Healing Process

1484 Words

Chapter 72: Healing Process Ang huling pagharap ko ng salamin ay hindi ko kontrol ang sarili ko, marami akong nagawa na matindi kong pinagsisihan. Ngayon nakatayo ulit ako rito, nakaayos ulit, nakatali ang buhok ko ngayon suot ang simpleng damit, denim pants at jacket dahil ngayon ang alis ko. Tila ayaw kong humakbang, gusto ko pang maghintay ng kaunti, baka bumisita si Kade. Bago man lang ako umalis sana makita ko ito. "Vale?" Mabilis akong lumingon sa pinto, "tara na?" tumango ako. Bumagsak ang tingin ko sa sahig dahil aalis na ako at hindi ko nakitang Kade kahit anino man lang. "May gusto ka bang dalhin?" tanong ni Gavin. "Wala naman?" "Masama pakiramdam mo?" Maagap akong umiling. "Si Z..Zia?" "Ayon, mainit ulo." Habang papalapit ako sa gate mas gusto kong bagalan ang lakad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD