Makakatikim sa akin to!
Pinanatili niya ang pormal na mukha. Bakit?
Noon lang niya napansin ang hawak nitong
Buko. Alam Kong nauuhaw kana kaya dinalhan kita ng Buko.
Hindi ako nauuhaw, mariin niyang sabi,
Hindi nito pinansin ang pagtataray niya
Kaya iniaabot vpa rin nito sa kanya ang Buko.
Hindi ka ba nakakaintindi? Kung gusto ko n'yan sana'y humingi na ako Kay manong boy,
Siya nga ang nagpapabigay sayo nito,
Salamat na lang tunayo na siya at nagsimulang humakbang.
Nang hapong iyon bumiyahe sina Catherine para tagpuin ang isang kamag - anak ngpinaghihinalaang lider ng mga rebelde. Ang grupo nito ay ang sinasabing
Mga tumiwalag sa bandidong ABUSAYAF at bumuo ng bagong grupo. Ipinarating ng kumander na may hawak sa grupo sa pamamagitan ng kausap niya na wala ang itong kinalaman sa paghahasik ng lagim ng mga ABUSAYAF.
pumayag si kumander na makapanayam ninyo siya.
Nangislap ang mga mata ni Catherine sa magandang balitang iyon, kailan?
Bukas ng tanghali. Umaga pa lang ay may susundo na sa inyo sa sitio Bana. Subalit may mga kondisyon si kumander na dapat ninyong sundin
Ano-ano ang mga yon?, hayag ang excitement sa tinig niya.
Samantala, nakikinig lang si Jake hindi niya
Alam kung ano ang naglalaro sa isip ng lalaki.
Kailangan ninyong magsuot ng kasuotang kagaya sa amin at alam n'yo naman siguro na walang nakaalam kung saan kayo papunta at kung sino ang kakausapin ninyo.......
Maliwanag sa akin yon ayon niya
Hindi kayo puwedeng gumamit ng camera hangga't naglalakbay tayo. Kapag nandoon na kayo limitado lang ang lugar na maari ninyong kunan...
Tumango siya.
May inilabas ang lalaki sa isang plastic bag ibinigay nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay pinauna na sila nitong umalis
Sa daan habang pabalik sina Catherine sa resettlement area hindi marahil nakatiis si Jake sa katahimikang
Namamagitan sa kanila kaya nagsalita ito,
Sigurado ka sa gagawin mo? tanong nito sa kanya.
Natawa siya, tinatanong mo ako kung alam kung ginagawa ko? Nagpapatawa ka ba?
This is your first time sa lugar na ito. Aware ka naman siguro na kahit ang mga journalist ay hindi rin sinasanto ng mga rebelde,
Payak siyang natawa, are you discouraging me Mr Gutierrez,
I'm just telling you facts,
Kung naduduwag ka then go ahead, bumalik ka, sa manila,
Walang pipigil sa yong gawin yon,
Ako pa ang tatakutin mo, marunong din akong
Humawak ng lente! Ngali-ngali niyang isupal pal dito. Alam niyang napaka childish ng pagtatalo nila.
Pero wala na siyang pakialam. Nakakakulo ng dugo
Kasi ang pinagsasabi nito,
Ito naman ang nagtawa. Bakit ko gagawin yon?
Then why would I do that either? Sikmat din niya
Case is close, pareho tayong pupunta sa kuta ng mga rebelde,
Napahalukipkip siya. Nahalata naman niyang tila
Sinadya nitong pinaharurot ang minamanehong owner -type jeep. Hinayaan lang niya ito,
Nang gabing iyon tumuloy sila sa isang bahay maykalayuan sa lugar kung saan sila susunduin ng kausap. Hindi na sila bumalik vsa isla dahil mas mahihirapan silang bumiyahe para lang makarating sa takdang oras na pinag usapan nila ni mang Dani,
Sa maliit na silid nakapuwesto si Catherine Samantala si Jake ay sa labas.
May kasama sila roon, isang may-edad na lalaki na nagsisilbing guide nila.
Nakakain na sila ng hapunan at nagpapahinga na,
Subalit mailap ang antok Kay Catherine.
Nang sumilip siya sa sala, wala si Jake narinig niya
Ang boses nito sa labas ng bahay nakikipag kuwentuhan ito sa kasama nila.
Hindi kontento si Catherine sa ginawa niyang paghihilamos kanina, pakiramdam niya ay nanggigitata pa rin siya, kunsabagay maalinsangan ang gabi kaya nanlalagkit siya sa pawis. Paano ba naman, walang kuryente ang bahay na iyon gasera nga lang ang
Ginagamit nila para magkaroon ng liwanag.
Sana may tubig pa, sa loob-loob niya habang patungo
Sa nakahiwalay na kubeta kinukuha pa kasi ang tubig sa malayo sa ilog.
Bitbit ang towellete at plastic bag na may lamang liquid soap at kung, ano - "ano pang kaartehan sa katawan, pinasok niya ang kubeta ang isang kamay niya ay hawak niya ang isang gasera
Mabuti na lang at full moon ngayon kaya kahit paano Maliwanag.
Inilagay niya ang gasera sa patungan nang makitang puno ang balde ng tubig.
Saglit pa'y pinagpiyestahan na niya ang tubig
Walang inidoro ang kubeta tanging butas lang na kasinlaki ng bola ng balleyball ang naroroon kaya nga isang maling kilos niya pihadong lulusot ang paa niya sa butas.
Ganun paman sana'y siya sa ganoong kamiserableng lugar.
Lumaki yata ako sa hirap kaya hindi mahirap sa akin na mag adjust. Besides, this is the life being a journalist.
Matapos ang ilang sandali, presko na ang pakiramdam ni Catherine.....
Lumabas na siya, at nabigla siya sa nabungaran.
Sa labas ng kubeta....
Nakatayo sa labas ng kubeta si Jake
Mukhang hinihintay talaga siya nito
Muntk pa siyang mapasigaw sa gulat kanina
Salubong ang mga kilay na sinita niya ito
Anong ginagawa ko rito, Mr Gutierrez?
Binobosohan mo ba ako!
Akusa niya sa gigil na tono.
You bastard!
Tila hindi naman ito nasindak, tila amused
Pang nakangiti sa kanya...
Hindi ako magpapakahirap na gawin iyon Catherine kung gusto kong makita ang katawan mo may ibang paraan. Hindi ang mamboso.
Animal ka! angil niya. Lumayas ka nga sa harapan ko't
Baka hindi kita matantiya----------
Matalas talaga ang dila mo Catherine, sansala nito.
Hindi niya ito pinansin at mabilis niyang nilampasan.
Subalit bigla na lang nitong hinagip ang kanyang braso
Bitawan mo ako aniya na nagbabantang tono.
Mag-usap muna tayo,
Naningkit ang mga mata niya. Hindi mo tatanggalin ang kamay mo sa braso ko, hah!
Nanantiya ang titig nito. Hanggang ngayon ay nasusuklam ka pa rin sa akin, Catherine. Hindi mo na ba talaga ako mapatawad?
Namait ang panlasa niya sa tila pagsusumamo sa boses nito.
Ipinaalala pa nito ang isang pangyayaring nakalimutan na sana niya. Kung bakit kasi sumolpot pa ito sa buhay?
Tahimik na sana ang buhay kung hindi lang minalas na ito pa ang na kasama sa kanyang trabaho.
Huwag ka nang umasa pang mapapatawad pa kita sa atraso mo sa akin, Mr. GUTIERREZ dahil sa yo kaya namatay ang lola ko. Sinadya mong sirain ang relasyon namin ni Liam dahil sa inggit na umiral sayo. Ginamit mo ako para pasakitan ang kapatid mo,
Oo inaamin ko ang lahat ng iyon pero ang tungkol sa lola mo, alam mong hindi ko gustong mangyari iyon sa kanya. Namatay siya sa natural na dahilan at wala along kinalaman doon gaya ng ibinibintang mo sa, akin.
Naningkit lalo ang mga mata niya. Kung hindi ko ako dinala sa letseng bahay na iyon pinaniwala mo ako sa kasinungalingan mo, sana'y naagapan ko pa ang lola ko
At nagtagal pa sana ang buhay niya, himihingal niyang sambit. Huwag na nating buhayin ang nakaraan, Mr. Gutierrez tapos na ang kabanatang iyon sa buhay ko bigla niyang hiniklas ang kamay nito at mabilis na lumayo.
Matapos ang isang oras na paglalakbay lulan ng isang harabas jeep, walang patumangang paglakakad naman ang inabot nila Catherine at Jake....
Tagaktak na ang pawis ni Catherine ngunit hindi siya puwedeng magreklamo. Alam niyang hindi sila basta-basta pupuwedeng huminto upang magpahinga. Mahalaga ang bawat minuto sa bawat isa sa kanila.
Tahimik lang si Jake. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ito nang mga sandaling iyon, kanina pasila hindi nagkikibuan ng lalaki.
Apat ang kasama nila na pawang may mga dalang matataas na kalibre ng baril. Hindi tuloy maiwasang makaramdam ng kaba si Catherine Oo sanay siyang makakita ng mga iyon pero iba ang sitwasyon ngayon
Alam niyang masyadong delikado ang ginawa nila.
Possible kasing may masabat silang ibabg grupo ng mga rebelde. Tama si Jake, hindi porque taga - media sila ay hindi sila idadamay ng mga iyon sakaling magkaroon ng engkuwentro.
Aware siya sa ilang insidente kung saan Pati ang media ay ginawa na ring hostage
Kinilabutan siya sa isip.
Nanginginnig na ang mga binti niya sa kakalakad subalit tiniis niya at kakayanin niya. Uhaw na Uhaw na ang lalamunan niya, kanina pa naubos ang baon niyang bottled mineral.
Grabe, para na rin akong umakyat sa bundok ng banahaw nito, usal ng isip niya.
Pagkaraan ng Mahigit dalawang oras na paglalakbay, sinapit din nila ang kuta. Mistula iyong maliit na pamayanan sa itaas ng kabundukan, may tatlong kubo nakatayo naglipana ang mga kalalakihan na pawang may sukbit na, Armas,
Naramdaman niyang hinawakan siya sa kanyang siko no Jake. Dahil doon ay napapitlag siya kasabay ang Tila paggapang ng init sa bawat himaynay ng kanyang mga ugat sa katawan.....
Tiningan niya ito ng masama subalit walang anuman iyon dito. Hindi inalis ang kamay. Sa kanyang siko at hitsurang umaalalay ito sa kanya,