LUMIPAS ang araw at buwan ngayon ay nasa 20 weeks na ang tiyan ni Jenna at excited silang malaman ang gender nito dahil kakaiba ang laki ng tiyan ni Jenna. Kaya ingat na ingat sila laging naka alalay si David, pina tigil muna siyang pumasok sa office niya at nag set up na lang ng office sa bahay nila para maiwasan na mag biyahe at baka kung mapaano pa siya. Pumayag naman si Jenna. Hindi pa nila alam kung isa o dalawa ang batang nasa sinapupunan niya. Tuwing nagpapa check up sila, hindi nila inalam dahil gusto nila yong sigurado na kung ano ang gender kaya hinintay nila ang araw na puwede na malaman ang gender at the same malaman kung ilan ang baby sa tummy niya. Nakagayak na ang mga anak nila at ready to go na. Excited ang lahat lalo na si Karen. Sabi niya sa daddy niya pag girl daw siya

