Chapter 26: My First Mission
"I know you're up to something, and I'm watching you, my Queen. " Mahina at madiin nitong saad sa akin kaya mariin ko rin siyang tiningnan.
"What if..." bumitaw ako sa tinginan namin at humilig sa upuan saka tumingin sa itaas sabay umaktong nag-iisip."....I am up to something? What do you think it is?" Ganyan nga mag-isip ka. Mag-isip kang mabuti, the more I clean my name, the more maghihinala siya.
"You tell me what it is. "Hindi pa rin ako nilulubayan ng tingin.
"Maybe it's fame, power, or rebellion. What do you think?" Hindi ito nagsalita, tahimik itong nakatingin sa akin. Tinitimbang kong anong gusto kong iparating." Can't you see? I leaving the life, fame, I have my band. Power? I am your queen. Rebellion, why would I do that? Bakit ko pagtataksilan ang mga kauri ko, bakit ko sisirain ang lugar kung saan ako nabibilang. Bakit ninyo ako pinagdududahan? May hindi ba ako nalalaman? May threat ba kayong natatanggap? May kaaway ba kayo?"
"You better not."
Biglang pabagsak na bumukas ang pinto at pumasok si Hell. Salubong ang kilay nitong naglakad papalapit.
"Narinig kong may meeting at hindi ko alam. Bakit hindi mo ako sinabihan?" Nagpipigil na inis na tanong ni Hell. Napatingin ako kay Zid na seryoso lamang nakatingin kay Hell. I think kailangan nila mag-usap.
"I should go, goodbye my King." Tumayo ako at naglakad na paalis ngunit biglang humarang si Hell sa daan ko.
"Nothing's actually yours. He's my King." Madiin nitong bulong sa akin kaya mapang-asar akong ngumiti.
"He was your King, now he's mine." Tinulak ko siya palayo at bumalik kay Zid. Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at saka naglakad paalis. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang inis ni Hell. Just die b***h.
Agad akong dumiretso sa bahay ni ate Gina para maghanda ng mga gamit ko. Ngayon daw kami agad aalis. Nagdala lamang ako ng kaunting damit dahil tingin ko hindi naman kami magtatagal. Bago lumabas ng kwarto ay namesake ako kay Headmaster Maddox .
'I'LL BE GOING OUT FOR A MISSION." Hindi na ako naghintay ng reply at sinilid ito sa bra ko. Hindi pwedeng maiwala ko ito.
Pagbaba ko at naabutan ko si Ate Gina sa baba. Nakatingin ito sa dala kong bag.
"May mission kami sa labas, ate." Saad ko bago paman ito makapagtanong.
"Akala ko ay babalik ka na sa totoo mong kwarto. Mag-iingat ka." Nagbeso kami saka ako umalis. Sa labas ay nakita ko na si Jed naghihintay sa akin.
"Si Zid? "
"Naghihintay na siya exit." Sagot nito, pansin kong nakabackpack lang din ito ng maliit. Sumunod ako sa kanya pabalik sa 10th floor which is our Cabins. Bumalik kami sa conference room at nandoon nga si Zid nakaupo sa upuan niya.
Agad naman itong tumayo noong makita kami, dumiretso si Jed sa isang pader at sa isang maliit na square sa pader na umilaw noong may pinindot siya doon. Nilapat niya ang hinlalaki niya at nagscan ito.
May bumukas ang mukang elevator at sa loob nito ay mga upuan na nasa loob ng tube glass.
"Never let any colleague see you, mga kakilala o pamilya." Babala ni Zid sa akin bago pumasok sa loob at umupu sa upuan. Ganoon din ang ginawa ni Jed kaya sumunod na rin ako. Bago sumara ang glass tube ay sinabi ni Zid. "Close your eyes. "
Sa kasamaang palad ay hindi ako nakinig, mabilis itong tumaas at may paikot na daan, halos masuka ako sa bilis nito. Mariin akong napapikit at pinipigilan ang sarili kong masuka. Hayop, bakit may roller coaster sa ilalim ng lupa.
Noong naramdaman kong tumigil ito dinilat ko ang mata ko ngunit wala akong makita. Sobrang dilim, tumayo ako at kinapa ang nasa harapan ngunit bumukas ito kaya dumiretso ang muka ko sa sahig. Putek! Nayayamot akong tumayo, saka ko nakita na Nass isang hotel room ako at galing ako doon sa malaking kabinet. Pabagsak kong sinarado ang kabinet at umupo sa Queen Size na kama.
"Hayop na Zid, hindi man lang sinabi na ganito pala dadatnan ko."
"I can hear you." Saka ko naalala ang hikaw ko na binigay niya pala kanina.
"Good to know. Putek na sahig."
"Fix yourself and meet us at the lobby." Binaba ko ang bag ko at nagdive sa kama. I miss comfy bed. "At exact 10 am." Pahabol nito at hindi na ako sumagot. Ilang minuto ay nagbihis ako ng damit saka nag ayos ng kaunti. Iniba ko ang make up ko para walang makakilala sa akin. Pinalitan ko rin ang style ko sa damit.
I wore a huge hoody and a denim short. Hindi na ako nagtali ng buhok. Lumabas ako sa room, only to realize that this hotel is mine. This is one of my father's properties and now it's mine. Now I can clearly see the relationship between Perusal Society and Amadeus Corporation.
Agad akong napatalikod noong makita ko si Gavin with a gorgeous whole. Naiiling na lamang ako sa mga ginagawa nito. Nakita kong papunta ang manager sa storage room kaya pa simple akong sumunod.
"Miss Jean?"
"Ahhhh!" Sigaw nito noong makita ako. "Ma'am, hoooo diyos ko. Ma'am wala akong ginagawang masama, pangako magtitirik ako ng kandila sa puntod ninyo mamaya, wag kayo magbiro ng ganyan."
"Calm down Jean." Anong puntod?
"May bilin ba kayo sa akin Ma'am, yayaman na ba ako? Mananalo na kaya ako sa loto?" Nagpapanick pa rin ito.
"Jean I'm alive." Sigurado akong walang naririnig si Zid ngayon dahil binalot ng wax ang device nagamit namin. Akmang hahawakan ko siya ngunit agad itong umatras.
"Maaaaaam! Wag po! May dalawa akong anak!"
"JEAN! buhay ako." Dahan dahan niya akong kinapa sa braso. Sinama na niya pati muka at katawan.
"Ma'am, ikaw nga. Buhay ka talaga? Baka patay na rin ako." Nagsisimula ng maubos ang pasensya ko sa kanya.
"Whatever! Tell Gavin to cancel his business, paalisin niya ang babae niya sa kwarto dahil papasok ako doon. ASAP!"Sunod-sunod itong tumango."Kailangan ko ng Susi."
"Hindi ba kayo tatagos sa pader?"
"Do you want me to slap you?"
"Hindi po Ma'am, kukunin ko lang po ang susi sa front desk." Kinakabahan niyang saad at mabilis na tinungo ang pinto para umalis.
"Wag ipapaalam sa iba na nakita mo ako." Bilin ko bago siya umalis kaya naupo muna ako sa maalikabok na lumang sofa. Ilang minuto ay bumalik siya dala ang susi, ngayon tingin ko nakainom na ito ng tubig.
"Ito na po Ma'am. " Kinuha ko agad ang susi.
"Meet me here at 12 am. Mag-ovet time ka for tonight, don't worry I'll double your OT payment."