PAGDATING nila Karen, Demi at Sabrina sa bahay nila, naroon na rin sina Davin, Dave at Derrick. Mukhang okay naman si Derrick, tinawag niya ang kambal. “Tinatawagan ka pala Trixie kagabi at kaninang umaga at hindi mo sinagot?” tanong ni Demi. Tumango lang ang kakambal. “Oh bakit parang masama ang loob mo, may gusto ka ba talaga doon?” Umiling lang si Derrick. “Wala, sinusubukan ko lang manligaw kung sasagutin ako, may iba akong gusto.” Turan ni Derrick. “Wala ka palang gusto, bakit nilalandi mo, alam mo naman may gusto sayo yon, siyempre sasagutin ka non, ito sinasabi ko sa yo para hindi ka magkamali ng babaeng liligawan mo, sigurado naman na sasagutin ka non kasi may gusto sayo, kaya lang since hindi mo siya ganon ka gusto hindi mo siya masyadong pag tutuunan ng attention kasi ang pur

