Napasipol si Vladymir nang matanaw si Lana na naglalakad palapit sa kubo nila. Dahil apat na araw na walang pasok ay napagdesisyunan nilang dalawa na magtungo sa isang beach resort malapit sa siyudad ng X. Pagkakataon na rin niya iyon para masolo ang dalaga at sandaling makahinga mula sa nakakasakal na trabaho niya bilang kanang-kamay ni Igor Krasny. Lana's skin was glistening under the sun. Ang tanging suot lamang nito ay two piece na kulay itim na mas lalong nagpalitaw sa ganda ng hubog ng katawan nito. Straw hat. Sunglasses. Bare-footed. Dumiretso ng tayo si Vlad. Nag-inat. Siya man ay nakahubad-baro lang din at nakasuot ng floral shorts. Wireless ang voice modulator niya at water-proofed kaya naman wala siyang problema masyado. Ang tanging inaalala niya lang ay ang contact lenses ni

