Chapter 71 ANGIE's POV: I am now the wife of Mr. Matthew. Sa isang iglap ay naging instant bilyonarya na agad ako nang walang kahirap-hirap. Hindi ko naman masasabi na ginamit ko ang lalaki para lang yumaman ako. Because in the first place, siya ang nakiusap sa akin na maging CEO ako ng kompanya. At ito ang naging kapalit ng lahat, ang maging asawa niya sa papel. Alam ko na maraming huhusga ng pagkatao ko ngayon lalo na't kapag nakaharap ko si Arthur. Pero wala na akong pakialam pa sa iisipin niya. Dahil una sa lahat, itinakwil niya na kami ni Iza. Kaya ano man ang sabihin niya ay hindi ko na kailangan pang magpaapekto. If he has the money, I also have the money. Kung anong kapangyarihan ang meron siya sa negosyo, ay meron din ako no'n. Pareho ng patas ang laban sa pagitan naming dala

