Really? Preggie ka na, pat? Ni Catherine habang magkakasalo silang lima sa dining table
Namumula ang pisngi tumango si pat
Six weeks.
OH brother, bilib na talaga ako sayo talagang siniguro mong may mabobuo bago kayo umuwi Mula sa honeymoon ninyo, kantiyaw niya Kay Ricky. Halata namang nagmamalaki rin ito, ngisingisi rin si Joaquin habang si Sidney ay tahimik lang pero banaag ang kislap sa mga mata nito. Walang dudang in love na nga si Sidney Kay Joaquin. Sa puntong iyon ay nakaramdam siya ngbpagkainggit sa mga ito.
Ikaw ang maid of honor, cath, ani Joaquin
Nagkasundo na kami ni Sidney sa date ng aming kasal.
Two months from now. Kaya ilagay mo na sa yong schedule ang June 29.
Nakakainis kayong apat, maktol niya, kung alam ko lang na iinggitin nyo lang pala, dapat palay nagsolo na lang akong nag celebrate,
Napahagikhik si pat, kasi naman, ayaw mo pang mag-"boyfriend.
Inirapan niya ito. Ayoko muna, no?
Sagabal lang yon....
Ngayon pa na okay na okay ang career ko.
Buti naman at pinayagan ka ng parent mo
Na bumukod na. Sahod no Sidney....
Nginitian niya ito, actually masama ang loob nila pero siyempre naiintindihan nila na kailangan kong maranassng mag sarili. Pero palagi ko naman silang tinatawagan at yong free time ko sa kanila6 ko ginugugol. Kaya nga wala akong lovelife.
O kailan nga pala ang alis nina leon?
Tanong ni pat.
Next week na. Hindi na nga ako makakasana sa paghatid sa kanila at hindi na rin ako makakadalo sa despedida party dahil nasa Mindanao na ako noon.
Speaking of Mindanao, talaga bang hindi ka Natatakot na magpunta ron? interesadong Tanong ni Sidney
Abala naman sa pagsimsim ng red wine ang dalawang lalaki habang nakikinig sa kanila.
May konting kaba pero mas nanaig yong excitement. It's a dream come true, Sidney ito na ang hinihintay kong break. Mapanganib yong assignment pero challenging talaga
Ingat ka ron bruha singit ni pat. I've been there before. Kaya hindi biro ang mararanasan mo doon.
Yeah, I know. Thank for reminding me. By the way, Ricky, bago ko makalimutan. Kumusta na nga pala ang
Amarillo?, tukoy niya sa itatatag nitong samahan, nasa anong stage na?
Ngumiti ito. Actually ayos na ang mga dokumento makapag - file na kami sa Sec.
Yong binili ng husband kong lupain sa batanggas balak naming gawing official and exclusive place para sa lahat
NG magiging miyembro ng Amarillo club,
Namangha siya. Hindi kayo nagbibiro
Nagkatinginan ang mag asawa.
Actually idea ni pat na gawin na lang exclusive resort ang limang ektaryang lupain sa batanggas. Noong makita kasi niya ang lugar, mas ideal daw na gawing resort. Iyon din naman talaga ang orihinal na plano ko but since mangngailangan ng malaking pondo kaya isinantabi ko muna yon.
I'II help you naman with your project sweetheart, malambing na sabi ni pat and besides, anong. ginagawa ng kayamanan ni Joaquin?
Natawa si Joaquin, basta sa ikabubuti ng brotherhood, walang problema sa akin.
Napqsimangot si Catherine. Kaya lang yang project nyo for the boys lang paano naman kaming mga babae?
Well, may mga binago na kami sa terms and conditions para maging miyembro sa Amarillo club
Isa na roon ang pagiging gender free. Kesehodang babae ka man o lalaki, bakla o tomboy as long us you meet it pass the requirements needed sa magiging miyembro.
Hindi basta-basta tatanggap ng miyembro ang club, Catherine Salo ni Joaquin. Dadaan ang bawat isa sa masusing imbestigadyon hinggil sa kanyang background.
Eh de pupuwede pala ako?
Siyempre naman pasado ka na, ayon Kay pat.
Namilog ang nga mata niya.
May isa pa pala akong ibabalita saiyo Catherine.
Binalingan niya si Ricky, Ano yon?
NA trace na namin ang whereabouts nina xerxes at Em-Em.
You mean yong mga nakasana natin noon sa sindikato?
Yup, proud na sabi ni Ricky.
Nasaan sila? Sigurado kang sila yon?
Positive. Si Xerxes Casimiro ay kasalukuyang nasa Singapore. May export - import business siya
Si Em-Em o Dwight Vega ay nasa Palawan si Dwight.
How I wish makasama ako sa inyo, excited akong makita sila.
Marami pang pagkakataon, cath sabad ni Joaquin
Tipsy na si Catherine nang matapos sila nagsipag uwian na ang apat. Naiwan siyang nakasalampak sa mga unan sa carpeted na sahig ng kanyang condo
Naparami yata ang inom ko ng red wine sa loob loob niya. Ipinasya niyang mag shower muna bago matulog.
Nagtagal siya sa banyo at paglabas niya ay nag iingay ang telepono.
Agad niya iyong sinagot, hello nanatiling walang sumasagot sa kanilang linya.
Hello bakit ba ayaw mong nagsalita?
Nairita niyang sabi istorbo.. Sa ay bagsak sa cellphone
Inaantok na siya, bukas ay maaga siyang papasok dahil marami siyang aasikasuhin.
Sumagi sa isip niya si Jake makikita ko na naman ang lalaking yon.
Napangiwi siya iisipin nga lang niyang makakasama niya sa loob ng ilang araw ang lalaki ay sinasamaan na siya ng sikmura, God, pinaparusahan nyo ba, qko?, bakit kailangan makita ko pa siya,?
Binalikan sa isip ang bagong pag uusap nila masasabi niyang ibang Jake na, ang kaharap niya. Hindi maitatawag may na rating na ito.
Kung hindi ba, paano ito nakapasok sa mundo ng pamamahayag?, the mere fact na nanggaling ito sa kalabang network at may ilang taon din itong nagsilbi roon bago lumipat sa kanila ibig sabihin lang noon may maipagmamalaki nga itong accomplishments
Akala ko noon habang buhay na lang siyang bagamundo. BLACK SHEEP ng pamilya Gutierrez
Nag pawala siya6 nang malalim na bugtong hininga.
The hell I care, eh Ano naman sa akin kung asensado na siya? Kahit siya pa ang msmay ari nitong network, hindi pa rin mababago ang kstotohanang b badura siya
sa akin walang nabago sa pagkakakilala ko sa kanya
Ikalawang araw na Nina Catherine at Jake sa basilan. Sa loob lamang na iyon ay marami na silang nai-cover. Ang mga wasak na eskwelahan, mga kabahayan at ilang establisamiento. Dulot ng engkuwentro ng mga bandido at ng militar.
Ang lugar na iyon nagmistulang ghost town. Dahil nagsilikasan sa ligtas na lugar ang mga tao
Nanatili pa ring hawag ng rebeldeng bandido ang limang hostage na pawang mga dayuhan. Dati iyong Sampu na nagging lima na lamang nagbigay ng ransom money ang ilan sa mga iyon kaya pinakawalan na pero ang nalalabing lima nananatiling nasa buhay alanganin..
Nagmatigas na ang hobyetno. Ipinaguutos ang no ransom policy kaya sinimulan ang pagtugis sa mga bandido...
Sa isang maliit na bahay tumutuloy sina Catherine at Jake, malapit iyon sa resettlement area kung saan ay pansamantalang tumutuloy ang mga mamamayan na nawala ng bahay. At kabuhayan
Araw-araw ay nasasaksihan ni Catherine ang miserableng buhay ng mga ito.
Kalunus-lunus ang kalagayan ng mga inosenteng anghel na sa murang edad ay inalisan na sila ng karapatang mabuhay nang mapayapa at makapaglaro nang Malaya aniya sa harap ng camera habang nasa likod niya ang mga batang nagiiyakan dahi sa gutom.
Nagpatuloy ang paguulat niya.
Nang matapos siya nakaramdam siya ng paghihina kaya naupo siya sa ilalim ng puno. Pati siyay naranasan na ring magutom. Dahil kulang ang supply ng pagkainsa lugar na iyon sa dami ng mga pamilya umaasa....
Pati yong baon nila ni Jake napagkain ay ibinigay na lamang nila sa mga nanay na may pinapasosung sanggol. Nagtitiis na lamang sila sa nilagang kamote.
Kung tutuusin puwede silang nagtungo sa lungsod
Upang bumili ng supplies pero dahil tatawid pa ng dagat bago sila makarating doon nagdesisyon si Catherine na magtiis na muna.
Nais na niyang matapos ang documentary film na ginagawa niya..
Nalukot ang mukha niya nang lumapit sa kanya si Jake. Sa loob ng ilang araw. Pinairal niya ang pagiging professional at pilot na binabale wala ang tensiyong nanamagitan sa kanila.
Ang ikinaiinis PA niya umaakto itong parang bang matagal na silang mag kaibigan at least si Leon, kahit protective ito sa kanya alam niyang walang malisya sa panig ng dati niyang cameraman kahit kailan ay hindi ito nag take advantage sa kanya. Pero si Jake wala siyang katiwa-tiwala rito.
Gaya ngayon umiwas na siya rito sinundan pa siya at naupo vpa, sa tabi niya!
The nerve! Isang maling kilos lang nito,