He must admit.
Lahat nang katangian na nakakasakit talaga ng ulo ay na kay Elara na. She’s the kind of person who lives without worrying too much. Ginagawa ni Elara ang anoman maisipan nitong gawin kahit na pwede nitong ipahamak. Wala din itong pakialam sa iisipin ng ibang tao na nakapaligid dito.
Elara is living her own life.
But again, hindi pwedeng ipagkaila ni Lorenzo na kakaiba ang dulot ng babaeng ito sa kanya. Kung atraksyon ang pag-uusapan, kuhang-kuha ni Elara ang lahat ng parte na iyon. Napakaganda ni Elara, wala siyang halos paipinta sa panlabas na anyo nito.
Lalo't alam ni Lorenzo na sinasadya nito na halos mag-dikit ang mga katawan nilang dalawa.
Kung iba ang gumawa niyon sa kanya, malamang ay sinabihan na niya na huwag nang uulit. But Elara is different. Marami itong ginagawa na nagpapaligalig ng buong sistema niya, at binubuhay din nito ang p*********i niya na ngayon ay parang pumipintig na naman nang maalala niya ang mainit na tagpo nila sa loob ng sasakyan.
Tama si Elara na gusto niyang pagsisihan ang nangyari ngunit hindi na talaga niya mapigilan ang sarili kaya naman nagawa niya ang bagay na hindi dapat at pwede naman talagang iwasan kung gugustuhin niya.
Damn! mura niya sa isip.
Paano niya mapipigilan ang sarili niya kung halik pa lang na galing kay Elara ay para na siyang nababaliw? Halos kainin na nga niya ang labi ng dalaga at parang uhaw na gustong ubusin ang matamis nitong laway. Pakiramdam ni Lorenzo ay masyado siyang nauuhaw sa dalaga.
Nawala nga siya sa sarili nang makita niya ang magkabilang d1bd1b nito na talaga naman nakakabaliw lalo na nang matikman niya. Si Elara yata ang pinakamasarap na natikman niya sa buong buhay niya.
Tangina!
Napahawak si Lorenzo sa ulo, hindi niya tuloy alam kung ano ang mainit. Ang ulo niya sa taas o ang ulo niya sa baba.
Hanggang ngayon kasi ay parang sundalong tumatayo kapag naaalala niya ang tagpo nila ni Elara sa loob ng sasakyan. Hindi tuloy siya sigurado kung kaya ba niya talagang panindigan ang proposal niya dito na no physical touch.
Unang araw pa lang niya bilang personal assistant nito pero parang matutuyuan na siya ng utak.
"Angkol!"
Nakangiting tawag sa kanya ni Elara na ngayon ay sinisipat ang isang motor na kulay puti. Mukhang may nagustuhan ng motor.
"Come here, please!" utos nito sa kanya.
Napailing si Lorenzo. Ilang araw pa lang, sunud-sunuran na siya sa mga gusto ni Elara. Nilapitan niya ito.
"Look, Angkol. I just found what I want."
Hinawakan ni Elara ang puting Honda Scoopy. Tama naman ang napili nito, may kaliitan ang motor na kaya nitong abutin lang na hindi nahihirapan.
"Pwede mo i-try ang motor."
Napalingon silang dalawa nang marinig nila ang isang lalaki na titig na titig ngayon kay Elara. Awtomatikong nagsalubong ang kilay niya. Hindi niya kasi nagugustuhan ang klase ng tingin na binibigay nito sa dalaga.
"Hindi na," mariing wika niya. "Kukunin na namin ang motor. May bago ba kayong stocks nito?"
"Bago naman ang stock na hawak niya, Ms?"
"Elara." sagot ng dalaga dito sabay ngiti. "Can you give me a discount?"
"Sure, why not?" sagot naman agad ng lalaki. Halataan naman na type nito si Elara. "Ako na owner ng shop na ito, pwede kitang bigyan ng twenty percent discount."
"Talaga?" ani ni Elara na halatang natuwa sa narinig. "Malaking bagay ang discount mo."
"I'm Marvin."
"Salamat, Marvin."
"No, hindi namin kukunin ang discount na iyan." turan niya na pumagitna pa siya sa dalawa. "Ako na bahala magdagdag sa kulang mo, Elara. Money is not an issue here."
Binalingan siya nito. "Ano ka ba, Angkol? Sayang ang twenty percent discount."
"Wala akong pakialam, Elara. Kukunin na namin ang motor, and we don't need that discount. Prepare the papers within an hour or else we will buy somewhere else." aniya sa boses na istrikto at seryoso.
Iyon ang klase ng tono na ginagamit niya kapag may tine-train siyang mga junior noong nasa military pa siya. Kaya imposible na hindi makaramdam ng takot ang lalaking gustong kumuha ng atensyon ni Elara.
"Makakaalis ka na." utos niya dito na agad naman siyang sinunod. Mukhang nagtagumpay siyang takutin dahil nagmamadali itong umalis sa harapan nila.
"Problema mo?" kunot-noong tanong ni Elara sa kanya.
"Wala." mariing sagot niya.
Kahit naman siya, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya iyon ginawa. Basta ang alam lang niya, hindi niya nagugustuhan kapag may mga lalaki na umaaligid kay Elara.
"Sayang iyon discount."
Nagkibit-balikat siya. "Ako na bahala sa kulang mo. Maliit na bagay iyan, Elara."
Tumaas ang kilay nito. "Marami akong pera, Angkol. Teenager pa lang ako, hindi na ako humihingi ng financial support sa parents ko."
"Paano?" tanong niya kay Elara na abala pa din sa pagtingin ng motor na gusto nitong bilin.
Ayaw man niyang aminin, curious siya sa buhay ng anak ng kaibigan niya.
"Just doing what I really want." simpleng sagot nito sabay sakay ng motor.
Mukhang marunong ngang magmotor si Elara base sa galaw nito. Hindi na siya nagtaka nang madali lang nitong napaandar ang makina.
"Sakay ka, Angkol?" nakangising tanong ni Elara sa kanya.
"Marunong ka?" tanong niya. Kahit alam naman niya ang sagot.
"Oo naman! Gusto mo pumunta pa tayo sa langit, eh." natatawang sabi nito sa kanya. Halata na iba na naman ang nasa isipan nito.
"Elara." saway niya dito.
"Oh, bakit na naman, Angkol?" natatawa na naman turan nito. Mukhang may gagawin na naman si Elara na kalokohan.
"I know you, Elara." wika niya habang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga.
Iba talaga ang ganda nito, feeling nga niya hindi siya makahinga habang nakatitig sa mata nito na buhay na buhay ang kislap. Her eyes are full of life.
Pinaga nito nang ilang beses ang sinilyador.
"Sakay ka na, Angkol!" utos nito sa kanya.
Umungol siya pero alam naman niya sa sarili niya na hindi niya ito kayang hindian. Nang akmang aangkas na siya ay pinaarangkada ni Elara palayo sa kanya ang motor sabay lingon.
"Bawal kaya, Angkol!" malakas na sigaw nito. Walang pakialam kung may nakakarinig. "No physical touch, remember?"
She laughed. Buhay na buhay ang tawa.
"Bye, Angkol! I'm going to test drive my new toy!"