"May ipinasa lang ako. Antayin mo nalang ako sa Library." Sabi niya sa kabilang linya.
Nasa opisina ako ni Annika dahil pinatawag niya kaming apat nila Kylene para sa gaganaping 60th birthday ng lola niya.
Tapos na kami ngayon sa meeting at nauna na ding umalis ang tatlo dahil may kanya-kanya pa silang klase na dapat pasukan.
Hininhintay ko ngayon si Saint dito sa loob pero katulad nga ng sabi niya ay hintayin ko nalang siya sa Library kaya nagpaalam na din ako kay Annika.
Umupo ako sa malapit sa may pintuan at yumuko sa ibabaw ng lamesa. inaantok na naman ako. inasikaso ko kasi ang mga bills na kailangan pabayaran na ginagamit sa Bar at mga drinks na kailangan orderin sa mga distributor para hindi kami maubusan ng stocks.
Napaangat ako ng ulo ng marinig ang pagbukas ng pinto. Ngingiti na dapat ako pero nabawi ko agad at napataas ang kilay ng makitang sabay na naman silang pumasok dalawa.
Napasandal ako sa upuan at napahalukipkip ng braso. Mataray kong tinignan si kahit nakangiti siya sakin.
Umupo silang dalawa magkatabi kaya lalong nanlisik ang mga mata ko. Mahinhin pa itong ngumiti kay Saint dahil pinaghila pa niya ng upuan.
"Hello." Mahinhin nitong bati sakin habang nakangiti.
Hindi ko siya pinansin at nanatiling masama ang tingin kay Saint. Anong kalokohan na naman ang ginagawa ng g*gong to! Nanggagalaiti na ko sa loob loob ko pero hindi man lang siya natitinag sa masama kong tingin.
"Makikisabay siya satin mamaya , Brianna pauwi. Dadaan tayo sa mall para bumili ng gagamitin sa output diba? Wala siyang kasama kaya-"
"Bakit hindi nalang kayong dalawa ang pumunta? Magpapasama nalang ako kay Franco para masolo niyo ang isa't-isa." Putol ko sa sinasabi niya.
T*ngina ba siya? isasama niya yan samin alam niyang pinagseselosan ko yan? Wala na ata siya sa tamang katinuan!
Sumeryoso bigla ang tingin niya pero napabaling siya ng hawakan ng babae ang braso niya at ngitian siya. Kung wala lang kami sa school baka nasapak ko na tong maarte na to eh! Pasalamat lang siya at kaibigan ko si Annika at ayoko ko siyang mapahiya kung hindi kanina ko pa to nginudngod sa lamesa!
Tumayo na ako dahil masyado na silang masakit sa mata. Napatingin pabalik ang tingin sakin ni Saint kaya tinignan ko siya ng masama.
"Huwag kang uuwi ng condo. Ayaw kitang makita." Malamig na sabi ko at padarag na lumabas ng Library.
Mabibilis ang hakbang ko pero with pose parin ayokong pagtawanan ako ng mga tao pagnalaman nila na nabibwisit ako ng dahil sa lalaki dahil kilala ako bilang ako ang nagpapaikot sa mga kalalakihan. At dahil badtrip ako kailangan ko na naman magliwaliw. Magsama silang dalawa mga bwisit!
..
Kanina pa tawag ng tawag si Saint pero hindi ko sinasagot. Manigas siya dun! kalandian niya!
Nandito ako batangas. Niyaya ako ni Mitch isa sa mga barkada ko dahil birthday daw ng kaibigan ng boyfriend niya at overnight silang manantili sa resort. Pumayag ako dahil ayaw ko rin namang umuwi dahil panigurado hindi ako sinunod ng lalaking yon at nag-aantay ito sa condo.
Sinuot ko ang two piece color black swimsuit na binili ko kanina ng dumaan ako sa mall. Bumili rin ako ng mga pamalit ko dahil wala naman akong dala kundi ang sarili ko lang at kotse.
Kumuha lang ako ng beach s dadcarf at tinali sa bewang ko. Bumaba na din ako at dumiretso sa Cottage kung nasaan nakapwesto sila Mitch.
"Sexy as ever ha" Nakangiting sabi ni Mitch. Nginisian ko lang siya.
"Brianna, right?"
Napabaling ang tingin ko sa nagsalita. Gwapo siyang lalaki na singkit ang mga mata. Wala siyang damit pang itaas at tanging beach short lang ang suot.
"Yes. " Nakangiti kong sagot. " And you are?"
"i'm Keith. The birthday boy." Nilahad niya ang kamay na tinggap ko naman. "Do you want to seat beside me? Kung gusto mo lang naman. " Sabi niya at marahang pinisil ang palad ko.
"Sure. Happy Birthday pala. Sorry kung sumabit ako dito sa celebration niyo." Sabi ko. Nginitian naman niya ko na halos mawala ang mata niya.
itinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang mata niya. Napadilat naman siya at napatingin sakin.
"Ang ganda ng mata mo. May lahi kabang Chinese? Korean?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig parin sa mga mata niya.
"Half korean. My dad." Sagot niya.
Tumango tango ako. Hinaplos ko naman ang ilong niya. Nagagandahan din ako kasi matangos na manipis ito. Tapos bumaba ang daliri ko sa labi niya. Mapula iyon at manipis din.
"Can i taste your lips?" Kaswal na tanong ko sa kanya. Nakita kong nagulat niya.
Napatingin ito sa likod ko ng makarinig ng tawa mula sa likuran.
"Hindi ka parin nagbabago Brianna. Nanghahalik ka parin ng mga labi na matipuhan mo." Natatawang sabi ni Mitch.
Naguguluhang bumalik ang tingin ni Keith sakin.
"Answer me, can i?" Tanong ko ulit. Natutukso talaga ako sa labi niya.
Hindi siya nagsasalita kaya nilapit ko na ang labi ko sa kanya at hinalikan siya. Saglit lang siya natulala pero maya-maya'y tumugon na din sa halik ko.
Tinapos ko ang halik ng maramdamang kakapusin na ko ng hininga. Dinilaan ko ang bibig ko habang nakatingin sa kanya.
"Ang sarap nga." Sabi ko na ikinapula ng mukha niya. "Happy Birthday ulit keith" Nakangiting sabi ko.
Nagpalakpakan naman ang mga kasama namin. Nakalimutan ko sila dahil masyadong natuon ang atensyon ko sa labi niya.
"Ang wild mo talaga Brianna!" Sigaw ni Mitch na sinabayan ng kantyawan ng mga kaibigan nila. Nginisian ko lang silang lahat.
Kumain muna kami bago lumangoy sa dagat. Nagpalaro rin sila na hindi ko naman sinalihan. Nanonood lang ako sa kanila habang tumatawa dahil sa mga kabaliwan nila.
Maggagabi na ng umahon kami. Kumain kami ng hapunan bago magsimulang mag inuman. Nakisali ako sa kanila dahil hindi naman ako madaling malasing. ilang linggo na din akong hindi nakakainom ng alak dahil kay Saint Lawrence.
"Anong oras na guys! Malamok na dito lipat tayo sa kwarto ni Keith!" Sigaw ni Jomar. isa sa mga kasama namin ngayon.
"Oo nga keith! Kinakagat na ko ng lamok ! Malamang pati si Brianna kaya pumayag ka ng sa kwarto mo tayo magkalat!" Sigundang sabi ni Mitch.
Napakamot ng batok si Keith at tumingin sakin. Nagkibit balikat lang ako at ngumiti.
"Okay tara na." Sagot niya. Dinala ng mga kasama namin ang alak at mga pulutan. Nilinis muna namin ni Mitch ang mga kalat bago sumunod sa kanila.
"Okay laro tayo Spin the bottle truth or dare!" Sigaw ni Wilmar. Naghiyawan naman ang lahat.
Si Keith ang nagpaikot ng bote dahil siya daw ang may birthday sabi ng mga kasama namin.
Pinaikot na niya ito at tumapat mismo sa sarili niya. Napakamot siya ng ulo habang nagtatawanan kami.
" Birthday gift or birthday s*x?" Tanong ni Jr. Naghiyawan na naman ang mga kasama namin.
"Palitan mo ang tanong ang laswa!" Sagot ni keith na ikinatawa na naman ng lahat.
"Huwag kang feeling virgin hindi bagay! Sagutin mo! "kantyaw naman ng ni JM. Boyfriend ni Mitch.
"Dare nalang! Hindi pa naman ako namimili!" Sagot naman niya.
"Sumayaw ka sa gitna ng sexy dance!" sagot na naman ni JR.
Nagkakamot ng ulo si Keith na tumayo habang namumula. Naghiyawan kami ng magsimula siyang sumayaw ng parang macho dancer. Buti nalang at maganda ang katawan niya at malambot kaya hindi masagwang tignan.
Bumalik na siya sa pwesto at inikot ulit ang bote. Tumapat naman iyon kay Mitch.
"Ano ang mas nakakalasing Alak o halik ni JM?" Tanong ni Keith.
"Syempre Halik! " Kinikilig na sagot ni Mitch.
Nagpatuloy pa ang pag-ikot ng bote. Ang iba ang na nagdare ay pinagawa ng kung anung kalokohan.
"Oh Brianna, truth or Dare!" Sabi ni Mitch ng tumapat na sakin ang bote.
"Truth" Sagot ko.
" May boyfriend ka? Pinapatanong ni Keith!"
Naghiwayan naman ang mga kasama ko.
"Actually, meron and we're living in my condo." Kaswal na sagot ko.
Napa-wuuuuh Naman silang lahat.
"Taken na pala bro!" Sabi ni Jr.
"it's okay malay mo maagaw pa." Sagot nito at ngumiti sakin.
"Huwag mo kong daanin sa mata mo. " Sabi ko na ikinatawa ng lahat.
Alas tres ng madaling araw natapos ang inuman. Nagkanya-kanya na kaming pasok sa mga hotel room namin. inihatid ako ni Keith sa may pintuan ng kwarto ko.
"Thank you nag-enjoy ako sa party mo." Nakangiti kong sabi.
"Can i kiss you?" Malamlam ang mata niya habang nakatingin sakin.
Kinawit ko ang braso ko sa batok niya at inilapit ang labi ko sa labi niya. We kissed torridly. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko at lalo akong idinidikit sa katawan niya.
Naramdaman ko ang matigas na bumubukol sa pagitan niya na tumatama sa puson ko. Tinapos ko na ang halik at parang mas lalo siyang nalasing.
"Hindi ba kita maaagaw sa boyfriend mo? Nakakaaddict ka." Sabi niya habang hinahaplos ng isang kamay niya ang likod ko.
Masarap ang labi niya at nakakaaddict halikan pero hindi nabuhay ang init ng katawan ko sa kanya katulad kung ano ang nararamdaman ko sa Boyfriend ko.
"i like kissing your lips keith but i love my boyfriend. " Sabi ko. Ngumiti siya ng pilit at binitawan na ang pagkakayakap sakin.
"Thank you Brianna. Nag-enjoy din akong kasama ka." Sabi niya at nagpaalam na.
..
Kasisikat palang araw ng magpaalam ako sa kanila na mauuna ng umuwi. Nakatanggap kasi ako ng text kay Annika at pinapatawag na naman kaming apat. Napaka-bossy talaga ng babaeng yun.
"Yes, i'm on my way. Nagdadrive na ko" Sagot ko sa kabilang linya. Humikab pa ako dahil halos tatlong oras lang ang tulog ko.
"San ka ba kasi galing? Kahapon ka parin hinahanap ni Lawrence. Hindi ka umuwi ng condo-"
"Magkita nalang tayo mamaya sumasakit ang ulo ko sa hang over wag mo na muna kong dakdakan." Putol ko sa sasabihin ni Kylene at pinatay ang tawag.
Naka-50 missed calls sakin si Saint kahapon. Hinahayaan ko lang siyang tumunog ng tumunog para mabaliw siya at marealize ang kag*guhan niya.
Dumiretso na ko sa Campus. Naligo naman ako sa resort bago umalis kaya hindi ko na kailangang magpalit. Pinagtitinginan nga lang ako dahil naka maiksing maong short ako at itim na hanging blouse na sando na kita ang pusod. Nakasuot ako ng itim na rubber shoes. Nakapusod ang buhok ko pataas kaya expose na expose ang batok ko at cleavage.
Taas noo akong naglakad na parang ramp model papuntang opisina ni Annika. Pagpasok ko ng pinto ay agad silang napalingon sakin at napataas ng kilay.
"Ano yang suot mo?" Tanong ni Annika.
"Damit?" Pilosopo kong sagot.
Natawa naman ang tatlo pero si Annika sinaman lang ako ng tingin.
"Hindi na ako nakapagpalit kasi minamadali niyo ko! Gaano ba ka emergency ang sasabihin mo at pinagdrive mo pa ko ng may hang over at kulang sa tulog?" Nakanguso kong sabi at umupo sa tabi ni Athena.
"Hindi naman importante. Gusto ka lang namin pauwiin dahil kahapon pa kami nababaliw sa boyfriend mo. Maya't maya kang hinahanap samin kulang nalang kalkalin mga bulsa namin dahil baka doon ka namin tinatago. " Natatawang sabi ni Kyla.
Nagvibrate ako cellphone ko. Unknown number siya pero sinagot ko parin dahil ayokong magreact sa sinabi ni Kyla.
"Who's this?" Sabi ko pagkasagot ng tawag.
"its's me, keith. Hiningi ko yung number mo kay Mitch. okay lang naman diba? Gusto ko lang itanong kung nakauwi ka ng maayos."
"Ah. Oo nakarating naman ako ng buhay sa Campus." Natatawa kong sagot sa kanya.
Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay mga nakahalukipkip ang braso habang nakasandal sa upuan at nakataas ang mga kilay.
"Pauwi na rin pala kami sana sumabay ka nalang samin. Nakasama pa sana kita ng matagal. " Natatawang sabi nito. Narinig ko na naman ang hiyawan ng mga kaibigan niya kaya natawa ulit ako.
"Sige na mag-ingat kayo sa byahe. Happy Birthday ulit Keith." Sabi ko at pinatay na ang tawag.
Naiiling ang mga kaibigan ko habang nakatingin sakin.
"Sino na naman yun Brianna? Keith? diba lalaki yun?" Tanong ni Athena.
"Oo. Kaibigan siya nung boyfriend ni Mitch. Birthday niya at nasa batangas sila kahapon. Nagparty crasher ako at doon na nag-overnight kasama nila." Paliwanag ko dahil masasama ang tingin nila sakin.
"Tapos may nangyari sainyong dalawa kaya clingy siya sayo ngayon?" Tanong ni Kylene.
"Wala ah!" Depensang sagot ko. "Nagbago na ko Promise!" At itinaas ang isang kamay.
"Sinungaling. Kaliwa na namang kamay ang nakataas." Naiiling na sabi ni Kyla. Agad ko naman iyong pinalitang ng kanang kamay.
"Ano ba guys nagkiss lang kami kasi mukhang masarap yung labi niya-" Hindi na tapos ang paliwanag ko ng magsalita si Annika.
"Ayan nalang lagi mong rason. Lips eater ka ba? Lagi kang nanununggab ng labi pag nagandahan ka eh. Ganyan din dahilan mo dati nung hinalikan mo yung boyfriend mo." iritado nitong sabi.
Napanguso naman ako. " imbento ka Annika anung Lips eater sinasabi mo. " Nakasimangot kong sabi. Natawa naman si Athena at Kyla.
Tumunog ang cellphone ni Annika.
"Nasa labas si Saint Lawrence kasama si Gavin. Puntahan mo na at ng kumalma na yun." Sabi nito at ibinaba ang hawak na cellphone.
"Owki." Nakangusong sabi ko at tumayo na.
"Samahan mo Kylene at baka tumakas." Utos nito.
inirapan ko siya at lumabas ng opisina kasama si Kylene.
Sinamahan nga ako hanggang sa may bench kung nasaan nakaupo sila Gavin.
Napatayo si Saint ng makita ako at napakunot noo ng pasadahan ng tingin ang itsura ko.
"Bakit ganyan ang suot mo-"
Napatigil siya sa pasasalita ng itaas ko ang kamay ko. Tinignan ko si Kylene at Gavin. Naintindihan naman nila iyon kaya nagpaalam na rin sila na aalis.
Umupo ako sa bench at nagdekwatro habang nakahalukipkip ang braso. Mas lalong naexpose ang dibdib ko at bagyang sumisilip na ang brassier na suot ko.
Masama ang tingin niya duon bago tumingin sa mata ko. Hinubad niya ang polo na suot niya at itinakip sa katawan ko.
"Huwag kang magsusuot ng ganyan Brianna. Masyadong revealing. Nakikitaan ka na." Malamig na sabi niya bago umupo sa tabi ko.
--*