Nakasandal ako sa bench at nakapikit. Ang sakit talaga ng ulo ko dahil sa hang over at kakulangan ng tulog.
"San ka ng galing Brianna?" Seryosong tanong nito. Sa harap lang siya nakatingin.
"Nagpalamig lang ako Lawrence." Sagot ko.
Napabaling siya sakin at masama ang tingin. "Bakit kailangan mo magpalamig?"
"Tanga ka ba talaga? Hindi mo alam?" Mataray kong balik tanong sa kanya.
"Pano ko malalaman kung hindi mo sasabihin?"
Pagak akong natawa." Seryoso ka hindi mo alam? Huwag kang magjoke Lawrence hindi bagay sayo. Alam mo na ayokong magkasama kayo ng babaeng yon tapos ano? Dumating kayo sa Library kahapon na magkasama?! Tapos magsasabi ka sakin na isasama natin siya? G*guhan ba yun Lawrence?!" Medyo napataas ang boses ko dahil sa inis. Nakatingin lang siya sakin habang ako nanggagalaiti at gusto na siyang sapakin.
"Wala ka naman dapat ikaselos sa kanya. Kaklase lang natin siya at bago siya kaya wala siyang kasama ano ba naman na isama natin siya-"
"F*ck your common sense Lawrence!" Napatigil siya sa pagsasalita at gulat na nakatingin sakin sa biglaan kong pagsigaw. Napatayo ako sa sobrang galit.
"Eh kung sabihin ko din sayo na isama natin si Franco sa lakad natin dahil bago lang din siya at kawawa naman siya dahil walang kasama matutuwa ka ba?!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.
May ibang studyanteng dumadaan na napapatingin samin pero wala akong pakialam. Subukan lang nila makisali baka sila ang mapagbuntungan ko ng galit at mauwi sila sa hospital!
"Brianna calm down nag-uusap lang tayo-"
Hindi na naman niya natapos ang sasabihin dahil tumawa ako. Natawa nalang ako out of frustration.
"Tinatanong mo kung saan ako galing?" Malamig ang boses kong tanong kasing lamig ng tinging binibigay ko sa kanya. "Gusto mo ba talagang malaman?"
Napalunok naman siya at nagbaba ng tingin. Sa pagkuyom ng palad niya at pag igting ng panga niya may hinuha na akong alam niya ang ibig kong sabihin.
"Hindi na kailangan. Sa tingin mo pa lang alam ko na ang ginawa mo." Sagot niya kasunod ng malalim niyang paghinga.
"Kayang kaya kitang palitan Saint Lawrence tandaan mo yan. Huwag mo kong subukan dahil hindi ako nakipagrelasyon sayo para mastress lang at magselos kung kani-kanino. You know who am i. Kayang kaya kong palitan ka sa isang pitik ko lang. "
Pagkasabi ko nun ay iniwan ko na siyang nakayuko doon. Hindi ako magpapakatanga sa kanya. Maraming lalaki ang gustong magkaroon ng relasyon sakin, hindi siya nag-iisa. Kung hindi siya titigil sa ginagawa niya magkalimutan nalang kaming dalawa. Mayaman ako at kayang kaya kong ipawalang bisa ang lintik na kasal naming dalawa.
..
Hindi ako umuwi sa condo. Ayoko siyang makita dahil alam kong magdadramahan lang kaming dalawa. Wala ako sa mood kausapin siya. Gusto kong bumawi ng tulog dahil nahihilo na talaga ako sa antok.
Umuwi ako sa Mansyon kung saan ako totoong nakatira kasama ang aking pamilya. Sa ngayon nasa Europe ang mga magulang ko kaya sila Kuya lang ang nakatira doon ngayon. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso at nag-iisang babae.
Nakahiga ako sa kama ng may kumatok sa pinto.
"Pasok!" Sigaw ko habang nakapikit. Nakasuot ako ng panty short at manipis na sando.
Bumukas ang pinto at nakarinig ako ng yabag palapit sakin. Umupo ito sa kama kaya napadilat ako. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan sa noo.
"Bakit napauwi agad ang baby namin?" Tanong ni kuya Zach. Siya ang panganay naming kapatid.
Umupo ako at yumakap sa kanya. "
"Kuya , nakakastress sa Manila. Magtransfer nalang kaya ako dito sa Laguna? ibebenta ko nalang yung condo ko." Nakasimangot kong sabi.
Pinisil niya ang pisngi ko kaya napadaing ako.
"Paano ang Bar at botique mo?" Tanong niya sakin.
"Nandun naman sila Annika bibisita bisita nalang siguro ako?" Hindi siguradong sagot ko na ikinatawa niya.
"Ayan ka na naman sa pabigla bigla mong desisyon." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. " Magbebente ka na bunso. Matuto ka na sanang pag isipan ang lahat ng bagay bago mo gawin. Lahat ng bagay pinag iisipang mabuti at hindi pabigla bigla."
"Anong meron at nagyayakapan kayo diyan ng hindi ako sinasali?"
Napalingon kami ni Kuya sa pintuan at nakita namin si Kuya Zion. Lumapit siya samin at nakiyakap.
"Etong bunso natin nanlalambing gusto na tayong makasama at balak na magtransfer dito." Natatawang sabi ni Kuya Zach.
"Talaga bunso? Kailan ka lilipat? Sasamahan kita sa school mo bukas na bukas para mailipat na kita dito." Sabi ni kuya Zion. Siniko naman siya ni Kuya Zach.
"Hayaan mo si Brianna sa school niya. Kunsintidor ka talaga." Naiiling na sabi ni Kuya Zach.
Napuno ng tawanan ang kwarto ko dahil sa pagkukulitan naming magkakapatid. Since then until now ako parin ang baby ng dalawa kong kapatid. Kahit may girlfriend na sila ay ako parin ang priority nila. Pagsinabing ayaw ko sa babaeng nagugustuhan nila ay agad nilang iniiwan. Ganun nila ako kamahal.
..
"Baby where are you? Please come home. i'm sorry. Let's talk. i'll wait you."
Paulit ulit kong binabasa ang huling text ni Lawrence sakin. Madaling araw na pero hindi parin ako makatulog.
Pumikit ako at napakagat ng labi bago bumangon at mapagdesisyunang umuwi ng condo. Hindi ko talaga siya matiis kainis!
Hindi na ako nagpalit ng damit at dumiretso sa kotse at pinasibad iyon. Tinext ko nalang sila kuya na uuwi ako ngayon.
Nagmamadali akong pumasok ng elevator at pinindot iyon papuntang 19th floor. Pagbukas palang ng pinto ay bumungad sakin ang madilim na paligid. Nakapatay ang lahat ng ilaw. Dumiretso ako sa kwarto at dahan dahang binuksan ang pinto. Madilim din ito pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang taong nakaupo sa sahig at nakatungo. Nakarinig din ako ng mga hikbi kaya alam kong umiiyak siya.
Binuksan ko ang ilaw kaya napaangat siya ng tingin papunta sakin. Namumula ang mata niya at magulo ang suot na polo at ang buhok. Nakita ko din ang ilang piraso ng alak na in can. Sa pamumula ng mukha, tenga at batok niya nahihinuha kong lasing siya.
"Brianna..." Parang batang tawag niya sa pangalan ko.
Kahit nagalit ako sa kanya hindi ko maiwasang mahabag sa itsura niya. hindi ko inaasahang maaabutan ko siya na ganito. Hindi ko pa naman kasi siya nakikitang umiinom ng alak.
"Baby..." Sabi niya at nag-uunahang tumulo na naman ang mga luha sa mata
Lumapit ako sa kanya at hinila siya paupo sa kama.
"Brianna.. i'm sorry baby... " Sabi niya at niyakap ako. "Huwag mo kong hiwalayan please.. Huwag kang humanap ng iba. Ako parin please Brianna.." Umiiyak na sabi niya.
Patagilid akong kumalong sa kanya at niyakap siya. "Don't make me feel jelous again Saint Lawrence kung gusto mong magtagal tayo." Sabi ko kasabay ng pagbagsak ng luha ko.
Tumango tango siya at nagsalita ulit. "i won't . Never again. iiwasan ko na silang lahat at hindi ko na kakausapin. i promise, baby. Hindi na kita gagalitin. " Sabi niya sakin at humigpit ang yakap niya. "Ako parin naman diba? Wala akong pakialam kung anong ginawa mo nung umalis ka ang mahalaga sakin ka parin uuwi."
"i kissed someone, Saint. Noong umalis ako. Pumunta akong batangas, birthday ng kaibigan ng boyfriend ng kaibigan ko. i kissed him because i like his lips katulad ng ginawa ko sayo noon." Pag-amin ko sa kanya.
Karapatan niyang malaman yun dahil magkarelasyon kami. Ayokong maglihim sa kanya tapos sa susunod na araw ay makakatanggap siya ng balita na ikakasimula na naman ng away naming dalawa.
Dumaan ang sakit sa mga mata niya at muling pagtulo ng luha niya. "G-ginawa mo rin ba sa kanya y-yung ginawa mo sakin n-noon?" Garalgal ang boses niya dahil sa patuloy na pag-iyak.
"We kissed but we don't do what we did. Hinalikan ko lang siya at wala ng ibang nangyari maliban doon." Sagot ko sa kanya.
Napakagat labi ito bago nag-angat ng tingin sakin." Ako parin naman diba? Mahal mo parin naman ako diba?" Bakas ang takot sa boses niya.
Hinalikan ko siya sa labi at tumango. "Mas masarap parin ang labi mo sa lahat ng nahalikan ko. Mas masarap ka sa lahat ng nakasama ko. At ikaw lang ang bukod tanging minahal ko at mamahalin ko." Seryosong sagot ko sa kanya.
"Okay lang sakin Brianna kahit humalik ka sa iba. Kahit masakit titiisin ko. Basta sa huli ako parin ang mahal mo. Ako parin ang uuwian mo Brianna." Puno ng lungkot at sakit ang kanyang mga mata.
"i will never do that again Saint i promise kaya hindi mo na kailangan magtiis. i'm sorry sa nagawa ko. " Naluluhang sabi ko."Mahal na mahal kita Saint Lawrence. "
"Mahal na mahal din kita Brianna. Baliw na baliw na ko sayo at hindi ko na kakayaning mabuhay ng wala ka. Susundin ko lahat ng gusto mo baby. Just don't leave me Brianna, tatanggapin ko lahat lahat sayo." Sabi niya bago ako siniil ng halik.
--*