Inilapag ni Nikolai sa harapan ni Vlad lahat ng kailangan niya para sa misyon. Kahit na nangako siya na tatantanan na si Lana pagkatapos ng gabing iyon, ay hindi naman ibig sabihin niyon na titigil na siya sa trabahong ipinapagawa sa kanya ng kanyang ama. Isa pa, hindi niya kaya na hindi makita ang dalaga kahit sa loob lamang ng isang araw.
"Okay, kumpleto na lahat ng kailangan mo, Vlad. Brown contact lenses, clear eyeglasses, documents for your new identity. Tinawagan ko na rin ang Lockhart Entreprises para sa voice modulator na pinasadya mo sa kanila. Kakadating lang kanina. Kailangan mo lang isuot 'yon sa leeg mo tapos mag-iiba na boses mo. Effective na rin 'yon para maitago mo 'yang chikinini sa leeg mo. Pina-customize ko na rin para hindi halata na voice modulator 'yon. Mukha lang choker, nagtataka nga si Damon Lockhart bakit raw kailangan mo no'n."
Vlad dismissively waved his hand. "Geez, tell Damon to mind his own business."
Nikolai rolled his eyes. "What the actual f*ck, Vlad. Bakit sa dinami-dami ng mga babaeng puwede mong anuhin, si Yllana Herrera pa. Ayan tuloy, napagastos pa tayo pareho. We can't tell Father about this, or else he'll shoot your head and your balls. Baka idamay pa ako, gusto ko pang magkaanak 'no!"
Naikuwento na niya kay Nikolai ang lahat, simula sa one night stand hanggang sa nangyari sa kanila ni Lana noong isang gabi lang. Sinulit talaga ni Vladymir ang gabing iyon dahil alam niya na hindi siya dapat magpakita rito sa loob ng ilang araw para ipakita na sumang-ayon siya sa kondisyon nito. Hindi siya mangingiming sabihin na naubos nilang dalawa ang dalawang kahon ng condom na binili niya. They were both wild and in heat that night that he went home with kiss marks on his neck, claw marks on his back, and a happy 'junjun'. When Nikolai heard about the ruckus, he was bewildered and jealous at the same time.
"You better shut your mouth, asshole. Or else I'll be the one who'll shoot you in the balls."
Dahil palagi niyang kasama si Nikolai sa mga trabaho at plano niya ay alam na nito ang gagawin niya. Para makuha ang loob ni Lana at makita na rin ito araw-araw nang hindi bilang isang Krasny, napagdesisyunan ni Vladymir na mag-disguise bilang ibang lalaki at mag-apply na teacher sa eskuwelahang pinapasukan ni Lana. Walang imposible sa lahat ng mga hakbang na ginawa niya dahil sa dami ng koneksyon nila ni Nikolai. Within a day, naayos na lahat ng mga papeles na kailangan niya. Fake birth certificate and IDs. Fake addresses, and a fake name. A cheap, secondhand car. Pareho silang walang talento ni Nikolai sa pag-iisip ng pangalan kaya naman naisipan nila pareho na 'Alexei Panganiban' na lang ang gagamitin niyang pangalan para sa trabahong iyon.
"You know what? Medyo natatawa ako sa'yo ngayon. Ano nang nangyari sa pagka-tigasin mo? Na-devirginize ka lang ni Yllana, nanlambot ka na?"
Hinubad ni Vlad ang suot na maskara at kinuha ang contact lenses. Inilagay niya iyon sa mga mata niya at tinapunan ng tingin ang kapatid na nang-aasar. "Hindi ako bumabali ng usapan, Nikolai. Isa pa, hindi ko matatapos ang trabaho ko kung palagi ko siyang susundan bilang ako. Sagad sa buto ang galit no'n sa'ting mga Krasny. Father told me not to use force so I have to come up with a plan. Hindi ako nanlalambot, mudak."
Vlad literally called him a 'shithead' in Russian but Nikolai didn't stopped on pestering him. "Grabe, babae lang pala makakapagpaluhod sa'yo, Vlad. Makaibigan nga 'tong si Lana nang magantihan kita sa lahat ng pang-aapi mo sa'kin."
"Dramatic asshole." Isinuot ni Vlad ang clear eyeglasses na nasa lamesa at tiningnan ang sarili sa salamin. He kind of looked different, since his blue eyes were the most prominent part of his face. Kumpiyansa siya na hindi siya makikilala ni Lana, dahil habang nagtatalik sila ay hindi niya inalis ang maskara niyang suot. Alam niya na wala itong ideya sa buong itsura at porma ng mukha niya, at magsusuot pa siya ng voice modulator para ibahin ang boses niya.
"Tingin mo gagana plano mo?"
He smirked. "Kailan ba ako pumalya sa trabaho ko, Nikolai? I work clean."
Vlad wore the thin voice modulator on his neck. May ipinalagay pang pendant si Nikolai sa gitna niyon. Para tuloy siyang aso na may suot na dog collar. Well, Vlad doesn't mind. Tuta naman talaga siya ng kanyang kinagisnang ama. Isa pa, alam niya na kahit na anong isuot niya ay malakas ang karisma niya. Hinubad ni Vlad ang suot na damit at isinuot ang uniporme ng mga guro ng eskuwelahang pinagtatrabahuhan ni Lana. In-adjust niya pa ang suot sa leeg bago sinulyapan ni Nikolai.
"I'm ready for the goddamned plan, Nikolai."
—————
Masakit ang buong katawan ni Lana. Ilang araw na, simula noong huling gabi na nagkasama sila ni Vladymir Krasny. Nanulit ang loko. Bago pa umalis ay hinalikan pa siya at bumulong sa tainga niya na, 'Until next time, my sweet temptress'. Alas singko na rin ng umaga nang lisanin nito ang apartment niya, nag-iwan pa ang damuho ng calling card in case na hanapin niya raw ulit ito. Hindi niya malaman kung kikiligin ba siya o kikilabutan. Pero isa lang ang alam ng dalaga. She satisfied her carnal hunger. Quenched her thirst. Sino ba namang hindi makokontento kung naka-ilang rounds kayo, 'di ba? And with that one hell of a body and a heavenly length, she'd be happy to reach her climax and die in his arms thousands of times with his rod brushing in and out of her.
Ilang araw na niyang hindi nakikita ang pigura ni Vladymir na nakasunod sa kanya. At least, alam niya na tumutupad ito sa usapan. Pero ayaw pa rin pakampante ng dalaga. Baka mamaya ay tumitiyempo lang ito pagkatapos ay gugulatin na lang siya ulit. Kukumbinsihin na kitain ang kanyang tunay na ama. O aakitin na bumigay at makipagtalik dito.
Tahimik na inaasikaso ni Lana ang kanyang mga gamit sa pagtuturo sa loob ng faculty room. Vacant niya kaya naman siya lang ang naiwan sa loob at si Mallorie. Abala ito sa page-encode ng mga scores ng estudyante nito sa computer. Elementary kasi ang tinuturuan ng kaibigan at katulad niya ay dedikado rin ito sa trabaho nito.
Nang buksan ang pitaka ay nalaglag ang calling card na iniwan ni Vlad. Hindi niya iyon itinapon. Hindi niya rin alam kung bakit. Namumula na iniipit niya ulit iyon sa pitaka niya. Jusko, umagang-umaga, napupuno ng kahalayan ang utak ko, sa isip-isip niya.
Nang magawi ang tingin niya sa pinto ng faculty room ay parang huminto ang daigdig ng dalaga. Natanaw niya ang pamilyar na pigura ni...
Hindi niya alam kung bakit bahagya siyang nadismaya nang makita ang mukha ng kausap ng principal ng eskuwelahan. Guwapo rin naman ito, parang may lahi, ngunit iba ang inaasahan ni Lana. Inaasahan niyang makita ang nakamaskarang mukha ng lalaking hindi umalis sa utak niya. Sa tantiya niya ay magkasingkatawan si Vlad at ang lalaking kasama ng principal. Magkasingtangkad din. Pumasok ang mga iyon sa loob ng faculty room at kinuha ng prinicipal ang atensyon nila ni Mallorie.
"Good morning, people. May bago tayong co-teacher starting today. This is Alexei Panganiban, and he'll be joining the preschool department. I entrust now this new teacher under your care for the meantime, Ms. Herrera," pagpapakilala ng principal sa kasama nito.
Sa ngayon ay mag-isa lang si Lana na nagtuturo sa tatlong sections ng preschool, mula nursery hanggang preparatory level. Kaya naman madalas ay pagod na pagod siya kapag umuuwi dahil nasa kakulitan ang mga bata. Dati ay may kasama siya, ngunit nang mahuli niya ang co-teacher niyang iyon na gumagawa ng milagro sa locker room kasama ang huli niyang nobyo ay nag-resign kaagad ang dalawa. Naiwan tuloy lahat ng trabaho kay Lana.
Nang iabot ng lalaki ang kamay nito sa kanya ay naramdaman niya ang kakaibang pagsikdo ng dibdib niya. Ganoon din ang pakiramdam niya noong nilapitan niya si Vladymir sa loob ng night club. Pilit niyang pinangiti ang sarili at nakipagkamay sa lalaki.
"Hi! I'm Lana. You can call me Teacher Lana. Pero Lana na lang kapag wala naman tayo sa classroom," magiliw na pagpapakilala niya.
Nang ngumiti ito ay may kaunting kilig siya na naramdaman. Pogi, e. Kahit naman siguro sino, kikiligin kapag may kaharap na pogi. Macho rin. Mapanga at maugat ang mga braso. Mapupula ang mga labi at prominente ang ilong at brown na mga mata na nasusuotan ng salamin. Kung hindi niya lang kabisado na asul ang mga mata ni Vladymir, ay aakalain niya na ito iyon. Kahit na hindi niya pa nakikita ang mukha ng damuhong iyon na walang maskara.
"Alexei. Alexei Panganiban. I guess I'm going to be your partner on handling kids, Teacher Lana."
Hallelujah. May kung ano sa boses nito na kakaiba. Vlad's growls and low, baritone voice was so damn sexy to her but Alexei's voice was... different. It sounded soothing. Nakakakalma ng utak. Kakaiba sa pakiramdam. It kind of felt wrong and good at the same time. Ganito rin ang nararamdaman niya kapag nasa paligid ang ampon ng kanyang tunay na ama.
Tumikhim siya at binitawan ang kamay nito. Pinakilala si Mallorie na abala pa rin sa ginagawa nito. Pilit na iwinaksi ng dalaga ang kakaibang pakiramdam. Siguro ay hinahanap-hanap niya lang ang presensiya ni Vladymir kaya siya nagkakaganito. Isa pa, may kasunduan sila. At tiyak niya na hindi na niya ito makikita pa na aali-aligid sa kanya.
"Do you mind if I give you a tour, Mr. Panganiban? Mamaya pa kasing 10 AM ang pasok ng mga kinder students, so I guess mas maigi na na ma-familiarize kita sa amenities ng school bago ka sumabak sa trabaho," mahinahong alok niya.
Ngumiti ito. Lumabas ang biloy sa pisngi. "Sure. I don't mind, Ms. Herrera."
Ginapangan ng kung anong sensasyon ang katawan ni Lana nang tawagin siya nitong 'Ms. Herrera'. Katulad noong unang beses siyang tinawag ni Vladymir Krasny sa pangalan niya. Tumikhim ang dalaga at pilit na ngumiti. "Shall we?"
Nagtungo siya sa pinto at hinintay na makasunod ang kasama. Holy s**t, sa isip-isip niya. Para kang sira, Lana! Stop thinking about your adopted brother, for Pete's sake!
Tahimik nilang binabagtas ang mga hallway ng prestihiyosong paaralan na iyon habang patingin-tingin lang ang kasama sa paligid. Paminsan-minsan ay nagsasalita ang dalaga upang sabihin sa lalaki kung nasaang parte na sila ng paaralan o kung ano ang maaari nitong gawin kapag vacant nito. Tahimik lamang itong nakikinig ngunit may kakaiba sa mga titig nito na pakiramdam ng dalaga ay tila nanunuot sa kanyang balat.
"Puro anak-mayaman ang nag-aaral dito, Mr. Panganiban. They can be a little bit tough to handle, pero mababait naman 'yong mga batang 'yon. Madaling turuan at alagaan."
Napangiti si Alexei. "Talagang mahal na mahal mo ang trabaho mo, Ms. Herrera."
Mahina siyang natawa. "Only child kasi ako at pangarap ko dati na magkaro'n ng mga kapatid. Kaya siguro gan'to." Nilingon niya ito. "Well, at least may kasama na ako ngayon sa pagtuturo. Welcome aboard, Teacher Alexei."
Nag-iwas ito ng tingin. Kapansin-pansin ang pamumula ng tainga ng kasama. "Thanks, Teacher Lana."
Sa isang maling paghakbang ay muntik nang dumausdos ang dalaga sa sahig. May kataasan ang takong na suot niya dahil kasama iyon sa protocol ng uniform nila. Naghahanda na siya sa pagsalampak ngunit...
Niyakap siya ng matitipunong bisig ni Alexei. Nagkatitigan sila. Hindi man asul ang mga mata nito, pakiramdam ni Lana ay para siyang nakatingin sa mga mata ng Vladymir na iyon. Napalunok ito habang nakikipagtitigan sa kanya. Mamasa-masang labi na...
"Are you alright, Teacher Lana?"
Nanginginig na tumango ang dalaga. "Y-yeah. Nadulas lang."
Inalalayan siya nitong makatayo. Nakakailang. Ramdam ni Lana ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi habang inaayos ang unipormeng nagusot. Hindi umiimik ang kasama niya. Tila nakikiramdam din katulad niya.
"You should be careful, Lana," may halong pag-aalala na saad nito.
At muli, naramdaman ni Lana ang kakaibang pagtambol ng kanyang dibdib. Ang kakaibang sensasyong noon ay nararamdaman niya lamang kay Vladymir Krasny. Ayaw niyang isipin na nangungulila siya sa damuhong iyon, ngunit tila iba ang sinasabi ng kanyang katawan.