Agad na sumakay ang dalawa sa elevator pababa hanggang basement ng building kung saan may extra na sasakyan siyang binili na hindi alam ng kanyang mga magulang. Agad silang sumakay roon at pinaandar niya ito agad. Papalabas na sila sa basement parking lot ng makasalubong nila ang pamilyar na kotse ng kanyang magulang. Naguluhan ang dalaga sa nakita. What the hell is happening? Bakit pumunta ang magulang niya sa condo building kung saan siya nakatira? Iyon ang nasa isip ng dalaga. Bigla siyang nagkaroon ng pagdududa. That condo unit was gifted to her by her dad after her graduation. At malamang ay mag-access ito roon. Lucky for her, may mga hidden camera sa bahay niya. Matagal na niya itong hindi ginagamit but now, it's a different story lalo na at hindi man lamang nagpasabi ang mama ni

