PIGHATI
“Bakit ninyo ginawa ito sa akin, Tita Miranda?” sigaw ko habang lumuluha.
“Huwag mo akong tawaging Tita!” mariing sigaw niya. “Ampon ka lang ng kapatid kong si Emelia Gages. Ang kapal ng mukha mong angkinin ang lahat ng ari-arian ng pamilyang Gages!”
“Tita, maawa po kayo. Wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Mommy Emelia. Alam kong ampon lang ako, pero itinuring niya akong tunay na anak. Hindi ko siya kayang patayin!” umiiyak kong paliwanag.
Napangisi si Miranda.
“Hindi mo ako madadala sa drama mo, Caramel.”
Ngunit may malamig na boses na nagsalita mula sa pinto ng malaking bahay na ito.
“And who are you?”
Napalingon ako. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo roon. Matalim ang titig niya at para bang kaya niya akong patayin anumang oras.
“Kuya Nathan, mabuti at dumating ka na,” sabi ni Tita Miranda. Lumapit ang lalaki at mariing tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Ikaw ba si Caramel? Ang ampon ni Ate Emelia at pumatay sa kanya?!” Nanigas ako sa akusa nito.
“Uncle Nathan, hindi ko siya pinatay, maniwala ka sa akin.” Halos lumuhod ako sa harap ng lalaki.
“Isa ka lang hampas-lupa at ayokong maging bahagi ka ng pamilyang Gages.”
“Sino ka para husgahan ako, huh? Saka Wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Mommy Emelia ! Hindi ko rin kailangan ang mana niya. Hindi niya ako tunay na anak pero minahal ko siya nang sobra-sobra!” Galit na sigaw ko. Ngunit nanatiling malamig ang tingin sa akin ng lalaki. Hanggang sa hawakan nito ang aking panga. Kaya ramdam ko ang sakit.
“Kuya Nathan, huwag kang maniwala sa babaeng mamamatay na ‘yan. Siya rin ang nagnakaw ng mga alahas ni Ate Emelia. Sinungaling ang babaeng iyan!” Malakas na sigaw ni Tita Miranda.
Lumapit si Nathan at bumulong sa akin.
“Napulot ka lang ng kapatid ko sa lansangan. Hindi kita kailanman tatanggapin bilang pamilya o pamangkin ko. Ikaw ang pumatay sa kapatid ko at sisiguraduhin kong pagdurusahan mo iyon. Lahat gagawin ko para sirain ang buhay mo. Tandaan mo ‘yan, Caramel.”
Pagkasabi niya noon ay tumalikod siya. Ngumisi sa akin si Tita Miranda.
“Wala kang kawala kay kuya Nathan. Ngayon pa lang ay matakot ka na Caramel. Dahil demonyo si Kuya Nathan kapag nagagalit. At wala kang matatakbuhan.”
Nanginginig ako sa takot ng naiwan nito rito sa living room. Akala ko si Tita Miranda lang ang kapatid ni Mommy Emilia. May isa pa pala at mas nakakatakot. Dahil sa takot ay tuloy-tuloy akong bumagsak sa sahig.
“Caramel!”
Napamulat ako sa malalim na boses na iyon na tumawag sa akin. Malamig na tubig din ang biglang ibinuhos sa buo kong katawan.
“Aah!”
Agad akong napabangon. Nasa loob ako ng kulungan. Dito nila ako dinala. Basta na lang akong pinakulong ng walang pag- iimbestiga. At sa harapan ko ay nakatayo si Uncle Nathan.
“Mabuti’t gising ka na. Masarap ba ang malamig na tubig, Caramel?” Malamig nitong tanong sa akin.
“Uncle Nathan, wala akong kasalanan! Mahal ko si Mommy Emilia. Tinuring ko siyang tunay kong ina!”
“Really?”
May inilabas siyang isang sulat. Nanginig ako nang makita ang pangalan ko at ang pirma ko roon. Talagang sulat kamay ko.
Nakasulat doon ang plano ng pagpatay kay Mommy Emilia.
“Hindi ako ang gumawa niyan!”
Doon ko napagtanto ang lahat. May nagplano nito para madiin ako upang mapaalis ako sa mansyon at maagaw ang kumpanya ni Mommy Emilia na sa akin pinamana.
“Umamin ka na Caramel! Magpapalusot ka ba, huh? Pinakain ka niya, binihisan at minahal ngunit ang isinukli mo lang ay patayin siya!”
Hindi ko napigilan ang pagluha.
“Hindi po ako ang pumatay, inosente ako, Uncle Nathan.”
Lumapit siya at marahas na hinawakan ang baba ko.
“Hindi kita mapapatawad, Caramel. Kahit saan ka magtago ay hahanapin kita. Sisiguraduhin kong magdurusa ka hanggang sa mamatay ka!” Agad na tumalikod ang lalaki. Ako naman ay tuluyang napahagulhol ng iyak.
Kinabukasan.
“Miss Caramel Gazum, laya ka na,” sabi ng pulis.
Napabuntong-hininga ako.
“Maraming salamat po, Sir.”
“ Kay Mr. Nathan Gages ka magpasalamat dahil siya ang nagpalaya sa ‘yo.”
Parang tumigil ang mundo ko.
“Si Uncle Nathan?”
Bago pa ako makapag-isip, dalawang guwardiya ang humawak sa aking mga braso ng mahigpit.
“Bitawan ninyo ako! Ano’ng gagawin ninyo?!” Ngunit nakita ko ang bulto ni Nathan na ngayon ay papalapit sa akin.
“Akala mo ba papayag akong makalaya ka nang tuluyan? Pinalaya kita dahil kailangan ko ng alipin sa bahay ko.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Hindi lang alipin. Lahat ng gawaing bahay, ikaw ang gagawa. Sa silid ng mga katulong ka matutulog. Doon ka magsisimulang magbayad sa kasalanang ginawa mo.”
“Hayop ka! Wala akong kasalanan!”
Lumapit siya at mariing hinawakan ang mukha ko.
“Hindi sapat ang habang-buhay na pagdurusa para sa pagkawala ng kapatid ko. Gagawin kitang alila Caramel.” Binitiwan niya ako at tumalikod.
Ito na ba ang impiyerno? Ngunit wala akong kasalanan.