PAGDATING ni David, hinanap niya ang mga anak dahil ang mga girls lang niya ang nadatnan niya na kasama ang asawa. Kaya sinabi agad ni Karen ang mga kapilyuhan ng mga kapatid na lalaki. Naki usap si Karen sa daddy nila na kausapin at pag sabihan ang mga kapatid na lalaki. Umayon naman si David, kaya hinintay nila ang tatlong lalaki. Pagdating ng mga ito, narinig nilang nag tutuksuhan pa at nag tatawanan. Pag pasok nila sa kusina, nadatnan nila ang mommy, daddy nila kasama si Demi, Karen at Sabrina na kumakain. Bigla silang natahimik at lumapit sa mga magulang para humalik. Umupo na sila sa kani-kanilang upuan para kumain. Hindi kumikibo ang mga magulang nila. “Bakit ngayon lang kayo, kanina pa uwian niyo ah” Tanong ni Karen “Sinundo pa namin si Derrick, naghintay pa kasi kami” si Devin

