Chapter 67: His Work Place Hinatid ako ni Gavin sa bahay matapos, nawala ang takot ko at maayos akong naglalakad sa sementeryo kanina. Pagdating namin sa bahay ay nakaabang si Kade sa labas, salubong ang kilay at nakikibit balikat. "Patay kang bata ka." Pananakot ni Gavin sa akin. Siniko ko lamang ito at inirapan. Bumaba ako habang nagbaba lamang ito ng windshield. "Una na ako boss," sigaw niya sa akin kaya tumango ako at kumaway. "Saan kayo galing?" Ngumiti ako at sinukbit ang kamay sa balikat niya. "Sa sementeryo." Pumasok kami sa bahay habang hindi ma ipinta ang muka nito. "Binisita namin ang puntod ng dad at lolo ko." "Sa sementeryo habang gabi at nasaan ang cellphone mo?" "Iwan ko doon, takot na takot nga akong dumaan pero nawala rin ang takot ko. Maganda naman ang mga ilaw do

