XII

1903 Words

Alas diyes na ng gabi ngunit wala pang balak na umuwi si Alexei. Wala rin namang gagawin si Lana sa apartment niya dahil nakakain na sila sa labas kaya naman sinamahan na rin niya ito sa pag-iikot sa lungsod. Tahimik ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin dahil malapit nang mag-umpisa ang ber months. Hindi umiimik ang lalaki at ganoon din si Lana. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at mas lalong hindi niya malaman kung bakit napakabilis ng kabog ng dibdib niya ngayong hawak nito ang kamay niya. Pasimple niya itong pinagmamasdan habang naglalakad. Katulad ni Vladymir Krasny ay may malapad din itong dibdib at balikat. Matitipunong mga bisig. Mga kamay na bahagyang magagaspang. Buhok na may pagka-light brown lalo na kapag tinamaan ng ilaw. Prominenteng panga at hugis pusong mukha. Hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD