That day, Lana officially quitted her job. Bagaman nalulungkot ang mga staff ng naturang unibersidad sa paglisan ng dalaga ay naiintindihan naman ng mga ito ang dahilan niya. Isa pa, nais niyang mapagtuunan ng pansin si Vladymir. Nangako rin si Igor na gagawa ng paraan para makapagturo siya ulit kapag maayos na ang lahat. Tahimik na naglalakad ang dalaga papunta sa Saavedra Global Medical Center nang mapansin ang pamilyar na pigura ng lalaking nakatayo sa ilalim ng puno. Mukha itong stressed dahil humpak ang pisngi nito at nanlalalim ang mga matang dilat na dilat. Nang gumalaw ito ay naalerto ang dalaga. "Yllana..." Tumalim ang titig ni Lana sa kaharap. "Isang hakbang mo pa papalapit, Frederico. Sasabog ang bungo mo." Hindi nagpatinag ang lalaki. Akmang lalapitan pa siya nito nang mak

