"D'yan na lang sa tabi," walang emosyong saad ni Lana. Inihinto ni Vlad ang Maserati nito sa tapat ng kanyang apartment. Alas singko na ng umaga at kakagaling pa lang nila sa Red Angel. Hindi na niya hinanap pa ang ka-date niyang si Alexei at hindi na rin niya sinubukang tawagan ito. Bigla na lang kasing nagpaalam ito na sandaling magtutungo sa banyo ngunit halos isang oras na itong nawawala kanina at naka-ilang shot na rin siya ng tequila kaya naman tumayo siya para hanapin ito. Ngunit kapag nga naman pinaglalaruan ka ng tadhana, nakabungguan niya si Vladymir Krasny. Ang sumunod na naaalala na lamang niya ay hinahalikan na siya nito. Hinuhubaran. Pinapaligaya. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Vlad ay talagang nawala ang kalasingan niya. Bumigay na naman siya sa mga tukso nito. Sa pang-aakit nito. Nadala na naman siya sa mga salita at haplos ng ampon ng kanyang ama. At katulad ng mga nakaraang gabi ay heto ang lalaki, may halong panunuyo ang mga titig sa kanya, na akala mo ay kailangang-kailangan siya nito.
"Lana..."
"Huwag kang mag-alala, ginusto naman natin pareho ang nangyari," diretsong saad niya bago hinawakan ang lock ng pinto ng sasakyan nito. Napatigil siya nang hawakan siya nito sa braso.
"Can we at least talk properly? Parang kanina lang—"
"Hindi por que ibinigay ko na naman sa'yo ang katawan ko e ibig sabihin na no'n papayag na ako na makipagkita sa tatay ko," may diin na sabi niya. "s*x and my family issues are two different things, Mr. Krasny. Now, get lost. Magpapahinga na ako."
"Can't we just talk a little bit more? I mean, look, I don't want you to think that I was just looking for f*ck. I'm serious, Lana. And to tell you, ikaw lang ang nakakasiping ko. I'm not going to deny that. I... I'm tied and stuck on you, temptress. I want to clear things between us and—"
"Sorry to tell you, Mr. Krasny. Pero s*x lang ang habol ko," matapang na saad niya. "And I don't give a damn about your feelings. What happened last night doesn't change the fact that you are a Krasny and that I despise you and your family. Isa pa, pare-pareho naman kayong mga lalaki, 'di ba? s*x lang ang habol niyo sa'ming mga babae. Huwag mo na akong bolahin dahil ang tanging gusto ko lang ngayon ay makalabas dito sa sasakyan mo at matulog. Your carnal needs is the least of my concern and this night won't happen ever again."
Pabalya niyang isinara ang pinto ng Maserati nito at umakyat sa apartment niya. Hindi na niya pinansin ang mga nasa paligid niya at mabilis na isinara ang pinto.
What the hell is wrong with you, Lana?
Bahagya niyang nasabunutan ang buhok. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng lalaki na pupuwede niyang makasiping ay si Vladymir pa? Si Vladymir na isang Krasny, ang mismong ampon ng kanyang tunay na ama. Bakit ba kasi na kailangang ang mga hawak nito ang makapagpabaliw sa kanya? Bakit ang tinig nito ang kailangang makapagpangatog ng kanyang mga tuhod? She could've picked a random stranger but here she is, just coming home after spending the night with that f*cking man. Her she is, finding herself enjoying and looking for his touch. It was wrong. It was supposed to be wrong. But all Lana can think about now is how she gave in to his temptations every single damn time. On how she wanted to stare at his blue eyes, and how she wanted to kiss his red lips. She's aching. Every inch of her aches for Vladymir Krasny.
Ilang ulit na niyang ipinangako sa sarili at sa kanyang ina na kahit kailan ay hindi siya magkakaroon muli ng kahit na anong ugnayan sa mga Krasny. Sagad sa buto ang pagkamuhi niya sa kanyang ama ngunit heto siya ngayon...
She took out her phone and checked if Alexei messaged her. There's not even a single message nor a single missed call. Hindi niya tuloy malaman kung siya ba ang mauunang tumawag dito o kung ano. Sa pagkatuliro ay ibinagsak ng dalaga ang kanyang katawan sa ibabaw ng kama niya. Tumitig sa kisame. Pilit na hinagilap ang mailap na antok. Pilit na nakipagtalo sa sariling kamalayan. Pilit na iwinaksi ang mukha ni Vladymir sa kanyang isipan. Hindi puwede, Lana. Hindi ka puwedeng makaramdam ng kahit na ano para sa hinayupak na 'yon dahil Krasny siya, paulit-ulit na paalala niya sa sarili niya. Katulad ng tatay mo, maitim ang budhi no'n. Sasaktan ka lang no'n.
Dala na rin ng pagod at kalasingan ay hinila siya ng mga mata niya na matulog. Sandaling nakalma ang isipan ng dalaga. Sandaling nakahinga. Nang magising siya ay sikat na sikat na ang araw sa labas, at pagtingin niya sa orasan ay alas-diyes na ng umaga. Tsaka niya lang napansin na tila nag-iba ang grills ng mga bintana niya at mas kumapal ang pinto ng kanyang apartment. Itatawag niya sana iyon sa guard na nagbabantay sa baba ngunit biglang tumunog ang smartphone ng dalaga. Si Alexei pala iyon. Dali-dali niya iyong sinagot.
"Lana, where did you go last night? I looked for you!" may halong pag-aalala na saad nito.
Mariin niyang nakagat ang labi niya. "Hinanap din kita, kaso 'di kita nakita kaya umuwi na 'ko. Sa'n ka ba nagpunta? Hindi ka man lang nag-iwan ng message o tumawag man lang."
"I'll drop by," pag-iiba nito ng usapan bago ibinaba ang tawag. Sa taranta ay mabilis siyang napatakbo patungo sa banyo at nagbihis ng simpleng t-shirt at shorts. Suot niya pa rin kasi ang bestida na suot niya kagabi at medyo may bakas pa ng make up ang kanyang mukha kaya naman nagmamadali ang dalaga sa pagkilos. Ayaw naman niya na abutan siya ng manliligaw niya na may muta pa at halatang naglasing kapag dumating ito.
Nang mapatingin siya sa salamin ay may marka pa ng mga labi ni Vladymir ang kanyang dibdib. Mabilis niyang itinago iyon sa kanyang mga mata at nagbihis. Kailangan na niyang kalimutan ang nangyari kagabi. Ang mga katok sa pintuan niya ang dahilan para mapalabas ang dalaga mula sa banyo at pagbuksan ang manliligaw.
Nang mabungaran niya si Alexei ay may bitbit pa itong bulaklak at lugaw. May bahid ng pag-aalala at emosyong hindi niya mawari ang mukha nito. Mabilis niyang pinapasok ang lalaki sa loob ng kanyang apartment.
"Lana, I'm sorry if I left you last night for that long. Sumama kasi 'yong pakiramdam ko kaya ayon. But I did looked for you and you were gone so I thought you're mad at me and went home already."
Naglabas siya ng mga mangkok para sa binili nitong pagkain. Mahina lang siyang tumawa para itago ang kaba. Sasabihin niya ba na habang wala ito ay nakipagsiping siya sa ibang lalaki? Hindi, hindi ba? "Hindi ako galit, Alexei. Akala ko nga na-boring-an ka sa'kin kaya mo ako iniwan, e."
Nang mapasulyap siya sa mga mata nitong tila nanunuyo ay biglang sumagi sa isipan niya si Vladymir at kung paano rin siya nito titigan kanina lang. Napalunok si Lana. Bakit ba kasi pati ang manliligaw niya, pinapaalala sa kanya ang lalaking iyon?
"No, I... I actually had a wonderful time last night, babe," nahihiyang turan nito bago hinagod ang batok at tumawa. Tsaka niya napansin ang tila maliit na pasa na lumilitaw mula sa polo nitong suot. Hindi niya masigurado kung chikinini ba iyon o simpleng pasa lang. Tila tukso na naman na sumagi sa kanyang kamalayan ang nangyari kagabi. Nag-iwan din kasi siya ng marka sa leeg ni Vlad. Tumikhim siya at ipiniling ang ulo. Pilit na iwinawaksi ang kung ano mang alaalang magbabalik pa sa kanya at nagpokus sa kinakain.
Napasulyap siya sa kaharap nang marahang maglandas ang kamay nito patungo sa kamay niya. Pinisil iyon ni Alexei at marahang hinaplos. Bahagya siyang napangiti. "O, bakit?"
Tumawa ito. "Wala lang. I kinda like this moment with you, Lana."
Nagrigodon ang puso niya nang magkasalubong ang mga mata nila. Nang bahagyang kumibot ang mga labi nito. Si Alexei ang kaharap niya ngunit ang mga alaala ng gabing kasama niya si Vladymir ang laman ng utak niya. Ang nanunukso sa isip niya. Ang ampon ng kanyang ama ang nakikita niya sa kaharap. Alam niyang mali ngunit bakit hindi niya mapigilan na isipin ang lalaking iyon? Bakit hindi niya makalimutan ang mga gabi na ibinigay niya ang sarili niya sa isang Krasny? Nahihibang ba siya?
Nang makatapos kumain ay inaya niya si Alexei na manatili pa sa apartment niya. Pinaunlakan naman iyon ng lalaki. Kaagad siyang naghanap ng pelikulang mapapanood at umupo sa harap ng television. Bahagya pa itong napapitlag nang isandal niya ang ulo sa balikat nito habang nanonood.
"You really know how to tempt a man, don't you?" mahinang asar nito sa kanya.
"Huh?"
"Your gestures. How you carelessly wrap your arm around mine, how you press your head against my shoulder like that... Lalaki pa rin ako, Lana. Kahit na mabait ako, kung palagi kang gan'yan, baka masanay ako. Baka hanap-hanapin ko."
Tumawa siya. "Ganito naman ako sa mga manliligaw ko noon." Hinila niya ang kamay nito at iniakbay sa kanyang sarili. "Minsan nga, mas malala pa sa ganito ang ginagawa nila. Kaya—"
"Hey, I don't want to take advantage of you," depensa nito. "I respect you, Lana. Hindi ako kagaya ng ibang mga manliligaw mo. Hindi naman s*x lang ang habol ko."
She remembered how Vlad told her that earlier. It was as if Alexei was an echo of that man's words. Naaalala niya na naman tuloy ang lahat. It was as if it's a stain in her mind that can't be erased.
The two of them fell silent. Nakaakbay pa rin si Alexei sa kanya habang unti-unti na siyang kumakalma at nagiging komportable sa loob ng mga bisig nito. May kung ano sa presensya ni Alexei na nagpapagaan ng kanyang pakiramdam at tila sinasabi sa kanya na magiging maayos ang lahat. Kahit kailan ay hindi niya pa naramdaman ang ganoong klaseng sensasyon mula sa kanyang mga dating manliligaw at mga naging nobyo kaya naman hindi niya maiwasang hindi mapaisip kung bakit ibang klaseng pakiramdam ang lumulukob sa kanya kapag kasama ito. Kahit na laman ng isip at memorya niya si Vlad.
Nang lingunin niya ang katabi ay nakapikit na ito. Mukhang nakatulog na. Sa pakiwari ng dalaga ay pagod ito kaya naman marahan siyang tumayo at dahan-dahang nilagyan ng unan ang likod ng ulo nito. Pagkatapos ay tinutukan niya ng electric fan dahil bahagyang maalinsangan ang panahon. Pinatay ng dalaga ang television at nagtungo sa kusina upang magluto ng tanghalian.
Nang matapos siya sa pagluluto ay sandali niyang inayos ang loob ng apartment niya. Tulog pa rin ang lalaki. Bahagya pa siyang natatawa habang sinusulyap-sulyapan ito sa pagtulog nito dahil naririnig niya ang mahinang paghilik nito. Maamo ang mukha at talagang kahit na wala itong malay ay napakaguwapo pa rin.
Nilapitan niya ito para gisingin. Ala una na at baka lumamig ang pagkaing niluto niya. Niyugyog niya ang balikat nito ngunit umungol lang ang lalaki. Inulit niya ang pagyugyog ngunit mas lumakas lang ang protestang kumawala sa bibig nito. Sa ikatlong pagkakataon ay napasinghap siya nang bigla siyang hilahin nito at yakapin bago humiga sa ibabaw ng sofa. Nakadikit ang kanyang tainga sa dibdib nito at pinakikinggan ang mabilis na t***k ng puso nito dahilan para umakyat ang dugo patungo sa kanyang mga pisngi.
"Alexei..."
"Five minutes pa..." bulong nito.
"Lalamig 'yong pagkain."
"You in my arms is much better than food."
Lalong namula ang pisngi ng dalaga ngunit hinayaan niya ang sarili na makulong pa sa yakap nito. Dinama ang sarili. At ang lalaki.
"Lalamig 'yong niluto ko n'yan," saad niya. "Ayaw mo bang matikman 'yong nilaga na specialty ko?"
Dumilat ito at tumingin sa kanya. Namumula ang mga tainga ni Alexei habang pinagmamasdan ang mukha niya ngunit hindi ito umiimik.
"Alexei?"
"Bakit...kapag yakap kita, pakiramdam ko ligtas ako? Na... hindi ako huhusgahan ng mga tao sa paligid ko? Na kahit halimaw ako sa paningin nila, pakiramdam ko, kapag kasama kita, pupuwede pa rin akong mahalin..." mahinang bulong nito.
Kikiligin na sana siya, kung hindi lang iyon ang unang beses na niyakap siya nito. At hindi niya malaman kung bakit tila tuksong sumingit ulit sa kanyang isipan si Vladymir.
Ayaw niyang isipin... ngunit iba ang ibinubulong ng likod ng kanyang isipan.
Isang mumunting hinala na alam niyang hindi maaalis sa kanyang sistema.