Chapter 10: Claiming what's mine
Hindi na nakasagot ang doktor. I was about to grab him and force him to talk. "Vale! " tawag ni Aling Gina. Agad akong napalingon sa kaniya.
"Ang dad mo! " Natataranta nitong saad kaya tumakbo ako agad papunta sa kaniya. Nakita ko si dad sumusuka ng dugo. Lumapit ako sa kaniya at tumingin sa doktor para humingi ng tulong.
"Palabasin lahat." Ani ng doktor at pinaalis ang lahat ng nasa loob. Tuloy pa rin ang pagsuka ng dugo ni dad.
"Daddy, " nag-aalala kong bulong sa kaniya.
"Miss Amadeus kailangan nyo pong umalis." Sabi ng nurse habang inaagapan ng doktor ang nangyayari kay dad. Kahit labag sa loob ko, binitawan ko si dad para lumabas.
"Hindi...di..dito lang siya." Pigil ni dad sa akin.
"Lumapit ka anak." Sinunod ko naman ang utos nito.
"Tumingin ka sa mata ko." Hindi ko na halos marinig ang sinasabi niya dahil sa hina nito. Ginawa ko ang sabi niya kahit nahihirapan ako dahil nanlalabo ang mata ko sa dami ng luhang kumakawala dito
"Gusto kong makita mo lahat." Bulong nito habang nangingilid ang luha ko sa nankita ko sa mga mata niya. I saw it, I saw it all.
"Ayos lang ako, hayaan mo na ako, masaya akong aalis sa mundong ito malaman mo lang ang totoo." Pumipiyok na sabi ni dad dahil sa hirap. "Wag mong hayaan na gamitin ka ng kahit sino, anak kita. Hindi ka pwedeng apakan ng kahit sino. Mahal na mahal kita anak ko. Lagi kang mag-iingat. " Mahina niyang sabi, hindi ko matanggap na namama alam na siya. Malakas akong umiiyak habang yakap ko ang kamay niya.
"No, dad wag mo kong iwan, please." Nanginginig ang boses ko dahil sa matinding iyak.
"Malakas, at matalino ka, you don't need me anymore." Iyan ang huli niyang sinabi bago niya pinikit ang mata niya.
"Dad! Dad wag ganyan. Daddy! " Habang pilit ko siyang ginigising ulit.
"Time of death 10: 48 am." Rinig kong sabi ng doktor. Kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.
"Liar! Get out! I don't need you hear! Your useless, you cannot save my dad. What kind of doctor are you!?" I furiously yell. I feel nothing but pain, pain and pain. Daghan dahang lumandas ang malalaking butil ng luha sa muka. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. The only person who really now me, just left.
Hindi ko matanggap. Ayoko, ayokong paniwalaan na patay na si dad. Hindi ko kaya. Hindi please bring him back, I need him. Umalis silang lahat sa kwarto at hinayaan muna ako mag-isa. Napasigaw na lang ako sa sakit, hindi ko kaya
"Ate," mahinang tawag ni Alzia sa may pinto.
"I want to be alone for awhile."
"I know." Pumasok parin siya at lumapit sa akin.
"But you need a friend too." Saad niya at malamig ko siyang binalingan ng tingin.
"I don't," I immediately disagreed.
"Yes you do. Iyan din ang akala ko noong kinuha nila si dad. I know how it feels, I understand." Sabi ni Alzia at hinawakan ang kamay ko.
"No, you don't. Your father is alive, you can be with him anytime soon. While mine just died." Malamig kong sabi habang nakahawak lang sa kamay ni dad.
"Yes, I do. Can't you see? He can't be with me while I need him and I can be with him only if older, when I don't need him anymore. While you, he was with you when you needed him, and now you can stand on your own you don't need him, you just want him to be with you. Don't be selfish, you're father deserve's a break." Napalunok na lang ako sa sinabi niya, who would imagine it came from her little mouth and young mind. But it's true.
"Anong gusto mong gawin ko, matawa na wala na ang tatay ko, na hindi na ako dapat malungkot? "
"Vale your better than that, you know what I mean, stop it." Mahinahon niyang saad.
"Sobrang sakit kasi, hindi ko alam ang gagawin ko." Kumawala ulit ang luhang hindi ko maawat. Niyakap niya ako habang tuloy tuloy parin ang iyak ko.
Nakatayo ako rito sa harap ng lapida ni dad habang nag-uunahan ang tubig mga luha ko pababa. Ibibigay ko ang hustisiya na nararapat para sayo dad. Hindi ko hahayaan mabuhay sila ng tahimik habang sinira ang akin.Inilibing agad si dad, dahil wala namang gustong dumalaw sa kaniya. Wala kahit isa sa kamag-anak namin. Kahit kakilala man lang, lahat sila galit kay dad
My dad is known to be a dirty politician, never play fare, Ceo of a large company na naiwan sa pangangalaga ko. Binigay nila agad sakin ang companya kahit under age pa ako, dahil akala nila babagsak ang companya sa pangangalaga ko, at yon ang gusto ng lahat na gumapang ako sa hirap dahil sa kagagawan ni Dad. Gagawin nila lahat para mapahirapan ako, titirisin nila ako ng paulit ulit para makaganti sa dad ko. Pero nakakamali sila. Hindi ko napansin na tumabi pala sakin si Alzia.
"Hindi kita iiwan, dito lang ako sa tabi mo ate Vale. Kahit hindi ko nakikita ang mga intentions nila alam kong wala silang magandang gagawin. They maybe older but we can do something they don't." Saad ni Zia, I'm so proud of this little b***h.
"Alam ko, lahat sila may secretong pagnanasa sa kompaniya. Balak nilang kunin lahat ng pag-aari ko."
"Anong plano?"
"Hindi, sasama ka sakin, delikado ka dito." Tutul ko sa kanya. Hindi siya pwedeng madamay dito.
"Ate-"
"Gusto mong sampalin kita, ang lakas ng talaga ng loob mo, hindi mo nga memorys ang multiplication table." Napapangiti na lang ako sa tindi niya mag-isip kala mo mas matanda sakin.
"Ate Vale naman eh." Maktol niya at naglakad na kami papunta sa sasakyan. One week lang ang binigay sakin ng school bago ako bumalik doon.
"Sa company po." Utos ko sa driver.
"Anong gagawin mo doon ma'am? " Tanong niya, nag-aalala siya sakin siyang ang pinagkakatiwalaang driver ni dad.
"May kailangan lang akong gawin manong hindi ako magtatagal." Pagdating namin sa kompaniya ay binati ako agad ng mga empleyado. Lahat sila may pekeng muka na nalulungkot sa pagkawala ni dad.
"Miss Faller," tawag ko sa secretary ni dad. Dumiretso ako sa office ni dad na akin na ngayon, kung talagang may malasakit sila sakin hindi nila ipapangalan sakin ang buong kompaniya dahil underage ako pero hindi, binigay nila agad kahit labag sa batas. Pero wala akong magagawa don, sa panahon ngayon wala akong kakampi.
"Miss Amadeus," sabi niya pagkaupo ko sa swivel chair.
"Arrange an orientation."
"For what Miss?" Tanong niya na walang bahid na takot, walang bahid na paggalang.
"Dahil ako ang bagong CEO I guess." Malamig kong sabi habang kumakain lang si Alzia ng chocolate.
"Sa tingin mo naman magtatagal ka? Nagsasatang ka lang ng oras imbes na magtrabaho sila, papalitan ka rin naman agad." Walang kahirap hirap nilabas niya ang baho niya.
"Do it or pagpepyestahal ka sa social media."