Nakabusangot si Yllana. Hindi niya naman talaga gustong magpunta sa Red Angel. Ngunit dahil sa kakulitan ni Mallorie, ang kanyang kaibigan at co-teacher, ay heto siya ngayon at nakapila sa entrance ng naturang night club. Nakasuot ng bestidang may pagkahapit sa katawan. Nakasuot ng high heels at may bahid ng makeup ang mukha.
Bente singko na si Lana at isang guro sa isa sa mga prestihiyosong paaralan para sa mga anak ng mayayaman sa siyudad ng X. Preschool ang tinuturuan niya dahil mahilig siya sa mga bata. Masaya naman siya sa takbo ng career niya. Hindi nga lang sa takbo ng karera niya sa pag-ibig. Paano ba naman, kaka-break lang nila ng huli niyang nobyo. Nahuli niyang gumagawa ng milagro sa locker room kasama ang isa sa mga co-teacher nila. Kaagad siyang nakipaghiwalay. Ganoon din kasi ang nangyari sa ibang mga naging nobyo niya. Sa buong tanang buhay niya, ang tatlong lalaking sinagot niya ay niloko lang din siya. Matapos niyang isuko ang Bataan, hayun at ibang Bataan na ang ginagalugad ng mga ito. Kung hindi siya niloloko, bigla na lang siyang hindi kinakausap. Hindi malaman ni Lana kung ano bang problema sa kanya. Maganda siya, sa katunayan dahil Russian ang kanyang tunay na amang iniwan sila noong sanggol pa lamang siya. Maganda rin ang hubog ng katawan at mapag-alaga. Hindi na sila lugi, 'ika nga.
"Alam mo, Lana, imbes na magmukmok ka d'yan, maghanap ka ng fafa ngayong gabi. Huwag mo nang isipin 'yong ex mong pangit!" patutsada ni Mallorie habang nakapila.
Inirapan niya ito. "Sa dinami-dami naman kasi ng puwede nating puntahan, dito pa talaga sa Red Angel, Mallorie."
Kilala niya ang tunay niyang ama. Si Igor Yngvar Krasny. Nakakatawa nga lang dahil nasa iisang siyudad lamang sila. Humihinga at nabubuhay sa ilalim ng iisang kalangitan. Ngunit kahit kailan ay hindi sinubukan ni Lana na lapitan ang kanyang tunay na ama. Sagad sa buto ang pagkamuhi niya rito dahil iniwan sila nito ng kanyang Mamang Sofia para sa mga negosyo nito. Sinubukan niyang kalimutan at burahin sa isipan niya na ito ang kanyang ama. Lalo na kapag naaalala niya kung gaano naghirap ang kanyang ina para lamang maitaguyod siya mag-isa.
Kaya naman ayaw na ayaw niyang nagagawi sa mga establisyimientong pagmamay-ari nito. Katulad ng Red Angel. Pinapaalala lamang niyon sa kanya na iniwan sila ng kanyang ama para sa yaman. At ang pait ng buhay-pag-ibig ng kanyang ina.
"Sus, ano ka ba! Hindi mo makakasalubong 'yon, believe me," pagpapalubag-loob ni Mallorie sa kanya. "At saka, buti kung may care pa 'yon sa'yo, gaga. Iniwan nga kayo ni Tita Sofia, 'di ba?"
Hindi na siya nakasagot dahil sila na ang susunod na papasok. Kinapkapan muna sila ng guwardiyang babae bago binigyan ng passes ng bouncer. Kailangan kasi na may reservation bago makapasok sa nightclub na ito. Alam niya na nahirapan si Mallorie na makakuha ng reservation kaya naman napilitan na rin siyang sumama. Isa pa, ginagawa iyon ng kaibigan para makalimutan ang kasawian ng kanyang pag-ibig nitong nakaraan lang.
Nang makapasok ay hindi niya napigilang hindi mamangha sa ganda ng interior ng night club. Halatang pangmayaman talaga. Mula sa mga ilaw nitong pula, asul, at dilaw, hanggang sa bar nito na may mga mamahaling inumin at sa malawak na dance floor, alam mo na hindi ito basta-bastang night club lang.
Mabilis siyang hinatak ni Mallorie patungo sa bar at um-order ng inumin. Tequila ang napili niya dahil gusto niyang magpakalasing at tumikhim ng kakaiba. Madalas kasi ay lady drink lang ang ino-order ng dalaga. Libre naman lahat ng kaibigan niya kaya hindi siya umalma nang um-order pa ito nang um-order.
Bahagya na siyang may tama nang sikuhin siya ni Mallorie. "Hoy, Lana! Tingnan mo, o! Nakatingin sa gawi natin 'yong dalawang naka-maskara. s**t, ang yummy!"
Dahil sa lakas ng tugtuging nagmumula sa DJ booth ay inilapit niya ang tainga niya rito. "Ano?"
Napapalatak si Mallorie. Medyo lasing na rin ito. "Tanga, tumingin ka sa harap mo! Nakatingin sa'tin 'yong dalawang naka-maskara!"
Napalingon si Lana sa itinuturo ni Mallorie. Nakatitig nga sa kanila ang dalawang lalaking nakasuot ng maskarang tumatabing sa kalahati ng mga mukha nito. Ang talagang nakapukaw sa pansin niya ay ang nakaupo, 'yong may hawak na baso ng brandy. May suot itong leather gloves at bahagyang nakabukas ang polong suot at maluwag ang pagkakatali ng kurbata sa leeg nito. Bahagya niyang nakikita ang malapad na dibdib nito. Napalunok ang dalaga. Nakatingin ba ito sa kanya?
"Kita mo, pati ikaw na-starstruck."
Inirapan niya ito. "Huwag kang assuming. Imposibleng tayo ang tinitingnan ng mga 'yan."
"Yeah, right." Humagikhik ito. "I dare you, Lana."
"Ha?"
"Gusto mong makalimot kahit ngayong gabi lang, 'di ba? Lapitan mo 'yong nakaupo. Use your charms, girl."
Inirapan niya ito. "Sira ka ba? Ayoko nga!"
"Tss, duwag. Mahina ka pala."
Sa inis ay na-bottoms up niya ang tatlong shot ng tequilang dumating. Pinunasan niya ang labi pagkatapos ay tumayo.
"O, saan ka pupunta?"
Ngumisi siya. "Hindi ako duwag, Mallorie," saad niya bago naglakad papalapit sa dalawang lalaking itinuturo nito.
——————
Hindi makapaniwala si Vlad. Si Maria Yllana Herrera, nakaupo sa harapan niya. Just across him inside the f*cking Red Angel night club. Nakasuot ng bestidang may pagkahapit sa katawan nito na nakatali sa may balikat. Stilletos. And makeup. Napapansin niya na nakatingin din dito ang ibang mga lalaki sa loob ng night club. He drank some brandy to dampen his dry throat to no avail. Parang gusto niyang tungkabin ang mga mata ng mga lalaking nakatingin sa dalaga.
"Hoy, Vladymir! Care to share?" untag ni Nikolai sa kanya.
"Look at that two women in front of us, Nikolai."
Lumingon ito sa mga itinuro niya. Hindi niya maalis ang titig kay Yllana. Muling nagbalik ang kakaibang sensasyong kanina pa dumadaloy sa kanyang ugat. He wasn't just hallucinating earlier when he saw her face in the crowd. It's her, in the flesh. Mukhang hindi niya kailangang hintayin ang bukas para umpisahan ang trabaho niya.
"Wow, are you a man now, big brother?"
"Shut up, asshole."
"In fairness, ang ganda no'ng naka-strapped dress. Maganda rin 'yong kasama niya."
Hindi niya pa naipapakita kay Nikolai ang litrato ni Yllana. Nagtatalo ang kalooban ni Vladymir. Hindi niya malaman kung paano niya ito lalapitan at kakausapin. Tila nakatunog naman ang kasama nito dahil siniko nito ang dalaga at ininguso sila. Parang may pinagtatalunan pa ang mga ito. Halos malaglag ang panga ni Vlad nang inumin nito ang tatlong shot ng tequila at tumayo.
Huminto ang ikot ng mundo niya nang maglakad ito papalapit sa kanila. Tila nawala ang mahalay na tugtuging nagmumula sa DJ booth. His eyes focused on Yllana. On how she made her way towards him, and pulled him by hand. He can faintly hear Nikolai's cheering behind him. Nilulunod ng pintig ng kanyang puso ang ingay ng paligid. Bago sumama sa dalaga ay ininom niya ang natitirang laman ng baso niya bago inilapag iyon sa counter.
Hinayaan niya itong igiya siya sa dance floor. Ang abuhing mga mata nito ay tila may gayumang humihipnotismo sa kanya. He swallowed hard when she wrapped her arms around his neck, still not breaking the gaze. She grinded her pelvis against his, the friction created sent him to fiery pits of his desire. Nag-umpisang tumugtog ang awiting tila pumupukaw ng kanyang kamalayan.
"Boy, look at me
Stare at this body
You got me achin', achin' so badly
Want you to eat this cherry"
Kasabay ng sensuwal na awitin ay ang pag-indayog ng katawan ng kasayaw. Ramdam niya ang bawat pagdaplis ng balat nito sa suot niya. Parang nag-uusok ang paligid sa pakiramdam ni Vlad. The heat was so intense that he was starting to feel breathless. Awtomatikong napahawak siya sa mga beywang nito habang gumigiling ito sa harapan niya.
"Tease me, strip me
Boy punish me, kiss me baby
Remove this clothes, hasty
Make it quick, let's go on a spree
Do I have to spell it?
F-*-C-K me"
Alam niyang hindi siya dapat bumigay sa panunukso nito. Ipinagdiinan na ni Igor sa kanya na mapapatay siya nito kapag ginalaw niya ang anak nito. Pero, t*ngina, sino ba namang hindi maaakit dito? bulong ng isipan ni Vlad. He might be a monster virgin but he also got impulses. He got instincts. He's just a human, easy to tempt. And this little temptress in front of him is doing a good job on making him give in to her charms.
"Ano, magtititigan lang ba tayo?" bulong nito sa kanya bago pinaikot ang beywang nito. Gustong magmura ni Vlad. Ayaw niyang bumigay sa tukso ngunit pinapahirap ng dalaga ang kanyang pagpipigil. His body is on fire already and the least thing he wants to do now is to suppress his needs. Nananakit ang kanyang puson at ulo. Nababaliw na siya sa pinaggagagawa nito.
"You don't know who you are dealing with, woman," paanas na saad niya.
Tumawa ito. "Wala akong pakialam kung ikaw pa ang presidente ng Pilipinas. You teased me. Panindigan mo 'to," nanunudyong saad nito.
He snickered. "I teased you?"
"Yes, you did," sabi nito bago nag-iba ang tono ng boses nito. Lumapit ito sa tainga niya at bumulong, ang yakap nito sa kanyang leeg ay mas lalong humigpit. Marahang pinapadaan ng dalaga ang kuko ng mga daliri nito sa likod at leeg niya. "You teased me with those eyes, those f*cking eyes. You've been staring at me like a starved man, and honestly, I don't mind doing it now, if... you know what I mean."
Nag-aawitan ang mga demonyo sa isipan ni Vladymir. O, tukso. He can feel his control slipping. Lalo na nang pilyang kagatin ng kasayaw ang kanyang tainga. Gusto niya man itong pigilan ay hindi niya magawa na itulak ito. Tila may sariling utak ang katawan niya na mas lalo pang dumidikit sa katawan ng dalagang gumigiling at umiindayog sa harapan niya.
"You shouldn't ask strangers to have s*x with you, you know?" pangangaral niya rito.
Tumawa ito. "Ikaw lang naman ang inalok ko ng gan'to. Huwag ka nang magselos."
Kaunting-kaunti pa, Vladymir. Kaunting-kaunti pa at bibigay ka na, sigaw ng kanyang isipan. His mind is melting. In a state of dilemma. Hindi niya mawari kung ilang santo na ba ang natawag niya sa kanyang isipan kahit na hindi naman siya relihiyoso.
Paulit-ulit na napalunok si Vlad nang hawakan nito ang isang kamay niya at ilapat sa pang-upo nito. Para siyang nakuryente nang lumapat ang balat niya sa balat nito. Nais niyang alisin ang kamay niya ngunit nagrerebelde ang sarili niyang katawan sa isipan niya. Napadpad iyon sa ilalim ng bestida ng dalaga. Ramdam niya ang tela ng panloob nito at ng stockings nito na dumadaan sa kanyang palad.
"See? You're loving it, baby." Tumawa ito. "Say you're loving it..."
"You..." gumagaragal na ang tinig niya dahil sa paghihirap na nararamdaman.
Mahina itong tumawa. Sinalubong ng asul niyang mga mata ang abuhing mga mata ng dalaga. Panganib. Panganib ang dulot nito sa sistema niya. Isang panganib na gustong suungin ni Vladymir.
Tuluyang nawala ang pagtitimpi niya nang hagkan siya nito. Mariin iyon. Mapang-akit. Mapusok. Pilit na nanghihimasok sa sistema niya. Napasandal ang lalaki sa pader at mariing naipisil ang kamay niya. Ang pag-ungol ni Yllana ang dahilan para padalus-dalos siyang magdesisyon para sa gabing iyon.
Forgive me, Father, for I have sinned, bulong ng kanyang isipan habang inaalala ang bilin ni Igor sa kanya.