VII

2244 Words
Mahinang napatikhim si Vladymir habang pinapanood si Lana sa hindi kalayuan. Nakikipagtawanan ito sa ibang mga katrabaho nito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may kakaibang sensasyong lumulukob sa kanyang dibdib habang pinapanood ito na masaya. Napatingin siya sa mga hawak-hawak na mug ng kape. Ilang araw na siyang nagpapanggap bilang si Alexei Panganiban na bagong katrabaho nito at masasabi niya na maayos naman ang pagsasama nila ni Lana sa trabaho. Madalas ay kinukumusta siya nito kung nakakapag-adjust ba siya sa bago niyang working environment. Tinutulungan din siya ng dalaga na makipaglapit sa mga estudyante niya lalo na at bago lamang siya sa paningin ng mga bata. Nagrigodon ang kanyang puso nang maglakad ang dalaga palapit sa desk nito na katabi lang ng kanya. Napipintahan ng ngiti ang mga labi. Gusto niya mang pagsawain pa ang kanyang mga mata sa mukha nito ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Baka mapansin pa nito ang ginagawa niyang pagtitig. "Huy, Teacher Alexei!" Bahagya siyang napapitlag nang tawagin siya nito dahilan para matapunan ang pantalon niya ng medyo mainit na kape. Mabilis na napatayo si Vlad. Pakiramdam niya ay nasunog ang boy scout niya. Napasinghap si Lana at mabilis na kinuha ang panyo nito. "Hala, sorry! Hindi ko alam na magugulatin ka pala," paghingi nito ng tawad at akmang pupunasan ang crotch area niya. Nanginginig man ang boses ay hinawakan niya ang kamay nito at pinigilan. Baka may tumayo na hindi dapat tumayo kapag ginawa iyon ng dalaga. "Ako na, Lana..." Kinuha niya ang rolyo ng tissue na nasa desk niya bago pinunasan ang nabasang parte ng kanyang pantalon. Alam naman niya na useless iyon. May halong pag-aalala ang tingin ng dalaga sa kanya. Hindi niya mapigilan na mapasulyap sa mamasa-masang mga labi nito. At sa mga abuhing matang mapupungay. Iba talaga ang epekto ni Lana sa kanya kaya naman bago pa may magising sa kanya ay nagpaalam siya na pupunta na lang muna ng banyo upang magpalit ng damit. Nang makapasok siya sa loob ng cubicle ng men's comfort room ay nagpakawala ng buntong-hininga si Vlad. Holy s**t. Why is he acting like a freaking dork in front of Lana? He's the mighty Vladymir Krasny, after all. Kaya naman nagtataka siya. Bakit nagkakaganito siya sa isang babae? Daig niya pa ang teenager na nag-uumpisang magkaroon ng crush. Hinubad niya ang pantalon at nagpalit ng panibago. Nang makalabas ay inabutan niya si Lana na naghihintay sa labas ng comfort room, may pag-aalalang nakapinta pa rin sa mukha nito. "Teacher Alexei, naku, sorry talaga! Hayaan mo, sa susunod, hindi na kita gugulatin." Mahina siyang natawa. "Don't worry, Lana. I'm all good. Malayo sa bituka." Hindi naman ininda ni Vladymir ang mainit na kape. He's had a far worse experience than that. Minsan ay nabaril na siya sa braso. Napahiga at napalakad sa bubog. He even experienced having a bomb exploding behind him. Ilang beses nang nalagay ang paa niya sa hukay kaya naman hindi na niya alintana ang mainit na kapeng natapon sa kanya. But there's something with Lana's tempting face that makes him want to say that he wants a kiss as an apology. Or a hard f*ck. But remembering that he's playing the role of Alexei and not as Vladymir, he shut his mouth and pretended to be a good boy. "Sana makabawi man lang ako sa'yo," nahihiyang turan nito. O, temptress. F*ck me and we're all good, bulong ng isip niya. Ngunit itinawa ni Vlad ang laman ng kanyang isip at sinulyapan ang dalaga. "It's alright, really. No need to apologize and stuff." Nang titigan siya pabalik ng mga nagniningning na abuhing mata nito ay pakiramdam ni Vlad huminto ang mundo. The birds were chirping and the sun's glowing right at his face. Lalo na nang ngumiti ang dalaga. Nais niyang murahin ang sarili ngunit nanatili siyang nakatulala sa mukha ni Lana. "Alam ko na! Lulutuan na lang kita. Masarap kaya ako magluto," saad nito. Pero mas masarap ka, bulong ng isip niya. Nais ni Vlad na sapakin ang sarili sa lahat ng mahahalay na laman ng utak niya. Ever since that moment that he spent the night in her apartment, he can no longer contain his dirty thoughts. Palagi niyang naiisip si Lana. Kung paano siya nito hinalikan. Kung paano siya nito yapusin. Paligayahin. Ang mukha nito kapag siya naman ang nagapaligaya rito. It is as if she's a video loop playing inside his head, on repeat. It felt like he's losing his wits, driving him insane. Making him want her more. Alam niyang mali. Trabaho niya na madala ito kay Igor nang maipakasal ito sa anak ng mga Berlusconi. But a huge part of Vlad wants her for himself. Every piece of her. If only given a chance, he would definitely make her his. Not a bride of some Italian don. He wants her for himself so bad. To own her, possess her. She was his first, after all. The only woman who made him give in to temptation. Ngunit siguro nga ay mas matimbang ang kanyang takot kay Igor kaya naman hindi niya magawang lumihis sa plano. Hindi niya magawang suwayin ang mga utos nito. He's his guard dog, and he's supposed to protect and serve Igor Yngvar Krasny and Krasny Corp. His wants should be the last on his list of priorities. Walang lugar para sa pag-aalinlangan. Kailangan niyang sundin ang lalaking kumupkop sa kanya. Kailangan niyang dalhin si Lana pabalik sa kanilang angkan at nang maipakasal ito sa anak ng kalaban nilang grupo. Tapos ang usapan. "Alexei?" Ang boses ni Lana ang nagpabalik sa huwisyo niya. Tumikhim si Vlad bago mahinang tumawa. "Sorry, I spaced out for a while. Hindi ko tatanggihan 'yang alok mo, Ms. Herrera." Nag-umpisa silang maglakad pabalik sa faculty room. Lana's talking about her specialty dishes, as he silently listened to her. Bakas sa boses ng dalaga ang enthusiasm nito sa mga ginagawa nito. Nang marating nila ang pinto ng faculty room ay natanaw niya ang pamilyar na bulto ng principal. May kasama itong hindi pamilyar na lalaki. Sa tantiya ni Vlad ay ilang pulgada lang ang tangkad niya rito. Katamtaman ang laki ng pangangatawan ngunit may kung ano sa aura nito na hindi gusto ni Vladymir. Napalingon ang dalawang lalaki sa kanila ni Lana. "A, Ms. Herrera, Mr. Panganiban. You're here. Meet Mr. Rico Andres, a new teacher like you, Mr. Panganiban. He'll be joining the elementary department." Nakipagkamay ang lalaki sa kanila ni Lana. Inuna nitong ilahad ang kamay sa dalaga at magiliw naman iyong tinanggap ng kasama. Nang sila na ang nagkaharap ay pansin niya ang pagkilatis nito sa kanya. Tila sinusukat ang katawan niya at kakayahan. Vlad really did showed his toughest but he's uncomfortable deep inside. May kung ano sa Rico na iyon na hindi niya gusto. Mahigpit ang kapit nito sa kamay niya. Unang pumasok sa utak niya si Lana. Kailangan niyang protektahan ito. And Vlad trusts his instincts. There's something wrong with this man. Nang bitawan nito ang kamay niya ay napapansin niya ang pasimpleng pagsulyap nito kay Lana kaya naman pumuwesto siya sa lugar kung saan mahaharangan niya ang view nito sa dalaga. Hanggang sa makabalik sila ni Lana sa kanilang mga desks ay hindi pa rin siya humihiwalay rito. "Teacher Alexei, pupunta ka ba sa bahay ko mamaya?" "Ha?" medyo nabiglaanang tanong niya. He was so preoccupied on getting his guard up on this Rico guy that he forgot what they were talking about earlier. "'Di ba sabi ko ipagluluto kita? So, ano? Pupunta ka ba?" Matamis na ngumiti si Vlad. Alam niya na nakatingin ang bagong teacher sa kanila. "Oo naman." Lana's brilliant smile touched his heart for a second. "Okay! Sabay na tayo umuwi mamaya, daan lang ako sa grocery tapos diretso na tayo sa apartment ko." They quickly went back to their work. The last thing Vlad knew, uwian na. Napupuna niya ang pagsulyap-sulyap ng Rico na iyon kay Lana. May kung ano sa titig nito na hindi niya gusto. Para bang pinag-aaralan ang katawan ng dalaga. Kaya naman nang tumunog ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase ay mabilis na tumayo si Vladymir at inayos ang mga gamit niya bago hinintay si Lana na makabalik sa faculty room. Hindi naman nagtagal ay dumating na ito, bitbit ang mga gamit nito sa pagtuturo. "O, Teacher Alexei! Tara na?" Tumango siya. Hindi pa nakakabalik ang ibang mga guro sa faculty room at wala rin siyang balak na hintayin ang mga iyon. Baka may makaisip pa na sumama sa kanila at hindi niya masolo ang dalaga. Pinanood niya ito habang inaayos ang mga gamit nito. Nang isusukbit na ng dalaga ang shoulder bag nito ay pinigilan niya ito at kinuha ang bag. "Let me, Lana." Ngumiti ito sa kanya at sinabayan siya sa paglabas. Kulang na lang ay hatakin niya ang dalaga palabas ng eskuwelahan. Halos lahat yata ng makasalubong nilang guard at guro ay binati nito. He was silently watching her in the corner of his eyes. Nang makalabas sila ng gate ng eskuwelahan ay nilingon siya nito. "Daan muna tayo sa grocery, Alexei." Habang nasa daan ay wala silang imik. Nakatungo lang si Lana habang nakatingin sa mga paghakbang nito. Thinking of starting a conversation, Vlad cleared his throat. "Hindi ka ba natatakot sa'kin, Lana?" "Huh?" "I mean, you're inviting me to your place without hesitation. Paano kung rapist pala ako? Hindi ka ba natatakot na baka may gawin akong masama sa'yo?" Mahina itong tumawa. "Maliban sa maramig nakatira sa floor ng apartment ko, may guard na nagroronda ro'n oras-oras. Kapag may binalak kang gawing masama, patay ka. Isa pa, ewan ko. Tiwala naman ako sa'yo." He softly chuckled while listening. Kung alam lang nito na siya si Vladymir, sasabihin pa rin kaya nito sa kanya ang mga katagang iyon? "Anong tingin mo ro'n sa bagong teacher?" "Anlayo ng ikinambyo ng usapan natin, a," natatawang puna nito. "Well, okay lang. May itsura. Mukhang mabait." Nararamdaman ni Vladymir ang unti-unting paghigpit niya sa handle ng shoulder bag ng dalaga. Is this jealousy? Is he really jealous, for real? "E sa akin, Lana? Anong tingin mo sa akin?" Sandaling hindi nakaimik ang dalaga. Bahagyang namumula ang tainga nito nang sulyapan ni Vladymir. Mayamaya ay nagsalita ito. "Mukha ka namang mabait... At saka maaasahan. Guwapo..." pabulong na saad nito sa huling salita. Hindi niya alam kung bakit iba ang epekto niyon sa kanya. Na tila ba nabubuhayan siya ng loob na ewan. "You're really pretty too, Lana," saad niya. Pretty and hella hot, dagdag ng isip niya. "And you're really kind. Parang halos lahat ng staff sa school, kaibigan mo." Tumawa ito. Namumula ang mga pisngi. "Mag-isa na lang kasi ako sa buhay kaya gano'n. Kailangang makipagkaibigan." Nang marating nila ang supermarket ay hindi mapigilan ni Vlad na maalala ang mga nangyari noong araw na sinusundan niya ito. Mabilis na nag-init ang mukha niya nang maalala ang ginawa ni Lana sa pipino. Tumikhim siya dahilan para mapalingon ang kanyang katabi na abala sa pagtingin ng mga rekado. "Okay ka lang?" Tumango siya. What the f*cking hell, Vladymir! Get a grip! Tahimik na lang niyang pinanood ang dalaga sa ginagawa nito. Even from a distance, Lana is really pretty and hot. Hindi na siya magtataka kung bakit marami sa mga co-teacher nilang lalaki ay nakasulyap sa dalaga. Maganda ang hubog ng katawan nito at may mukha na napakaamo na tila ba kailan man ay hindi napintahan ng galit. Well, he has already seen her mad, but it didn't changed a thing. She's still hella attractive to him. Nang makapagbayad ay binitbit na rin ni Vlad ang supot ng pinamili nila mula sa supermarket. Halata sa kasama niya na excited itong magluto. Sa bilis ng paglalakad nito, hindi nila pareho namalayan na nasa apartment na sila ng dalaga. Mabilis ang oras at parang gusto niya iyong pahintuin. Nang buksan nito ang pinto ay hindi niya maiwasang hindi maalala ang gabing iyon. How he banged her on the kitchen counter. In her bedroom. In the comfort room, while washing their bodies. On the couch while watching some Netflix movie. On the floor. And he wonders if Lana thinks about that night too. Kinuha nito ang plastic at nagtungo sa kusina. Vlad took the chance to scan her apartment. Kung ligtas ba ito o kung kailangan niya pang bantayan nang maigi ang dalaga. Medyo mahina ang pinto nito at alam niya na isang sipa lang doon ng mga kagaya niya na may kalakihan ang katawan ay bibigay iyon. May grills ang bintana ngunit madali lang naman baklasin iyon. He's scared that the other clans learn about Igor's daughter and target her. And as long as he can, he'll protect Lana with everything that he has. She is a Krasny too, after all. "Lana." "Hmm?" "Mag-isa ka lang ba rito? Wala kang kasama?" She shrugged. "Yeah." Muling sumibol ang kaba sa dibdib ni Vlad. Minsan niya lang maramdaman iyon. Ngunit ngayon ay tila aktibong-aktibo iyon. Mabilis siyang umisip ng paraan kung paano mas mababantayan ang dalaga. Ayaw niyang magkaroon ng komplikasyon sa trabaho niya. "Lana..." He was hesitant to carry out his new plan. Puso at katawan niya ang itataya niya. Alam niyang mali na magkaroon siya ng kahit na anong emosyonal na ugnayan sa dalaga ngunit hindi niya mapigilan ang bibig na bigkasin ang mga katagang iyon. "Puwede ba kitang ligawan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD