Disclaimer: This story would contain graphic scenes that some viewers might find disturbing. Viewer discretion is advised.
Napadilat si Vlad sa tunog ng kanyang alarm clock. Grunting, the six-foot tall Russian-Filipino stood up, the blanket falling on the floor, kissing his smooth skin. Alas sais na pala ng gabi. Umpisa na ng trabaho niya.
Alexei Vladymir Krasny. Twenty-eight. Goddamned single. The right-hand man of the fearless Igor Krasny, his adoptive father. Halos lahat sa loob ng kanilang angkan ay kinatatakutan siya. Mula sa kanyang asul na mga matang walang bahid ng emosyon hanggang sa kanyang mga pangang umiigting kapag nagagalit o nagpipigil ng gigil, o ang mga kamay niyang ilang daang ulit nang nabahiran ng dugo, si Vlad ang isa sa mga miyembro ng Krasny clan na hindi gugustuhing makabangga nino man. Ang tanging niluluhuran niya lamang ay ang kanyang ama. Kahit na siguro ang mga bala ng baril ay uurong kapag siya ang makakasalubong.
Vlad is a living monster with the face of a Greek god. Wala siyang awa sa lahat ng mga tumitiwalag sa kanilang angkan. Lalo na sa mga kaaway. Either they'll lose their tongue or their fingers or their balls, he never shows remorse on his punishments.
He stretched his arms as he watched the city of X from his window. Papadilim na. He knew Nikolai, his assistant and brother, had already taken care of some matters for him, but he still wanted to make sure that his little brother has disposed some evidences correctly.
Removing his robe, Vlad slipped into the shower, letting the water glorify his skin. Nag-umpisang maglandas ang kaniyang mga daliri sa kanyang matitipunong braso, patungo sa kanyang malapad na dibdib, pababa, habang dinarama ang lamig ng tubig na nanggagaling mula sa dutsa ng shower. Nang matapos sabunin ang sariling katawan at makapagbanlaw, lumabas siya ng banyo, kumuha ng underwear, isang set ng polong puti, blazer, itim na pantalon, at balat na sapatos pagkatapos ay nagbihis. Inayos niya ang pagkakalapat ng maskarang puti at ginto na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Ang maskarang iyon ay tanda na siya ay parte ng angkan ng mga Krasny, isa sa mga pinakamapanganib at pinakamakapangyarihang grupo sa loob ng siyudad ng X. Vlad slipped his leather gloves on his hand and his Walther PPK .38 pistol on his belt before wearing on his long coat and heading outside the hallways. Nasa loob nga pala siya ng K Tower, isa sa mga establisyimientong pagmama-ari ng kanyang ama.
Awtomatikong yumuko sa kanya ang mga staff na nakakalat sa hallway nang makita ang matangkad niyang pigura.
Vlad paid them little attention. Hindi naman sa suplado siya o kung ano pa man. Ngunit sa linya ng kanyang trabaho, kailangan na kaunti lang ang pagkatiwalaan niya. Iilan lang ang kakausapin niya. At kung magiging mabait siya sa lahat, tiyak na maaari iyong gamitin laban sa kanya.
Mabilis niyang tinungo ang elevator. In-adjust ni Vlad and suot na leather gloves bago sumulyap sa smartphone niyang hawak-hawak. Nikolai messaged him. Nalinis na ang warehouse at naitapon na ang mga katawan. Napangisi siya. Kahit kailan talaga, maaasahan ang kapatid niya sa paglilinis ng mga ebidensya kahit na takot ito sa dugo.
Nang makababa ay tinungo niya ang kanyang Maserati at sumakay sa loob niyon. Kailangan niyang magtungo sa Red Angel, isa sa mga VIP clubs na pagmamay-ari ng Krasny Corp. Naghihintay na si Nikolai sa kanya roon para mag-report tungkol sa trabahong pinagawa niya rito.
Ganoon ang rutinaryo ng buhay niya. Sa umaga ay tulog siya at nagpapahinga. Sa gabi nangyayari ang mga bangungot na parte ng kanyang trabaho. Naranasan na ni Vlad na pumutol ng iba't ibang parte ng katawan ng tao. He knew all forms of torture. Did every single thing a crime syndicate can do. Para siyang berdugong humahatol ng kamatayan sa bawat taong pinapahanap sa kanya ng kanyang amain. Lahat ay para sa Krasny Corp. at kay Igor Krasny.
Ulilang lubos na si Vlad. Kinailangan siyang ilagay sa ampunan dahil wala na siyang ibang kamag-anak. Lumipas ang limang taon ngunit walang kumukupkop sa kanya sa kabila ng maamo niyang mukha. Hanggang sa isang araw ay maisipan niyang tumakas mula sa bahay-ampunan. Siyam na taong gulang na siya noon. Doon niya nakilala si Igor Krasny.
Wala itong pamilya. Sa pagkakaalam niya. Ayaw ni Igor na magkaroon ng asawa at anak dahil alam niyang manganganib ang mga ito dahil sa mga kinasasangkutang gulo ng pagiging isang Krasny. Nang magkakilala sila ng kanyang ama ay agad siyang kinupkop nito. Minulat sa pangit na bahagi ng X. Ang bawat pagsasanay, bawat turo ng matandang Krasny ang unti-unting nagpatigas sa puso ni Vladymir. Hindi siya dapat maging mahina dahil ang mundo ay isang napakalaking kagubatan kung saan may dalawa ka lamang na pagpipilian; ang maging maninila o ang maging biktima.
Many tell that he is insane. Ruthless. Na siyang tunay naman. Wala siyang ibang itinuturing kaibigan maliban kay Nikolai, ang kanyang assistant at kapatid na katulad niya rin ay isang ampon. 'Ni hindi niya alam kung matatawag niya bang kaibigan si Liam Hayes Astoria o si Warren Saavedra dahil madalas na nakikipag-ugnayan lamang ang mga ito kapag may kailangang ipagawa o ipagkasundo sa kanyang ama. Ganoon na rin si Damon Lockhart at ang artistang si Carter Chen. Maliban sa mga iyon, wala na siyang ibang nakakaugnayan pa. Lapitin man siya ng babae ay sadyang hindi interesado si Vlad sa mga iyon. Hindi siya tumitikim ng laman. Lalo na kung ang mga iyon ay nanggaling din sa loob ng kanyang mundong ginagalawan.
Nang mai-park ang kanyang sasakyan sa basement parking lot ng Red Angel ay umakyat si Vlad upang puntahan si Nikolai. May sarili silang kuwarto sa loob ng club kung saan madalas siyang mamalagi kapag naghihintay ng utos mula kay Igor. Naghihintay na nga ito roon sa kanya, habang binabasa ang mga financial reports na nakatambak sa lamesa nito. Katulad ni Vlad, may Rusong ama si Nikolai at Filipina na ina. Ulilang lubos na rin katulad niya at kinupkop ito ni Igor noong walong taong gulang pa lang ito. Sinubukan itong turuan ng kanyang ama ng paggamit ng baril ngunit sadyang hindi ito nakasunod kaya hinayaan ito ni Igor na mamahala sa takbo ng pera sa loob ng kanilang angkan.
Napatuwid ito ng pagkakaupo nang makita siyang papasok sa loob ng silid. "Vlad, did you get my message?"
Tumango siya. "Did you cut the hands and feet, Nikolai?"
Napalunok ito bago sumagot. "Oo. You said it's a protocol."
Vlad softly laughed. "Good job, Nikolai." Naupo siya sa isa sa mga couch na naroroon. "How's the business going, so far?"
"Better than ever. Simula noong binuksan ang Red Angel para sa mga middle class costumers, mas lalong lumaki ang kita natin. Papa Igor would definitely be happy with this new numbers."
Nagsalin si Vlad ng brandy sa baso niya at isinandal ang kanyang likod sa upuan. Ipinatong niya ang kanyang mga paa sa ibabaw ng coffee table at sinimsim ang alak na nasa baso niya.
"I heard that Papa would be holding some charity events this year, Vlad," saad ni Nikolai.
"Not my problem. I run the dirty business, not the numbers."
Nikolai rolled his eyes. "Still, you need to attend the event. Isa pa, sinabihan ako ni Papa na may ipapagawa raw siya sa'yo."
Napadiretso ng upo si Vlad. Tinitigan ang kausap. "A new job? What is it?"
"He didn't told me the details, but he said you should meet him in his suite at midnight. Doon niya raw sasabihin sa'yo."
He glanced at his watch. Alas siete. Paniguradong wala pa ang kanyang ama roon.
"Hey, Nikolai." He cleared his throat.
"What?"
"Have you ever wondered if... Father would arrange a bride for us? For the sake of the clan?"
Mahinang tumawa si Nikolai. "Saan mo naman 'yan nahugot, Vladymir? You of all people? The monster virgin, asking me, another monster virgin, about marriage?"
Sinamaan niya ito ng tingin. "F*cking asshole."
Lalong lumakas ang tawa ng kanyang kapatid. "I guess Papa will. I really don't care that much. Besides, don't you think it's a little bit..."
"A little bit?"
"Cliché. About these gang stuff. Arranged marriage and s**t? Really, Vlad? 21st century na. We're not in the Prohibition era. Papa is not a freaking mobster—"
"Father is a mobster," pagbibigay niya ng diin. "You are a mobster. I am a mobster. You can deny it all you want, Nikolai. But we both know we are a part of this f*cking clan. We shoot people, we deal firearms, we get paid for doing shit."
"Aren't you ashamed of it?"
Tumawa siya. Ang baritonong boses ni Vladymir ay musikang tumugtog sa loob ng silid. "I'm not. It's my life profession, after all. At ano pa bang ikahihiya ko, Nikolai? Pati apelyido ko, ipinagsisigawan kung sino ako."
Hindi naman puro illegal ang negosyo ng Krasny Corp. His adoptive father's businesses focused on oil, petroleum and other renewable energy resources. Aside from that, They have been an active part of the commerce, forming solid business relations with Astoria's Group of Companies and Lockhart Entreprises. Ngunit malaking parte ng kanilang yaman ay nanggagaling sa mga armas na binibenta nila. And the dozens of nightmarish stuff Vlad doesn't want to elaborate. Sa ganoong linya ng negosyo ay hindi talaga maiiwasan na kailanganin ang paggamit ng dahas. All of the dirty work ends up on his hands. And Vlad never fails on getting the job done and clean.
"'Di kita maintindihan minsan, Vlad."
"Hmm?"
"I mean, you got the good looks, the pumped body and s**t, but you never slept around. Brother, you could sway any girl on their feet with some cringey-ass jokes."
"Mukha ba akong nagbibiro at nagpi-pick up line, Nikolai? Isa pa, wala akong oras sa mga gan'yan. Marami na akong kasalanan at ayokong dagdagan pa ng kalibugan."
Humahalakhak na tumingin si Nikolai sa kapatid. "Wow, may takot ka pala sa Diyos."
Binato niya ito ng upos ng sigarilyo. "Go bother somebody else, moron."
Vlad took a deep breath before staring at his hands. Kahit ngayon na nakasuot siya ng gloves, pakiramdam niya ay nababahiran ang mga iyon ng malagkit at masangsang na amoy ng dugo. He has gotten used to it. But a part of him protests. As if in the back of his mind, his own self screams that he is a monster. A savage. A freaking monster unworthy of someone's love and affection.
He sighed. And then, Vlad stood up, leaving the room. Lumabas siya, ini-start ang kanyang sasakyan at ipinarada iyon sa gilid ng kalsada bago nagsindi ng rolyo ng tobacco at humithit habang nakasandal sa kanyang Maserati. Nagpapalipas ng oras. May trabaho pa siyang aalamin mula sa kanyang ama.
Malamig ang gabi. Vlad watched a group of girls as they walked towards the club. They were giggling like some highschool girl while throwing him glances. He maintained his poker face. Wala siyang interes sa mga babaeng iyon.
He's not ashamed to say that he is unexperienced on women. Lumaki siya na walang ina, at napapaligiran ng mga lalaki. Every inch of him screams of the stiffness and callousness of being a Krasny. And he doesn't want to use his boyish charms yet because he doesn't have one anymore. Paniguradong kapag nakita ng mga ito ang mukha sa ilalim ng maskarang suot niya, ang walang bahid na emosyong mukha niya, ay magsisi-urong ang mga ito.
Vlad didn't removed his mask even though it was hot. Iyon lang ang tanging proteksyon niya sa sarili niyang pagkakakilanlan kahit na alam naman ng halos buong siyudad kung sino siya. Alexei Vladymir Krasny. Tuta ni Igor Krasny. Isang halimaw. Nababahiran ng dugo ang mga kamay. Isang bangungot. No one would even want to kiss a monster like him, let alone f*ck him. Vlad just knew. Kapag nalaman nila na isa siyang Krasny, paniguradong magsisialisan din ang mga babaeng iyon. Iiwan siya. So, he'd rather live alone for all of his life than to taste the sin of the flesh and cry after that woman left him dry and broken.
Nang maburyong ay napagdesisyunan niyang sumakay sa loob ng kanyang sasakyan at magmaneho pabalik sa K Tower, kung saan naroroon ang kanyang ama.
Magiging mahaba na naman ang gabi para kay Vladymir.