II

2075 Words
"Come in." Hindi na nag-atubili pa si Vladymir. Nang marinig ang boses ng kanyang ama ay binuksan niya ang pinto ng opisina nito. Nakaharap ito sa malaking glass window kung saan natatanaw ang kabuuan ng X, may subo-subong tabako sa bibig. Isinara niya ang pinto at lumapit rito, inilabas ang kanyang ginintuang lighter na iniregalo sa kanya nito noong disiotso siya, at sinindihan ang nasa bibig nito. Igor Yngvar Krasny. Ang may-ari ng Krasny Corp. Pinuno ng angkan. Ang kumupkop kay Vladymir at Nikolai noong mga bata pa lamang sila. Nagbihis, nagpakain, at nagpa-aral sa kanilang dalawa. Hindi niya naman masasabing malupit ang kanyang kinagisnang ama. Hindi rin naman malambing. May mga panahong isa itong mabuting ama ngunit may mga panahon din na pinarurusahan sila nito upang maituwid ang mga pagkakamali nila. Medyo maluwag ito kay Nikolai dahil alam nito na hindi nito naaatim ang ibang mga kayang gawin ni Vladymir at naiintindihan niya iyon. Bahagya pa nga siyang nagpapasalamat dito dahil si Igor ang dahilan ng kanyang pagkadisiplinado at pagkamaaasahan. "Have a seat, Vladymir." Naupo si Vlad sa katapat na upuan nito. Tahimik na naghintay. Hindi umiimik ang kanyang ama. Patuloy lamang nitong pinapanood ang siyudad habang lumalalim ang gabi. Sumandal siya sa kinauupuan niya. Mabilis siyang mainip ngunit ayaw niya na magalit si Igor sa kanya. "Are you interested on taking over once I retire, Vlad?" Hindi siya nakahuma. Inaalok ba talaga siya nito na maging pinuno kapag bumaba na ito sa puwesto nito? Alam ni Vlad na siya ang sumunod na may pinakamataas ba katungkulan sa kanilang angkan, ngunit inaasahan niya na si Nikolai ang gagawin nitong tagapagmana dahil magaling ang kanyang kapatid sa numero. Tumikhim siya bago sumagot. "I don't think I'm worthy, Father." Ibinuga nito ang usok mula sa tabako nito pagkatapos ay hinarap siya. Lampas singkuwenta na si Igor. Malaki ang pangangatawan at matipuno kahit na may edad na. Katulad niya ay natatakpan ang mukha nito ng maskarang purong ginto. Hinubad iyon ni Igor at ipinatong sa lamesa nito. Ang mga mata nitong pinaghalong abo at itim ang sumalubong sa mga asul na mata ni Vlad. Ngumisi ang kanyang ama at sumandal sa upuan nito, patuloy ang paghithit-buga sa tabako nito. "Bakit hindi? Ako ang nagpalaki sa'yo. Ako ang nagsanay sa'yo. Alam ko kung ano ang kakayanan mo." Nag-iwas siya ng tingin. "Mas magaling si Nikolai sa numero, Papa. Mas mapapalago niya ang negosyo." Mahinang tumawa ang matanda. "Nikolai is still a naive, young kid, son. I don't think he can handle this business. Kahit na sa simpleng tilamsik ng dugo ay namumutla na 'yon." "I'm training him, Father. Kaunting tiis lang. I can make Nikolai like me too," pangangako niya rito. "You know that is impossible, Vladymir. And besides, don't you want to run the family's business? Ikaw na halos ang umaasikaso sa lahat. Kayo ni Nikolai. I've asked him the same question and he told me that the job suits you better. And I couldn't disagree. Isa pa, malaki ang tiwala at respeto sa'yo ng mga kasapi ng angkan." He sighed. Mukhang desidido na ang kanyang ama. Wala na siyang magagawa roon. Ang tanging kailangang gawin ni Vlad ay sumunod. At isakatuparan ang presyong kailangan niyang pagbayaran upang makamit ang posisyon nito bilang pinuno. "But there's one thing I want you to do, Vlad. The last chore before I hand over my position to you." "What is it, Father?" Tinalikuran ulit siya nito at tumitig sa siyudad. Unti-unti nang nauupos ang tabako nitong hindi na nito ginagalaw. "Find my daughter for me." Napakunot ang noo ni Vlad. Sa pagkakaalam niya ay walang anak si Igor. Nang kupkupin sila nito ay wala itong pamilya. Binata. Ang tanging itinuring na pamilya nito ay siya at si Nikolai. "Daughter?" Pansin niya ang bahagyang panginginig ng kamay nitong may hawak ng tabako. Inilapit nito iyon sa bibig at humithit bago ibinuga ang usok mula roon. "You heard me right." Hindi nakaimik si Vlad. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat na maramdaman. Matutuwa ba siya? Magagalit? Maiinis? Nakalimutan na niyang makaramdam ng ibang emosyon simula noong pinasok niya ang mundo ng pagiging isang Krasny. "Katulong ang nanay niya sa bahay namin. My parents moved me here so that I can train on handling the oil business here. I was an only child and their expectations for me were too high to reach. Sofia, my daughter's mother, was there. She was always there to comfort me and provide me solace. I got her pregnant and my family found out. It was alright for them, but I can't marry her even though I wanted to. Isa pa, gusto nila ng lalaking apo. Para may magmamana ng negosyo. Nang malaman nila na babae ang magiging anak ko, binalak nila na..." Gumaragal ang tinig ng matanda. Hindi malaman ni Vlad kung naiiyak ba ito dahil parang bato si Igor. Walang emosyon. Isa iyon sa mga kakaiba at bihirang pagkakataon na nakita niya na may bahid ng emosyon ang tinig at mukha nito. "They tried to kill her and my daughter so I did what I thought was the best. Iniwanan ko sila. I cut ties with Sofia and tried to move on with my life until I inherited this company and started to be the head of the family business. Sinubukan kong makipag-ugnayan sa kanila ulit, sinubukan kong tustusan ang anak ko pero ayaw na akong kausapin ni Sofia. Akala niya, inabandona ko na talaga sila nang tuluyan. Inilayo niya sa akin ang bata. Tingin ko, maigi na rin iyon para hindi siya lumaki sa mundong ganito." "Why do you want me to find her, Father?" Humarap ito sa kanya. Blangko ang ekspresyon sa mukha nito. "Ilang taon na ring may alitan sa pagitan ng angkan natin at ng mga Berlusconi. You knew that very well. Ilang beses nang nagkaro'n ng riot sa pagitan ng mga tauhan nila at tauhan natin. We've been wasting human resources and bullets with those goddamned idiots so we came up on an agreement. Arranged marriage between our clans would help establish peace. Ang problema, lalaki ang anak nila. I have no other options but to look for my daughter. I'm a man of my word, Vladymir. Ayokong baliin ang usapan at ayoko nang may malagas pa sa mga tauhan ko dahil lang sa pesteng alitan na 'yan." Inilapag ni Igor sa harapan niya ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa anak nito. Pagbuklat ni Vlad ay litrato ng isang babae ang unang bumungad sa kanya. He's not going to deny it that she's attractive. Ang paghahalo ng Ruso at Pilipinong dugo rito ay may magandang kinalabasan. Katulad ni Igor ay abuhin ang mga mata nito at may pagka-pula ang buhok. Maninipis at mapupulang labi at maputing kutis. Tumikhim ang kanyang ama dahilan para magbalik siya sa huwisyo. "That's Lana. Maria Yllana Herrera. Tatlong taon ang tanda mo sa kanya. I heard that she's a preschool teacher now in some elite private school inside X City. Wala ka nang dapat ipag-alala sa nanay niya dahil matagal nang patay si Sofia. I want you to bring her to me so that the Krasnys and the Berlusconis can prepare for the wedding early." Vlad took a deep breath as he scanned the documents. Madali lang ang trabaho para sa kanya ngunit mukhang mamomroblema siya kung paano niya papasamahin ang dalaga sa kanya ganoong hindi pala maganda ang istorya ni Igor at ng ina nito. "The job is very clear to me, Father. Pero gaano ka nakasisiguro na makikipagtulungan si Ms. Herrera sa atin? Given that..." "That's your job, Vlad. Figure it out. All I need you to do is to make her join our clan. By hook or by crook. Wala akong pakialam sa kung paano mo gagawin ang utos ko but don't be rough on my daughter or I'll blow your brains out. Kailangan mong makuha ang loob niya para maisama mo siya rito. No violence.And also, don't even try to kiss or f*ck my daughter or I'll hunt you to the ends of the Earth." He took a deep breath and let out a sigh. Aware naman siguro si Igor na wala siyang karanasan sa mga babae, ano? Aware naman siguro ito na 'monster virgin' ang palayaw sa kanya ng kanyang kapatid. Nikolai had more experience on handling women than him. But what can he do? Hindi siya puwedeng magreklamo. At mas lalong hindi siya puwedeng umatras sa trabahong inaalok ng kanyang ama. Iba ito magalit. Isa pa, kahit kailan ay hindi niya sinuway ang utos nito dahil paraan niya iyon ng pagpapasalamat sa pagpapalaki nito sa kanya. "Do this job and I'll guarantee you that you're the next one to sit on this chair, Vlad." Mayamaya ay nagpaalam na siya rito at lumabas ng gusali. Alas dose na ng hatinggabi. Bukas pa ang Red Angel at napagpasiyahan niya na magtungo roon at guluhin si Nikolai. Bukas na lang niya uumpisahan ang trabahong iniatas sa kanya ng kanyang ama at kailangan niyang iproseso sa utak niya ang mga impormasyon. Nang marating niya ang kanyang Maserati ay napatingin ulit si Vlad sa litrato ng dalaga. Napabuntong-hininga siya at hinagod ang kanyang batok. Mukhang mahihirapan siya sa trabahong iyon. Hindi niya alam kung paano magpaamo ng babae. 'Ni hindi nga siya nakikipag-usap sa babae. Paano niya pa kukuhanin ang loob ng anak ni Igor? Hinubad ni Vladymir ang suot na longcoat at maskara at inilapag iyon sa passenger seat. Minsan pakiramdam niya ay nakakasakal ang trabaho niya. Itinutulak siya niyon na gumawa ng mga bagay na minsan ay alam niyang wala na sa kakayahan niya. Ngunit ganoon pa man, hindi magawa ni Vladymir na humindi. O ang tumutol. Tuta siya ng matandang Krasny. Ganoon na rin si Nikolai. Sunud-sunuran sila sa lahat ng gusto nitong ipagawa sa kanila. Tinawagan niya si Nikolai habang nagmamaneho. Madalas na katu-katulong niya ito kapag may mga kailangan siyang linisin at gawin. "What's up, Vlad?" "Did you just f*cking recommended me to be the next leader of the clan?" "Ayaw mo?" nambubuskang tanong nito. "Hindi sa ayaw ko, Nikolai. But, ugh, goddamnit. I'm losing my wits with this new assignment. Kapag hindi ko raw 'to nagawa, hindi ko makukuha ang posisyon. I should've convinced Father to make you do it." "Bakit, ano bang pinapagawa ni Papa?" Ikinuwento niya ang mga nalaman mga impormasyon tungkol sa bago niyang trabaho. Mayamaya ay humahagalpak na ng tawa ang kapatid sa kabilang linya. "Kaya ka naman pala nagkakagan'yan, may involved na babae. Kaya mo 'yan, Vlad. Kagatin mo kapag umayaw. Halikan mo kapag tumutol." Minura niya ito. "Asshole. She's off-limits." Lalong lumakas ang tawa ni Nikolai. "Is she pretty?" "Who?" "The daughter." Hindi nakaimik si Vlad. Maganda naman talaga ang anak ni Igor. Ayaw niya lang isipin dahil ayaw niyang mabahiran ng ibang kahulugan ang kanyang trabaho. Isa pa, alam niyang mas aasarin siya ni Nikolai kapag sumagot siya. "So-so. Kamukha ni Papa." Halos hindi na makahinga sa kakatawa ang kausap sa kabilang linya. "Alam ko na kung bakit ayaw mong gawin. Ayaw mo bang manuyo ng babaeng mas maton pa sa'yo, Vlad? F*ck, I can imagine Father with long hair in a tube top." Hindi na napigilan ni Vladymir ang mahinang pagtawa dahil sa kalokohan ng kapatid. "If Father's here, he'll make you clean up dead bodies again." Ngunit hindi nagpapigil ang kausap. Naririnig niya ang tugtog ng bar sa background. Nasa Red Angel pa rin ito. Siguro ay umiinom o nag-iikot-ikot. "You know what, Vlad? Samahan mo na lang ako dito. Let's drink our f*cking worries away. Malay mo, ma-train mo ang boy charms mo ngayong gabi at nang hindi ka na mamroblema sa misyon mo." Ngumisi siya at inapakan ang silinyador. But it didn't made Vlad's worries go away. Hindi niya alam kung paano niya gagawin ang misyon. O kung kakayanin niya ba. But there's something with the eyes of Maria Yllana that makes his blood scream. Makes him nuts. It was as if she's some kind of drug that drives him insane. Ang kakaibang init sa katawan niya ay hindi niya maipaliwanag nang marating niya ang Red Angel. At nang bahagya niyang maaninag ang mukha ng anak ni Igor sa mga nakapilang costumer. Naiiling niya tuloy ang kanyang ulo at isinuot ang kanyang maskara. God, Vladymir. Get a grip!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD