Chapter 65: First Step To The Truth Nilalanghap ang aroma ng kape habang nakatingin sa labas. Hinihintay ang pagdating ni Kade. Ngayon ko lamang napansin, sa kanya lang pala halos nakaikot ang mundo ko dahil siya alam ang dumadalaw sa akin sa hospital. Hindi sa nagdadamdam ako sa mga iba kung kakilala noon na hindi ko na kilala ngayon. Ako mismo ang ayaw makita sila. Dahil nasasaktan akong makita ang dismaya nilang muka. Minsan ay sumasakit ang ulo ko kapag maraming pamilyar na muka akong nakikita. Para akong bata na naghihintay na makauwi ang ama. Bukod sa wala akong magawa, marami akong tanong. Kailan ba ako na walan ng tanong? Lagi naman. Sa nagdaang mga taon, nakuntento ako na si Kade lang. Ngayon panahon na para basahin ang pagpapanggap at harapin ang dapat. Titigilan ko na an

