Chapter14

1392 Words
Isang fine dining restaurant ang naisipan ni David na puntahan nila, pag dating doon they decided to order at habang nag hihintay ng order nila, nag umpisa na silang mag-usap. “kamusta kana? Nahirapan ka bang pinag buntis mo ang triplets?” “hindi naman nandiyan naman sina ate at mommy.” “about what happen years ago, sana kalimutan na natin, I just want us to move on, and I wanted to build a family with you. I still love you Jenna. Wala naman nagbago.” Natahimik si Jenna sa tinuran ni David. “Wala naman problema sa akin kung gusto mo makasama ang mga bata, its your right as a father. About us, hindi ko pa masasagot ang gusto mo. Bigyan mo pa ako ng time. Hindi madaling mag tiwala ulit at mabigo. Sana maintindihan mo.” isang buntong hininga lang ang sinagot ni David. “ok, pero hindi pa rin ako susuko. Sana bigyan mo ako ng chance to make it up to you.” Pag katapos nilang kumain, at akmang tatayo na sila para lumabas. “D-David, is that you? Kamusta ka na?” biglang napahinto si Jenna, kilalang-kilala niya ang boses ng bumati kay David, ito lamang ang babaeng sumira sa kanila si Angela. “Im find, I’m with my fiancée. Si Jenna pala.” Gusto sana ni Jenna sawayin si David pero hindi na lang siya kumibo. Tiningnan lang siya ni Angela mula ulo hanggang paa, na tinaasan naman ng kilay ni Jenna. “Let’s go.” Ang sunod na sinabi ni David sabay akay kay Jenna palabas ng restaurant. Habang nasa biyahe, wala silang kibong dalawa, si David na ang nag bukas ng topic. “ahmm… huwag mo sana bigyan ng kahulugan yong pagkikita natin kay Angela kanina, honestly, mula ng huli naming pagkikita at tanungin siya sa mga sinabi niya sa inyo ni Kathy, hindi na kami nagkita muli, kanina lang, I even cut my communications with her and her family.” “Its okay, its your life I don’t have anything to do with it or meddle with your affairs. Hindi na kumibo si Jenna, hanggang makarating sila sa bahay. Tulog na ang mga bata, as usual nasa kuwarto niya natulog ang mga ito, kaya dating puwesto, pina gitnaan nila ang mga anak nila. HIrap man makatulog pilit na lang nilang ipikit ang kanilang mga mata. Kinabukasan, Nag kanya-kanya silang sasakyan sa pag pasok sa office dahil may meeting sa labas si Jenna, araw-araw kasi mula ng doon tumira si David sa bahay niya, sinasabay na lang siya sa pag pasok at pag uwi since isang bahay lang naman ang inuuwian nila. Pero ngayon since may lakad siya nag dala na siya ng sarili niyang sasakyan. Dumiretso na siya sa site kung saan sila magkikita ng Kliyente. Pag sapit ng tanghalian naka tanggap siya ng text mula kay David, tinatanong kung saan na siya at kung kumain na ba siya sinagot naman niya, at ganon din ito, nag sabi sa kanya na may meeting din siya sa labas even the location sinabi niya at kung sino ang ka-meeting niya. Naka hawak si Jenna ng cellphone niya pero napapa ngiti siya ng mabasa niya ang message ni David. Pakiramdama ni Jenna nag e-effort si David na kunin muli ang kanyang tiwala, which is for her hindi na rin masama na pag bigyan muli ang dinudulog na pag-ibig ng dating kasintahan since may mga anak naman sila. Late afternoon ng makatanggap si Jenna ng tawag kay David. “Hello, hindi ako makaka uwi ng maaga, nag kita kami ng college batchmate ko na si Homer at Jess, niyaya nila ako sa bar, but I’ll try to go home early or before midnight, okay lang ba?” Paalam ni David. “No problem, just don’t drink too much baka hindi ka na maka uwi, text me kung hindi mo kayang mag drive I’ll send our family driver to pick you up. I’ll just tell the kids para hindi ka na rin nila hintayin. Kumain ka muna ng dinner bago kayo mag inuman.” After ibaba ni Jenna ang phone, feeling niya parang asawa siya sa mga sinabi niya kay David. Naisip niya wala naman masama sa paalala, kaya hindi na lang niya pinansin. Samantala, natutuwa naman si David sa mga reminder ni Jenna sa kanya, tama nga ang sinabi ni Jenna sa kanya noon hindi mababaw ang pang unawa ng dalaga, buo ang tiwala nito sa kanya, just be honest, kaya hindi niya sasayangin ang binigay na second chance na ito ni Jenna sa kanya. Sisiguraduhin niyang this time everything will be alright at matutupad na ang pangarap niya na maka buo sila ng pamilya. ***** Nakauwi si David before midnight, naabutan pa niya si Jenna na paakyat, pag pasok niya sa bahay, lumapit siya kay Jenna at humalik sa pisngi. “How’s your day?, okay ka lang, hindi ka naman lasing?” “No, hindi naman ako uminom ng marami, we just do some catching up at may mga business sila na ino-offer kung interested daw ako, hindi naman ako nag commit mga 3 kami, dumating din kasi yong kapatid ni Homer na si Nathan nakasama ko kasi din yon nong college. May mga asawa na rin sila, kaya hindi rin pwedeng umuwi ng gabi.” “okay, late na din naka tulog mga anak mo, they try to sleep late pero hindi na kaya ng powers kaya yon nakatulugan sa kaka hintay sayo.” He just chuckled. Umakyat na silang dalawa. Kinabukasan maaga silang umalis para pumasok, napag usapan na rin nila kung saan papasok na school ang mga bata, they decided na pag tungkol sa mga anak pag uusapan nila. At kung tungkol naman sa relasyon nila, civil sila sa isat-isa. Ganon pa rin ang set up sabay silang papasok at sabay uuwi with only one car. Naging maayos ang pag sasama nila sa isang bubong para sa mga anak. Then came that day… Tumawag ang parents ni David na gusto nilang magkaroon ng family dinner sa bahay nila, kaya inin-form niya si Jenna. “Jen, tumawag si mommy, family dinner daw sa Saturday sa house nila, okay lang ba?” “Yah. Wala naman problema, what time daw?” “Mga 7pm, may schedule ka ba?” “Wala naman pagugupitan ko lang si Dave at Davin.” “Okay, saglit lang ako sa office, tapos uwi ako para sunuin kayo sabay na lang tayo pumunta.” “Sige.” Dumating ang araw ng Sabado, after manggaling sa office ni David since may tinapos lang siya umuwi siya ulit, nag bihis at sinundo na nga ang mag ina niya. Pag dating nila sa bahay ng mga magulang ni David, tuwang-tuwa ang mga magulang ni David ng makita muli ang mga bata, nagulat din si Jenna na makita doon ang sarili niyang mga magulang. “My, what are you doing here?” “Well, itong mga biyanan mo, they invite us para mag dinner. I heard sa inyo nakatira si David.” “Yah, for the kids ma, ayaw kong i-deprive sa mga bata at kay David ang time nila sa isat-isa. But don’t worry we sleep in the same bed pero nasa gitna ang mga bata.” “Ano ka ba, wala naman akong sinasabi, okay lang naman don din kayo pupunta diba?” “My, hindi pa naman napag uusapan ni David yan, ang focus naming ay sa mga bata, hindi sa amin.” Tiningnan lang siya ng mommy niya at umiling-iling. “sabi mo eh.” sabay tawa. The dinner went smooth, masaya ang lahat, unti may dumating uninvited visitor. Tinawag ng katulong si Mrs. Sarmiento dahil may nag hahanap sa kanya, kaya siya ang pumunta sa gate. “Angela, ano ginagawa mo dito?” tanong ng mommy ni David. “Why, tita bawal ba akong pumunta dito? May gusto sana akong itanong sa inyo, about Jenna, nakita ko kasi sila sa restaurant at sabi ni David fiancée daw niya si Jenna, is it true?” Bago pa maka sagot si Mrs. Sarmiento, lumabas din si David. “Mom, who’s that?” “Oh, David, you’re here, I was about to ask your mom about don sa sabi mong fiancée mo si Jenna.” “what about that, hindi ka naniniwala? Kaya pumunta ka pa dito para mag confirm?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD