"Uhm sigurado ka bang iyan yung nakukuwento mong Nika, Girl?" tanong ni Kai kay Isobelle habang nakatayo siya sa gate ng University. Hindi kasi kumbinsido si Kai na si Nika nga ang magiging kasama nito lalo na at gabi na. Ngumiti si Isobelle. "Oo siya yan. Dati kasi noong mga bata pa kami parang tomboy kung manamit. Lumaki kasinsiya sa tatay niya," sagot ni Isobelle. Tumango-tango si Kai. Sa kanyang paningin, mukhang lalaki na nga kung manamit itong Nika na kababata ni Isobelle. Nakaupo ito sa hood ng sasakyan niya. Maluwang na damit ang nito na pang lalaki talaga at bagamat mahaba ang buhok nito na nakatali ng magulong paraan, naroon pa rin ang kakaibang damdamin kay Kai. Hindi niya ito gusto at pakiramdam niya ay hindi safe si Isobelle kapag ito ang kasama. "Sure ka bang sasama

