"Lana, babe, I'm home! Dala ko na 'yong paborito mong dark cho— Asan si Lana?" Dumagundong ang tinig ni Vladymir sa loob ng kanilang mansiyon. Tahimik lamang na nakaupo si Nikolai sa isa sa mga sofa na naroroon habang may inaasikaso sa laptop nito. His brother now hated staying in K Tower. Paano ba naman, nasarapan sa luto ng asawa niya. "Ewan ko sa'yo, Vladymir. Adik ka ba? Bakit mo pinagseselos 'yong buntis?" "What?" nakakunot ang noo na tanong niya. "Anong pinagseselos?" "Whatever, bro. Naglayas asawa mo. Good luck sa paghahanap at panunuyo." He sighed as he rubbed his neck. Simula noong nag-umpisang magbuntis si Lana ay nagiging matampuhin ito at minsan pa nga ay ayaw makita ang pagmumukha niya. Minsan ay hindi tumatabi sa kanya sa pagtulog. All that he can do was to understa

