bc

ANGKOL COLLABORATION #7: ANGKOL LORENZO

book_age18+
106
FOLLOW
1K
READ
family
HE
brave
heir/heiress
sweet
bxg
soldier
campus
small town
lies
musclebear
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

‘Rules were never made for people like me’

That’s her motto in life.

Stephanie ‘Elara ‘ Marasigan is definitely living her life the way she wanted it to be. She loved her so-called freedom, and she always choosing herself over any other. Mas importante ang sarili niya kahit sa anong bagay sa mundo. She chooses herself. Every time.

No guilt.

No apologies.

Dahil sa motto niya, maraming nag-aakala na isa siyang typical spoiled rich brat. Nang mapagbintangan siya ng professor niya na may dala siyang illegal drugs na nauwi sa pagka-kick-out niya sa university ay agad siyang pinatapon ng mommy niya sa probinsya, kung saan mayor ang daddy niya.

Elara doesn’t like the idea of being with her dad—especially living in the province. Pangalan pa lang ng lugar parang kinikilabutan na siya!

‘Santo Birhen. Brgy. Marupok, Sitio Makisig’

Bata pa lang siya nang mahiwalay ang mga magulang niya at mas lumaki siya sa Mommy niya kaya hindi niya close ang daddy niya.

Unang apak pa lang niya sa Sitio Makisig ay bumangad sa paningin niya ang Assistant ng Daddy niya—Si Lorenzo Serrano. Tahimik. Mailap. Ang lalaki na kibuin-dili siya kahit na lagi siyang nagpapapansin dito.

Para kay Elara ay typical lang ang hitsura nito. Magaganda ang mga mata ni Lorenzo at idagdag pa na itim na itim na buhok nito na hanggang balikat. Hindi gusto ni Elara ang mahahabang buhok sa lalaki pero iba ang dating kapag tinititigan niya si Lorenzo.

Malaki at maganda ang katawan na para bang masarap pisilin ang mga braso nitong na matigas.

Unang kita pa lang ni Elara kay Lorenzo ay nag-uunahan na agad ang pagtibok ng puso niya lalo na’t kakaiba ang mga tingin na binibigay nito sa kanya. Ngayon lang naramdaman ni Elara ang ganoong klaseng damdamin.

Sa unang tingin pa lang, alam na ni Elara ay hindi ito ang tipo ng lalaking dapat niyang paglaruan. Hindi naman lingid kay Elara na malaki ang age gap nilang dalawa. Isa pa, laging ginigiit ni Lorenzo sa kanya na tawagin niya itong ‘Angkol’. Pamangkin lang daw ang tingin nito sa kanya. Nothing more, nothing less.

But still, she wanted him.

Gusto niya makuha si Lorenzo Serrano. Gusto niyang maangkin ang katawan nito, matikman kung gaano ba kasarap ang halik ng isang lalaki na malaki ang agwat ng edad sa kanya.

Parang naging isang misyon tuloy kay Elara si Lorenzo.

Ang pinakamailap na Angkol sa Sitio Makisig.

chap-preview
Free preview
C1
"Elara." Hindi pinansin ni Elara ang tawag sa kanya ng Mommy niya at minabuti na lang niya na abalahin ang sarili sa cellphone. Kasalukuyan silang nasa sasakyan nito at papunta sa lugar ng daddy niya kung saan ito ang tumatayong Mayor ng lugar. ‘Santo Birhen. Brgy. Marupok, Sitio Makisig’ Ha! Pangalan pa lang ng lugar, naiirita na siya. Kahapon nang sabihin sa kanya ng Mommy Kristell niya na sa lugar na siya ng Daddy niya titira para ituloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo ay para iyong bomba na sumabog sa mukha niya. She couldn't understand her mother's decision. Lalo't kalalabas lang kahapon ang desisyon ng school administration na i-drop-out na siya sa University nila. Elara is already in fourth year college, taking up Business Administration. Iyon nga lang—napatalsik siya sa school dahil nahuli daw siya ng Professor niya na may dalang m*******a. Hindi totoo ang bagay na iyon. Yes, she's a carefree person. She loved her so-called freedom, and she always choosing herself over any other. Lagi niyang inuuna ang sarili niyang damdamin, a typical Gen Z. But who cares? Mas importante ang sarili niyang kaligayahan. Ano ba ang motto niya sa buhay? ‘Rules were never made for people like me’ Isa pa, very vocal siya sa mga bagay lalo na kung sa paningin niya ay mali at hindi niya gusto. Dahil nga sa motto niya na iyon, maraming naiinis sa kanya. Marami siyang nakakalaban kahit na ibang professor pa. Matapang siyang tao, walang inuurungan. Like what she did with that Professor. Mali-mali ang mga tinuturo nitong principles lalo na sa course nila, kaya kapag ito ang nag-lecture lagi niyang kino-kontra ang lalaking professor nilang na iyon. Hindi nga alam ni Elara kung bakit pa ito natanggap sa University nila. Usap-usapan lang na malakas ito sa Dean ng course nila. Nagsumbong ito na may dala siyang illegal drugs sa school. Ito pa ang nagturo sa Dean nila kung saan part ng bag niya nakatago ang drugs. And the rest is history. Nalaman ng Mommy niya ang tungkol sa naging kaso niya. Nagkaroon ng hearing kasama ang ibang deans and officers ng University. Habang siya ay hindi nagsasalita kahit na anong tanong sa kanya ng mga ito. What for? Alam naman ni Elara na wala na siyang laban sa mga matatandang kaharap niya. Sa isip ng mga ito ay nahusgahan na agad siya without proper questions and interrogation. Ano pa bang saysay na ipagtanggol ang sarili niya? She was already f*3ked up. Pinagmalaki pa ng school sa mommy niya na hindi na lang daw nito i-re-report ang tungkol sa ginawa niya sa mga pulis. Basta tanggapin lang daw nila ang ihahain ng university. Hindi nga lang akalain ni Elara na maiisipan siya ipadala ng Mommy niya sa Daddy niya. She was eight when they decided to separate—and just like that, she learned not to depend on anyone. Lagi naman nag-aaway ang magulang kaya maganda ang naging desisyon nito na maghiwalay na lang. Ang daddy niya bumalik sa probinsya kung saan ito na ang mayor ngayon. At ang Mommy naman niya ay nag-focus sa negosyo at nag-asawa ng iba. Wala naman problema kay Elara na mag-asawa ng iba ang mga magulang niya, gusto lang niya na pabayaan siya nito sa mga gusto niya sa buhay. But not today. Kahit na anong tanggi niya ay hindi pa din niya maputol ang desisyon ng Mommy niya na tumira sa Santo Birhen. "Elara, please. Huwag matigas ang ulo mo. Kapag nasa poder ka na ng Daddy Vernie mo, magpakabait ka naman." Narinig pa niya na wika ng mommy niya ngunit pinili na lang niyang isuot ang airpods niya sabay pikit. Galit pa din siya dito dahil kahit ito ay alam niya na naniwala din ito na nagdala siya ng illegal drugs sa school. Kahit pala ang sarilig ina niya, hindi pa din pala siya kilala. Hindi alam ni Elara kung ilang oras na tumatakbo ang sasakyan nila. Sobrang layo talaga ng lugar ng Daddy niya at kahit eroplano ay walang bumabyahe sa Sitio Birhen. Sh1t! mura ni Elara sa isip. Tunog pa lang ng lugar na iyon masakit na sa dila. Tinapik siya ng mommy niya nang humito ang sinasakyan nilang van. "Let's eat, Elara. Dalawang oras pa bago tayo makaraing sa Sitio Birhen." Elara didn't even look at her mother. Walang salita na bumaba lang siya ng van. Huminto pala sila sa isang maliit na restaurant na nasa daan. Minabuti ni Elara pumunta muna ng restroom, sinadya niya na tumagal na halos fifteen minutes sa loob kaya pagbukas niya ay nakasimangot ang babae na kasunuran niya. Tinanggal ni Elara ang isang airpods para kausapin ang babae. "Ang tagal mo naman! Ihing-ihi na ako, eh." reklamo nito sa kanya, nakabusangot ang mukha. Nginisian lang niya ang babae. "Sorry, Miss. Tumae ako, baka may alcohol ka d'yan?" Inirapan siya nito. "Wala!" "Mabaho iyan tae ko, ingat ka. Huling nakaamoy niyan, lalong pumangit." Hindi na niya pinansin kung ano ang sagot sa kanya ng babae. Pumunta na siya sa pinaka-kainan ng restaurant at basta umupo na lang basta sa isang table. Abala na siya pag-scroll sa social media niya nang may napansin siyang anino sa harapan niya. Nang iangat ni Elara ang mukha niya ay bumungad sa kanya ang isang lalaki na may matiim kung tumitig sa kanya. Matangkad ito na halos mabali na ang leeg niya sa pagkatingala. Itim na itim ang buhok nito na umabot sa ibabaw ng balikat. Samantalang ang ilong naman ng lalaki na nasa harapan niya ay matangos, bagay na bagay sa maputing kutis nito. Mapula din ang labi nito na halatang hindi naninigarilyo. Nang tumapat ang mata niya sa braso nito ay napangiti si Elara. Bakit ang macho yata ng manong na nasa harapan niya? Napansin niya na nagsasalita ito. At dahil suot niya ang airpods niya ay hindi niya naririnig ang lalaki. Naka-enable din kasi ang noise cancellation niyon kaya malabo talaga na marinig man niya ito kahit na sumigaw pa ang lalaki na hanggang ngayon ay patuloy pa din sa pagbigkas ng salita na hindi niya maintindihan. But her eyes locked on his lips. Nakangiti pa nga siya habang nakatingin sa gwapong mukha nito na halatang naiirita na sa kanya habang siya ay pangiti-ngiti lang dito. Nang dumako ang tingin ni Elara sa braso nito ay lalong lumuwag ang pagkakangiti niya. Mukhang masarap pisil-pisilin. ang braso nitong matigas. Masarap paglaruan at humaga sa matitigas na braso nito. Awtomatikong napapitlag si Elara nang tanggalin nito ang isang airpods niya sa tenga. "Miss," madiin na sabi ng lalaki sa kanya. "May nakaupo na d'yan sa table." Napakurap si Elara. Bakit sobrang lalaking-lalaki naman ang boses nito? "No way," aniya, na mas kausap ang sarili. Hindi siya makapaniwala na masyado yatang maganda sa pandinig niya ang boses nito. Nagsalubong ang kilay ng lalaki sa sinabi niya. "Ano bang hindi mo naiintindihan sa sinabi ko na taken na table na 'to at nandito na ang pagkain ko?" Noon lang napansin ni Elara ang pagkain na nasa harapan niya. Mukhang nagsasabi ng totoo ito. Ngunit imbes na umalis ay mas sumandal siya sa upuan habang naka-krus ang dalawang kaway sa dibdib. Binigyan niya ang lalaki ng isang magandang ngiti—klase ng ngiti na alam niyang walang makakatiis. Subok na ni Elara ang bagay na iyon sapagkat gamit niya lagi iyon sa school nila when she's trying to win back a guy. "Pwede maki-share?" "No." "Come on, Mr?" "Mr. Get-out-of-my-table-now." mariing wika nito. "Iyan ang pangalan ko." She laughed. Malakas na halos tumingin sa kanya ang mga tao sa paligid niya. Ngayon lang siya natawa ng totoo sumula ng pagbintangan siya sa school nila. And she was laughing like no tomorrow. Naiiyak pa nga siya sa sinabi nito. "Anong nakakatawa?" Lalong nagsalubong ang kilay nito. Halata na asar na asar na sa inaasal niya. Ano bang mayroon sa lalaki at natatawa siya dito? "Elara!" Narinig ni Elara ang boses ng mommy niya na nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan niya habang siya ay naiiyak pa din kakatawa. "What are you doing here, Elara?" Napatingin ang mommy niya sa lalaki. "Lorenzo? Is that you?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
25.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
320.9K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
99.7K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
43.3K
bc

The Forgotten Wife

read
42.8K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
27.3K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook