Napangiti naman si Aimie,may naramdaman siyang kilig na pilit itinatago sa mga kaibigan. “Ang duwag niya,”seryosong wika ni Aimie. “Actualky ang tapang nya nga,imagine ilang ulit mo ng ipinagtabuyan at pinagbantaan pero hindi pa din tumitigil ng panunuyo,”ani Yhna. “Talaga ba?bakit hindi siya nagpapakita sa akin,”ani Aimie. “Ang totoo Aims pinuntahan ako ni Jansen kahapon,nag usap kame,”seryosong sabi ni Lane. “He is giving you the space you want,alam mo bang siya ang nagsabi na nandito ka lang sa bahay,nag aalala nga siya sayo kaya lang ayaw niyang istorbohin ka,”patuloy ni Lane. “Wow ,stalker,”nakangiting nakakaloko si Aimie. “Dito na nga ata nakatira yun sa labas ng building,alam mo bang binabantayan ka niya,hirap na hirap na nga yung tao sa pagpipigil na pasukin ka dito,baka daw may sakit ka o kung ano na nangyayari sayo dito sa loob ng bahay,tatlong araw ka na daw hindi man lang lumalabas ng lungga mo,”mahabang litanya ni Yhna. “Hay nako,bahala nga siya,napaka duwag niya,nag aalala pero nakakatiis na hindi man lang ako silipin dito,”nakamangot namang tugon ni Aimie. “Hindi na nga makatiis yung tao kaya pinilit na kaming puntahan ka,kahit sinabi ko na kilala ka namin at pag sinabi mong you need a break eh hindi ka talaga nagpapaistorbo,”mataray na tugon ni Lane. “So utang na loob ko pa pala sa kanya na andito kayo ngayon,sino ba kaibigan nyo?siya o ako?”ani Aimie. “Kunsintidor lang talaga kame,anyways Aimie,seryoso,give the man a chance,”ani Lane. “Ou nga Aims,alam naman namin na mahal mo siya,at nakilala naman natin siya,he is a good man,”ani Yhna. “Woah,nagkakaseryosohan na tayo dito ah,kampay!”tugon naman ni Aimie sabay taas ng baso,napapailing naman ang dalawang kaibigan,sobrang tigas talaga ni Aimie,ayaw pang aminin sa sarilina inlove na ito kay Jansen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD