Tahimik na pinagmamasdan ni Vlad ang dalaga habang abala ito sa pagtingin-tingin sa mga estante sa loob ng supermarket. Naghahanda silang dalawa para sa long weekend at pinaplano niya na dalhin ito sa kung saan. Nakapagpaalam na siya kay Nikolai. Ito na ang bahala na gumawa ng alibi kung sakaling hanapin man siya ni Igor. Nagrigodon ang kanyang dibdib nang iipit ng dalaga ang ilang hibla ng buhok nito sa likod ng tainga nito. Nakatuon pa rin ang pansin sa balot ng chichiryang hawak-hawak nito. Bahagya siyang napangiti nang mapansin ang mga iniwang marka ng labi niya sa leeg ni Lana. "Tunaw na tunaw na ako, Alexei," mahinang puna ng dalaga bago inilagay ang chichirya sa push cart na hawak niya. "Why, is it wrong to stare at you, babe?" Inirapan siya nito ngunit may ngiti na naglalaro

