CHAPTER 70 ANGIE's POV: "KANINO galing ang pagkain na 'yan, Iza? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong pera na iniwan sa'yo para makabili ka ng ganyan," tanong ko kaagad sa aking anak nang makauwi ako sa bahay. Masyado akong natagalan sa hospital dahil sa mahaba naming usapan ni Mr. Matthew. Sinabayan pa na inabutan ako ng traffic kung kaya't mag-aalas nuwebe na ng gabi nang makauwi ako. At nung nandito na ako sa bahay ay naabutan ko ang aking anak na pana'y lamutak ng lechon na manok. Tuwang-tuwa ito sa kanyang kinakain. May kasama pang ice cream sa ibabaw ng mesa namin. Kaya talagang nagtataka ako, kung kanino galing ang mga pagkain na nakahain sa mesa. "Sa kaibigan niyo raw po mama. Binigyan niya po ako ng pera eh. Tapos sinamahan niya ako na bumili nitong pagkain. — Gutom na gutom

