VIII

2179 Words
Totoo ba 'to, Lord? Ilang beses na napapikit si Lana. Nananaginip ba siya? Si Alexei, umaakyat ng ligaw? E halos wala pa silang ilang buwan na nagkakakilala. Isa pa, napakaguwapo nito para magkagusto sa kanya. "It's okay if you're not..." "Hindi naman sa ayaw ko," agap niya. "Pero... sigurado ka ba? Hindi mo pa naman ako nakikilala nang ganoong katagal," saad niya. Mahinang tumawa si Alexei dahilan para lumabas ang biloy nito sa pisngi. Sinuklay ang buhok. "Does time really matter, Lana? Isa pa, ayos lang naman sa akin kung hindi mo pa ako sasagutin kaagad. Kaya nga ako aakyat ng ligaw, 'di ba?" Napalunok si Lana. Ramdam niya ang paglalaro ng mga mumunting paruparo sa loob ng kanyang sikmura. Noon ay kay Vladymir niya lamang nararamdaman ang ganoong sensasyon. Ngayon ay kay Alexei na. Tila nais niyang huminto sandali. Mag-alinlangan. Pag-aralan ang sarili. Hindi naman siguro siya niloloko nito, ano? Napalunok siya nang maglakad ito papalapit sa kanya. Namumungay ang mga mata nito na tila nais siyang dalhin kung saan. "If you're scared that I'm just playing with you, I'm not, Lana... Gusto talaga kitang ligawan. I want you to be my girl and I will be your man..." Nang huminto ito sa harapan niya ay ramdam niya ang pagririgodon ng dibdib niya. Alexei's a towering man and staring at him right now feels different. His eyes were pleading to her. Hindi niya ikakaila na gusto niya rin naman ang katrabaho. Sa katunayan nga ay heto siya at nakakaramdam ng kakaiba kapag nasa malapit ito. Kaya naman hindi na siya dapat mag-alinlangan, hindi ba? "Ikaw..." nahihiyang saad niya. "Hindi naman kita mapipigilan, e." Tumawa ito. Sinapo ang baba niya at sinalubong ang mga mata niya. "O, bakit biglang parang naiilang ka? Just act casual, babe." Mahina siyang tumawa. "Dumoon ka na nga! Magluluto pa ako!" Tinalikuran niya ang lalaki dahil ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi. Holy s**t. Hindi naman sa nagrereklamo siya na may ganito siya kaguwapong manliligaw ngunit ang ikinaiinis lang ng dalaga sa sarili ay kung paanong parang tukso na sumingit si Vladymir sa kanyang isipan. Hindi naman na siya kinulit masyado ni Alexei. Tahimik lamang ito habang pinapanood siya na magluto. Tila pinagsasawa ang mga mata nito sa kilos niya. Hindi siya naiilang. Pero anlakas ng kabog ng dibdib niya. Sino ba namang hindi, hindi ba? Ambilis ng mga pangyayari at kailangan niya pang iproseso ang lahat sa utak niya. Napamura siya nang mahiwa ang kanyang daliri. Awtomatikong napatayo si Alexei at lumapit sa kanya. "What happened?" Pinadugo niya ang sugat habang pinapakita iyon sa lalaki. Napapalatak ito at hinawakan ang daliri niya. "Do you got band aids?" Tumango siya at itinuro ang maliit na lalagyan niya ng first aid kit sa ibabaw ng cabinet. Kinuha iyon ng lalaki pagkatapos ay binuksan. Pinanood niya ito habang naglalagay ng alcohol sa bulak. Ngiwing-aso na ang dalaga sa hapdi. "You should be careful, Lana," may halong pag-aalala na saad nito. "Tingnan mo, nahiwa mo pa sarili mo." Bahagya siyang nagulat nang ilapit ni Alexei ang daliri niya sa mga labi nito at sinipsip ang dugo. Halos hindi na makahinga si Lana sa pinaghalu-halong emosyong lumulukob sa kanya. Tila hinalikan pa nito ang sugat niya bago marahang pinadaanan ng alcohol ang hiwa. Napakagat-labi siya nang maramdaman ang hapdi na idinulot niyon dahilan para mapakapit siya sa balikat ng kaharap, mariing ikinukuyom ang kamao. "It's alright, babe. Kapag hindi ko nilagyan ng alcohol ang sugat mo baka ma-infect pa 'yan. Konting tiis, okay?" Tumango siya na parang bata. Potek, Lana! Kailan ka pa naging speechless at tanga at the same time? asar niya sa sarili. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang lagyan na nito iyon ng band aid. Nang matapos itapon ang bulak na ginamit ay hinarap siya nito. "Huwag ka na kayang magluto? We can order na lang." Bahagya siyang napasimangot. "Sayang naman 'tong pinamili ko." Masuyo itong ngumiti. "It's alright, Lana. May mga gabi pa naman na pupunta ako dito." Napalunok siya. Mukhang seryoso na talaga ito at desidido sa panliligaw. Sino ba naman siya para pigilan ito, hindi ba? Isa pa, baka si Alexei na ang sagot kung papaano mawawala ang kakaiba niyang nararamdaman para sa ampon ng kanyang ama. Inilabas nito ang smartphone nito at tumawag sa isang sikat na fastfood chain. Um-order ng pagkain. Habang hinihintay ang delivery ay iniligpit niya naman ang mga gamit niya sa kusina pagkatapos ay nagbukas ng television. Naghanap ng pelikula. Mayamaya pa ay dumating na ang pagkain na in-order ni Alexei kaya naman nang mag-umpisa ang pelikula ay magkatabi na sila habang kumakain. "Uhm, Alexei?" "Hmm?" "Thank you..." Mahina itong tumawa. "No problem." "Hindi pa ako nakakabawi sa'yo, a." Nilingon siya nito. "Free ka ba bukas?" Sabado iyon at panigurado na wala siyang gagawin. Muling nagrigodon ang dibdib ng dalaga. Tila alam niya na kung saan siya aayain nito. "Oo naman. Bakit?" "Gusto mong manood ng sine? Samahan mo lang ako," saad nito. "Date na rin..." Halata niya na medyo nahihiya pa ito kapag sinasabi na nanliligaw ito. Hindi niya alam kung matatawa siya o kikiligin. Guwapo pa rin naman ang dating nito sa kanya ngunit may kakaiba talaga kay Alexei na nagpapabilis ng t***k ng kanyang puso, hindi lang ang mukha nito. "Sige ba. Anong oras?" Ang pagsilay ng ningning sa mga mata nito ay ang una niyang napansin. "Ayos lang ba kung gabi? May mga aasikasuhin kasi ako sa umaga. Susunduin na lang kita rito, around 7 PM." Tumango ang dalaga. Ramdam niya ang pag-akyat ng pananabik sa kanyang mga ugat. Ilang buwan na rin kasi simula noong huli siyang pumunta sa date. Isa pa, babae rin siya at gusto niya rin na lumalabas kasama ang manliligaw niya. Usual boring stuff. Gusto lang naman ni Lana na maging masaya ang love life niya, hindi iyong tila walang patutunguhan kagaya noong mga nakaraang nangyari sa pagitan niya at ng Vladymir Krasny na iyon. Nang makatapos kumain ay nanood pa silang dalawa ng pelikula. Tahimik lang naman si Alexei at hindi nagtangka na manghawak o kung mangyapos, hindi kagaya ng mga dati niyang manliligaw. Siguro ay dala na rin ng pagod at antok ay nakatulog na siya habang nakasandal sa balikat nito. Naalimpungatan siya nang maramdaman ang paglapat ng likod niya sa kama. Marahang napadilat ng mata si Lana at sinalubong siya ng mukha ni Alexei. "O, nagising ba kita? Sorry," masuyong sabi nito. "Hatinggabi na at dapat na siguro akong umuwi pero tulog na tulog ka na kaya balak ko na sana na hindi ka gisingin." "Aalis ka na?" Ngumiti ito. "Bakit, mami-miss mo ako? Magkikita naman tayo ng 7 PM, e." Hinalikan siya nito sa noo. "Sige na, Lana. Matulog ka na. Ilo-lock ko na lang ang pinto." She was expecting of something else. Inaasahan ni Lana na may gagawin si Alexei sa kanya. Ngunit siguro nga ay masyado siyang nasanay sa mga dati niyang manliligaw na tila s*x lang ang habol sa kanya kaya siya naninibago. Hinintay niya ang tunog ng pagsara ng pinto bago bumangon at tiningnan kung patay ba ang appliances o kung nai-lock ba ni Alexei nang maayos ang pinto. Nang masiguro na ayos na ang lahat ay bumalik na siya sa kanyang kuwarto at nagpalit ng pambahay bago nagpagupo sa antok. ————— Vlad sighed as he left Lana's apartment. Angtindi ng pagkokontrol niya sa sarili noong mga oras na iyon. Hindi niya inaasahan na papayag ito na manligaw siya at mas lalo niyang hindi inasahan ang reaksiyon nito noong ihiniga niya ito sa kama. Napuna niya ang pagkadismayang sumilay sa mga mata nito. He softly chuckled as he made his way to his secondhand car parked down the street. Being Alexei can be really tough for him, since his persona as that person's too nice for him. Hindi makabasag-pinggan. Hindi marahas. Hindi kagaya niya. Habang nagmamaneho ay hindi niya mapigilang hindi manabik para sa date nila ni Lana mamaya. Inaya niya ito na lumabas para mautusan si Nikolai at ilan sa nga tauhan niya na lagyan ng reinforcements ang pinto at bintana ng apartment nito. Mas patibayin pa. At saka maglagay ng hidden surveillance camera upang malalaman niya kaagad kung may iba bang manghihimasok sa apartment nito habang hindi sila magkasama para na rin sa kaligtasan ng dalaga. Nang makarating sa K Tower ay natulog siya kaagad. Bahagyang pagod ang katawan niya dahil nang makatulog ang dalaga sa balikat niya ay nanatili siyang gising. His anxiety was eating him that Lana might get targeted by other clans. Ayaw niya pa sanang umuwi kanina ngunit napilitan siya dahil baka naman isipin ng dalaga ay may iba siyang binabalak. Ang mga katok sa kanyang kuwarto ang nagpabangon kay Vlad. Hubad-barong tumayo siya at tiningnan kung sino iyon. Si Nikolai pala, tila kakauwi pa lang mula sa Red Angel. "Hey Vlad, what's up? You told me there's a new part of the plan?" Sinilip niya muna ang hallway bago pinapasok ang kapatid. "Yeah. And I guess this is a little bit off of the rules Father gave." Napakunot ang noo nito. "And?" "I'm going to court her. Liligawan ko si Lana Herrera," mabilis niyang sabi. "In that way, I can ensure her safety at masisiguro ko na makukuha ko ang loob niya. It's like hitting two birds in one st—" Ngumisi si Nikolai at humalakhak. "Liligawan mo siya dahil sa trabaho mo o dahil gusto mo na siya, Vlad?" Hindi nakahuma ang lalaki. Hindi niya iyon naisip. Pakiramdam niya, basta si Lana ay nagiging padalos-dalos siya sa pagdedesisyon. Hindi na niya napag-iisipan ang mga dapat niyang gawin. Unang beses iyon na may isang babaeng nakakuha ng atensyon niya at unang beses na nakaramdam siya ng matinding pagnanais na protektahan ito. "It's alright, Vlad. I'm not going to tell Father," saad ni Nikolai. "But I just want to remind you. Lana's betrothed to the son of Berlusconis. Nakaplano na ang kasal nila, siya na lang ang kulang. At kung tutuloy ka sa plano mo, I do hope na hindi mo masyadong i-invest ang puso mo sa kanya. Masasaktan ka lang." He sighed. "I know, Nikolai. I know." His brother tapped his shoulder. "Ako na bahala sa reinforcements ng apartment niya. Just make sure you're going to take her to a date and not to the bed." Binatukan niya ito. "Damn you, I'm not a—" Ang ngiti ng kapatid niya ang nagpatigil sa kanya. "I wish you luck, Big Bro." Nang umalis si Nikolai ay nagbihis na siya. Maaga pa ngunit may mga balak pa siyang daanan. Nang huminto siya sa tapat ng apartment ni Lana ay wala pang alas siete. Umakyat siya at kinatok ito at inabutan na nagsusuot ng sapatos. "O, Alexei! Ang aga mo, a." He chuckled. "Of course. Flowers?" Nararamdaman niya ang init sa kanyang dibdib nang matanaw ang pagniningning ng mga mata nito. Mabilis niya itong inaya na umalis na at hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalawa. Dumiretso sila sa sinehan at nanood ng horror movie. Vlad was enjoying every moment because Lana kept on embracing his arm. Alas diyes na at ayaw niya pang umuwi kaya naman nagmaneho siya patungo sa Red Angel. Napupuna niya ang nakapintang pag-aalala sa mukha nito. "Lana, ayaw mo bang magpunta sa..." "Ayos lang, Alexei. Don't worry about me." He let out a deep sigh as he parked his car. Kaagad silang pinapasok ng bouncer at ng guwardiya nang pasimple niyang ipakita ang VIP card na mga Krasny lang ang mayroon. Hindi pa man nakakaupo sa isa sa mga table ay natanaw na niya si Nikolai na tinatawag siya. Sinenyasan niya ang bouncer na bantayan si Lana at pinuntahan ang kapatid niya. Hinila siya nito patungo sa pinakatagong parte ng night club. "Goddamnit, Nikolai! I'm on a date!" "Asshole! Isuot mo na ang maskara mo at hinahanap tayo ni Papa! He's on a video call right now!" Sa taranta ay inalis niya kaagad ang voice modulator at contact lenses niya. Inilapat ang maskara niya sa kanyang mukha at sinundan ang kapatid. Hindi ito nagbibiro nang makita niya ang mukha ni Igor na naka-display sa isa sa mga malalaking monitors na naroroon. His father spent the next hour asking about the financial reports and other jobs he gave to the siblings. Naiinip na si Vlad. Kailangan niyang mabalikan si Lana. Buti naman at tila nakatunog ang kanyang ama at tinapos na ang meeting. Mabilis siyang lumabas ng silid para balikan ang dalaga, na nakalimutan na niyang hubarin ang kanyang maskara at ibalik ang voice modulator at contact lenses niya. Mahalay ang tugtog sa dance floor. Maingay. Mabilis ang mga hakbang ni Vladymir. He has to go to Lana. He's on a freaking date, for f*ck's sake. Nang makabangga ng isang babaeng tila pasuray-suray na ay bahagya siyang nainis. Of all chances, bakit ngayon pa siya nakabunggo ng tao? Magmumura na sana siya nang salubungin siya ng pamilyar na abuhing mga mata at labi ng dalagang hindi maalis sa isipan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD