“Daddy!” Kaagad na napangiti si Vlad nang salubungin siya ng yakap ng kayang munting prinsesa, si Vanya. Malayo pa lang kasi ay nakikita niya na ang pagtakbo nito sa buhanginan sa tapat ng bahay nila ni Lana sa tabi ng dalampasigan. Tatlong taong gulang na ang kanilang mga anak ni Lana at ngayon ay ipinagbubuntis na nito ang kasunod. Igor has officially retired from his position as the CEO and leader of Krasny Corp., and he has taken over last January. He promoted Nikolai as his vice president and they have been fixing the systems of the clan since they took control. Hindi naman umangal si Igor dahil tiwala naman daw ito sa kanyang kakayahan na mamuno. “Hello, my darling Vanya,” malambing niyang bati bago binuhat ang bata. Katulad ng ina nito ay pula ang buhok nito, ngunit ang mga mata

