Chapter13

1468 Words
Nag decide sila Jenna na umuwi sa Pilipinas, iniwan muna niya kay Kathy ang pamamahala since darating naman si Noel para palitan siya. Gusto sana ni Kathy sumama kay Jenna dahil hindi niya rin kasundo si Noel, masungit daw ang binata sa kanya. Pero wala siyang magawa ng sabihan siyang na maiwan siya. Dumating ang araw na pag uwi nila, kasabay nila ang mga magulang ni David, pero mag kaiba ang susundo, sila susunduin ng mga magulang niya, si David kasi ang susundo kina mommy Elena. Pinauna nilang pina labas ang mag asawa bago sila ng mga anak niya. Pero tuwang-tuwa si Karen ng masulyapan ang ama. Doon sila titira sa bahay na binili niya kung saan din malapit lang sa bahay ng magulang ni David. Parents ni David ang nag mungkahi sa kanya dahil safe at may mga aminities din naman na magugustuhan ng mga bata. Inimbitahan si Jenna ng mga magulang ni David para pag usapan ang binabalak na house repair sa kanilang mansion, gusto ng mga magulang na dagdagan ang mga rooms lalo na at may tatlo na siyang apo. Kaya inimbitahan siya sa isang dinner. Habang kumakain, biglang may dumating na unexpected visitor, parehong nagulat ang mga magulang ni David ng dumating siya. Kasalukuyang nasa comfort room si Jenna kaya hindi niya nakita si David, pag labas niya at pabalik na sa dining, narinig niya ang boses ni mommy Elena na parang natataranta. “anak, anong ginagawa mo dito? Hindi ka man lang nag pasabi na darating ka.” “Mom, kailan pa ako nag paalam na uuwi ako dito? At saka I heard kanina ng tumawag ako na may bisita daw kayong architect at balak niyo ipa renovate ang bahay, why? Okay pa naman ang house, tatlo lang naman tayo, bihira pa akong umuwi dito.” “ah.. kasi anak gusto ko mag dagdag ng rooms. You know pag may anak ka na para may sarili din silang room nila diba?” “Hay, naku, mom. Matagal pa yon. By the way, where is the architect? Hmm …. Babae ang architect mom?” “pano mo naman nasabi?” “she left her bag here” sabay taas ng bag na naiwan ni Jenna. “ahh..nasa cr lang. dito ka ba kakain, o aalis kana? Wala ka bang lakad ngayon anak?” “Mom, you look tense, may dapat ba akong malaman.hmm?” Hindi kumibo ang ina, dahil nakita niyang nakatayo na si Jenna sa likod ni David,napansin ni David na nakatingin ang mommy niya sa likod niya. Kaya lumingon na din siya. Nagulat siya ng makita niya si Jenna. “J-Jenna? .. anong ginagawa mo dito?” “anak siya ang architect na gagawa ng design ng renovation ng bahay.” “ahh.. ganon ba?” si David. Hindi malaman ni Jenna pano kumilos sa harap ni David. Alam niyang tinitingnan siya ng dating nobyo pero hindi siya nag pa apekto. At nang matapos na ang usapan nila,tatayo na sana siya para umalis ng may tumawag sa kanya. Nakita niya ang pangalan ng anak na si Dave. “Yes, honey, why? Pauwi na ako.” Si Jenna “may a-asawa ka na?” si David. Iling lang ang sagot ni Jenna. “wala, that’s my son.” “may anak ka na?” “Yes.” Sagot ni Jenna. Parang nanghina si David. “Can we talk?” habol niya kay Jenna. Tumango lamang siya, at niyaya siya sa garden para mag usap. “Kamusta ka na? Hinanap kita hindi kita makita, nahiya akong pumunta sa mga magulang mo baka magalit sila sa akin, nakontento na lang ako sa pag tatanong kay Kathy pero umalis din siya at nag abroad. Tagal din kita hinanap, Natutuwa ako at maayos, how come may anak ka pero wala kang asawa, nasaan ang ama ng anak mo, iniwan kaba niya?” “no, hindi niya pa alam na may anak kami. Sasabihin ko pa lang sa kanya, kaya ako umuwi.” “Taga dito ang ama ng anak mo? kaya ka ba umalis dahil buntis ka, kaya mo ako iniwan?” may pait na turan ni David. “No, kung ano man ang rason ng pag alis ko noon yon ay dahil sa issue nating dalawa. About my child, I want you to come with me if you want to meet my child.” Si Jenna Palabas na sila ng humabol ang mommy ni David, binigay sa kanya ang isang luggage. “Mom, what this, bakit mo ako binibigyan ng luggage?”si David “Basta, kailangan mo yan baka hindi ka na umuwi, sabay ngiti.” Mommy Elena Kunot noo lang ang sagot ni David sa mommy niya pero dinala pa rin niya ang luggage niya. Sumakay sila sa kotse ni David at umalis papunta sa bahay nila Jenna. Pag pasok nila sa bahay, pinatalikod ni Jenna si David, sabi niya hintayin daw bumaba ang anak niya bago siya humarap. Pinatawag niya ang mga anak niya, pag baba, lumapit ang tatlong bata at kinalabit siya. Pag lingon niya, nagulat siya, hindi niya akalain ang tatlong bata na nasa harap niya kamukha niya. “Holly cow!, are they real? My God!” “Hello, daddy. I’m Dave , this is Davin and Karen Sarmiento.” “S-Sarmiento? You mean Jenna anak ko sila?” “hindi ba obvious? buntis ako noon nong umalis ako, sasabihin ko sana sayo kaso nangyari yong mga issues natin kaya hindi ko na nasabi sayo, don ko na nalaman sa Singapore na triplets ang pinag bubuntis. Sila mommy at ate ang tumulong sa akin.” “hello, daddy! I’m your Karen, I’m your princess.” “ikaw ba yong sinasabi ng lola mo na princess?” “opo” si Karen. “come here anak, give me a hug.” Si David. Agad naman tumalon si Karen sabay yakap sa daddy niya gusto niya mag pa karga sa daddy niya kaya kinarga siya agad. Tuwang-tuwa si Karen, ang higpit ng yakap sa ama, umupo siya at kinandong si Karen at lumapit ang dalawang anak na lalaki at niyakap ang ama. Panay kuwento nila kay David about themselves. Hinayaan na lang ni Jenna alam naman niyang sabik sa ama ang mga anak niya. Lumalim na ang gabi, nang yayain sila ni Jenna na umakyat na at matutulog na. “Daddy, can you stay?dito ka na po matulog, We want to sleep beside you.” Si Karen “Ok, may dala naman akong damit. Saan tayo, sa room mo?” “maliit po ang bed ko don na lang tayo sa bed ni mommy, kasama sila kuya, Malaki kasi yong bed don, kayasa tayong 5.” Si Karen. “ok lang ba sa mommy mo? You have to ask her muna.” Niyaya ni Karen ang ama para umakyat dala ang luggage nito, pumasok sila sa room ng mommy niya, tamang-tama kakalabas lang ni Jenna sa cr, naka cotton short at sleeveless shirt na may pad na, hindi naman siya nailang since ito naman lagi niyang suot kahit noon pa. Pero iba ang pakiramdam ni David, na miss niya talaga si Jenna, mas lalong naging sexy at maganda ito,mas naging makurba ang katawan lalo na ang dibdib mas naging mabilog. Naramdaman ni David na parang uminit ang pakiramdam niya. “Mommy, can we all sleep here with you and daddy?” si Karen “ok, no problem. Alam ko naman sabik kayo sa daddy niyo.” “Mag shower ka muna David, para makatulog na tayo.” Si Jenna. Pilit na ginagawang normal ni Jenna ang lahat dahil sa mga anak niya. Kinuha ni David ang susuotin at inabot sa kanya ni Jenna ang towel na gagamitin at saka siya tumuloy sa loob ng cr. Magkakatabi silang limang natulog, pinagitnaan nina Dave at Davin si David, samantalang si Karen naman sa dibdib ni David nahiga, sinabihan siya ni Jenna na mabigat siya kaya tumabi na lang siya sa mommy niya na katabi naman ni Davin. Kinabukasan, nagising si Jenna na mag isa na lang sa kama, wala na ang mag ama niya, nag hilamos muna siya at nag toothbrush bago siya sa bumaba para hanapin ang mga anak. Masaya niya itong nakitang nag hahanda ng almusal, niyaya siya para sabay-sabay silang kumain. Pagkatapos kumain gumayak na si David para pumasok ganon din si Jenna. Maghapon silang busy sa kani-kanilang gawain. Pag sapit ng hapon naka tanggap ng text si Jenna galling kay David na susunduin siya at kakain sila sa labas bago umuwi. Gusto na rin ni Jenna na pag-usapan ang set up nila para sa mga bata, wala naman siyang issue kung sa bahay nila tumira si David para laging makasama ang mga bata, pero kung tatanungin ay yong tungkol sa kanila, hindi pa niya masasagot. Gusto niya maging civil silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD