Tahimik na pinagmasdan ni Vladymir si Yllana na nahihimbing sa kanyang kandungan. Buhat nito ang bago nilang panganak na sanggol na lalaking pinangalanan nila na Alexis Konstantin. Tiyak niya na puyat ito sa maya’t mayang pag-iyak ni Konstantin dahil medyo malakas uminom ng gatas ang baby nila. Napangiti siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ng kanyang asawa bago naglapat ng malambing na halik sa noo nito. Vanya and Dmitry were asleep beside him too. Siya lang ang gising dahil nakaugalian niya na na maagang bumabangon para makapaghanda sa trabaho. Ngunit ngayong araw na ito, tingin niya ay magpapahuli siya sa pagpasok nang kaunti para makasama pa nang mas matagal ang kanyang pamilya. Hindi niya maalis ang kanyang tingin sa kamay ni Lana na nasusuotan ng singsing.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


